KABANATA 6: BOYFRIEND

1628 Words
"Sorry Ma at umaga na akong umuwi. Hindi ko naman ito inaasahan," paliwanag ko kay Mama. Mabuti na lang at hindi siya lumalabas ng bahay at kung lumabas pa siya, lagot talaga ako. Napakagat na ako ng pang-ibabang labi. "Okay lang naman anak. Alam ko namang trabaho ang dahilan kung bakit ngayon ka lang umuwi," she replied. I hope deep inside, naintindihan niya ako. May dala pa itong walis. "Magpahinga ka na muna doon sa kwarto mo at bumangon ka na lang kapag nagugutom ka na," dugtong niya pa. Napatango lang ako sa kanya saka tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto. Agad akong napahiga at ipinikit ang aking mata. Bigla tuloy na pumasok mula sa aking isipan ang aming ginawa ni Achilles. Na para bang nararamdaman ko pa rin ang kanyang haplos sa aking balat, and just like he is still inserting his shaft into mine. Unang pagkakataon pa lang iyon ngunit naaapektuhan na ako. May maraming pera na nga akong dala ngayon. Dapat na sana akong maging masaya. Ngunit iba ang aking nararamdaman. Wala ang pleasure o affection. Isang lungkot na may halong kaba. Hindi ko alam kung bakit na lang akong napaluha. Pina-pirma na ako ni Achilles ng isang kontrata. Alam kong ang kontratang 'yon ay hindi lang para sa isang hating gabi lang. Baka aabot pa ito ng isang buwan or worst, aabot nang isang taon. Muli kong ipinikit ang aking mata dahil sa pagod. Namalayan ko na lang ang aking sariling nakatulog. Nagising ako ng tanghalian. Kahit na inaantok pa ay mas pinili ko ang gumising para e-check kung ano na ang ginagawa ni Mama sa ngayon. Luckily, she is sitting at the sofa watching television. Humalakhak pa ito dahil sa kanyang pinapanood na isang noon-time show. Hindi ko na siya tinawag pa. Kumuha na ako ng plato at kumain. Alam ko naman na tapos na siyang kumain. Pagkatapos kong kumain ay lumipat lang ako kay Mama at sinamahan lang siyang nanood ng tv. ***** "Seryoso ka bang tinanggap mo ang offer niya sa iyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shane sa akin. "As in? Sure ka na?" Day off niya ngayon kaya binisita niya ako dito sa aming bahay. Napa-ayos lang ako nang upo sa upuan. Siniguro ko munang malayo si Mama sa aming kinaroroonan para hindi niya marinig ang aming pinag-uusapan. Ibinalik ko na lang ang tingin kay Shane at napatango. "Wala na akong nagawa. Iyon na ang nakita kong paraan para kumita ng mas malaki pa." Uminom ako ng juice at inilapag na ito muli sa mesa. "Hindi pa ito alam ni Mama kaya tumahimik ka lang," dugtong ko. Napatango din siya. Napabaling sa kinaroroonan ni Mama saka ibinalik din ang tingin sa akin. "Infairness, at least wala namang pinipilit sa 'yo. Desisyon mo 'yan," she said and leaned on the table. "Ang galing mo sa naging desisyon mo Amira. Hindi ko pa man nakita ang kanyang katawan, pero alam kong hot na hot siya." Grabe naman iyang reaksiyon mo. Hindi naman ako naghahabol para makita ang kanyang katawan." sabi ko naman sa kanya. Kinuha ko ang chichirya sa mesa. Ako na mismo ang umubos sapagkat may isa pa namang natira para sa kanya. "At huwag na huwag mo akong tatanungin tungkol diyan kung nandito si Mama. Naku, malalagot ka talaga sa akin," pagbabanta ko sabay titig sa kumikislap niyang mata. "Huwag kang mag-alala. I got you girl." She winked at me. "Kailan ba ang balik mo sa kanyang condo? Ngayong hating gabi ba?" "I'm not sure pa. Baka kasi sa mga susunod pa na araw. Hinihintay ko pa lang ang kanyang tawag," sagot ko. Iyon ang totoo. Wala akong tinatago sa kanya. May sasabihin pa sana ako sa kanya ngunit hindi ko naituloy dahil bigla na lang na nag-ring ang cellphone ko na nakapatong lang sa mesa. "Wait," tipid na sagot ko kay Shane. "Hulaan ko kung sino iyan. Si Achilles 'yan no?" tanong niya. Hindi lang ako nakasagot sa kanya. Tinignan ko lang ang aking cellphone. Nahulaan nga ito ni Shane. "Well, you are right. Siya ang tumatawag," sabi ko sabay tayo sa aking kinatayuan. Sumenyas na muna ako sa kanya na huwag na munang maingay kasi sasagutin ko na ang tawag. Nag thumbs up lang din siya sa akin. "Napatawag ka?" panimula kong tanong ni Achilles. "Pupunta ba ako sa condo mo ngayong hating gabi?" "Yeah, I badly want to see you again in the middle of the night," sagot niya in his cold voice. "Isa pa, gusto kong bilhan kayo ng isang condo unit para tumira lang kayo ng Mama mo dito malapit sa akin. Do you want it or nah?" Napakamot ako sa aking ulo. "I am so sorry pero hindi ko matanggap 'yan galing sa'yo. Okay lang naman kami ni Mama dito," sabi ko. Pinagmasdan ko pa ang aming bahay. Okay lang naman 'to at mas comfortable pa nga kaming titira dito kaysa naman titira sa condo. "It's a no for me, I guess?" "Damn it Amira! Ibibigay ko lang naman sa inyo 'yon para hindi ka na mahihirapan pa sa trabaho mo sa'kin," he said. "Nasa rule na pinirmahan mo na susunod ka sa lahat ng gusto ko. But you are not following me right now!" Bahagya kong inilayo ang aking cellphone sa aking taenga dahil sa nagawa niyang pagbulyaw sa'kin. "Huwag ka namang sigaw nang sigaw diyan. Wala naman akong ginawang masama sa'yo at isa pa, hindi kita inutusan na bilhan kami ng isang condo unit—" "Kung hindi ka sasang-ayon sa gusto, pupuntahan kita ngayon sa bahay niyo para sabihin sa Mama mo na ililipat ko na kayo dito. Tignan lang natin kung tatanggihan ba siya o hindi." may pa-trill pa niyang sinabi kaya hindi ko maiwasan ang mataranta bigla. "s**t huwag mong gawin 'yan. Hello...hello? Damn him!" sabi ko nalang dahil bigla niyang pinutol ang tawag. Tinawagan ko siya baka just to confirmed to him na nagbibiro lang ito. Ngunit patuloy lang sa pagri-ring ang kanyang cellphone. Hindi ito sinasagot. Sinubukan ko muli ngunit hindi pa rin niya ito sinasagot kaya tumigil na rin ako sa pagtawag sa kanya. Napaupo na muli ako sa kinauupuan ko kanina. "Ba't naman ganyan ang mukha mo kung si Achilles ang tumatawag sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Shane sa'kin. "Anyway, ano ba pinagusapan niyo? Mind to share it with me?" Bumuntonghininga ako. "Sinabi lang naman niya sa akin na bibilhan niya kami ng isang condo unit malapit sa kanya. Para hindi na ako mahihirapan pang gawin ang trabaho ko sa kanya pero tumanggi ako at tas bigla na lang niya akong pinagbabantaan niya akong pupunta dito para kay Mama niya sasabihin 'yon." Gulat ang tanging reaksiyon sa aking sinabi. "Sana sumang-ayon ka na lang para hindi na umabot pa sa ganito. Wala namang masama sa alok niya. Kung ako pa sa'yo, tinanggap mo na lang 'yon," she said. "Ang swerte mo talaga." "Hindi ako 'swerte' sa kanya no." Napairap ako ng tingin. Walang swerte sa naging posisyon ko. Isang unfortunate job ang napasukan ko at hindi maaring tawaging 'swerte' ito nang basta-basta. Makalipas ang ilang minuto. Nananatili kaming nag-uusap ni Shane sa loob, mukhang hindi naman siya dumating hanggang sa tuluyan na ngang umalis si Shane sa aming bahay. Sa kanya ko nalaman na siya pala ang nagsabi kay Achilles sa aming bahay kaya natunton ito. Nakatayo ako dito sa may kalsada habang pinagmasdan ko ang sinasakyang jeep ni Shane na lumalayo. Tatalikod na sana ako nang bigla kong nakita ang isang pamilyar na kotse. Kung hindi lang din ako nagkakamali, 'yan ang kotse ni Achilles. 'A—Achilles?!' "T*ngina Achilles," mahinang mura ko sa sarili dito sa aking kinatayuan habang unti-unting hininto ni Achilles ang kanyang kotse sa aking harapan. "Sabi ko sa'yong makapunta dito ang tigas talaga ng 'yong ulo." Hindi pa man siya bumababa ay tadtad na siya ng mura sa isip ko. Sino naman ay may gustong makita ang isang lalaking habol lang sa akin ang aking pagka-birhen? Wala! Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang lumabas mula sa kanyang kotse. Umikot siya sa may bandang harapan at tuluyan siyang napatayo sa aking harapan. May suot itong shade ngunit agad niya ring tinanggal at pinagmasdan lang ako. Kumurap ako nang ilang beses. "Sinabi ko na sa'yong huwag kang pumunta dito—" "You can't stop me. Besides, ang ganda ng aking intensyon ngayon." Nagsimula na akong humakbang. I am now blocking his way to our house. "I said stop!" Napahinto si Achilles. Ibinaba niya sa akin ang kanyang tingin kasi matanggap ito. Siguro kung hindi lang ako nagkakamali sa kanyang height, mga 6'2 siya. Anyway, hindi na 'yon mahalaga pa. Matuod na muli ako sa aking kinatayuan dahil ilang inch na lang ang pagitan namin, mahalikan na niya ako. Halos madidikit na ang kanyang ilong sa'kin at sumikisip na ang aking dibdib. Halos hindi na ako makahinga. "May balak ka bang umalis diyan sa kinatayuan mo o gusto mo lang mahalikan ko dito?" tanong niya. His voice was cold as water in refrigerator. Kumurap lang ako nang ilang beses at tuluyan na akong napaatras. Hinayaan ko na siyang maglakad papunta sa aming bahay. Tanging nagawa ko lang ay napatakbong maglakad para masundan si Achilles. "For God's sake, huwag mong sabihin kay Mama ang totoo kong trabaho sa'yo. You can just pretend as my boss," sabi ko pa kay Achilles ngunit tila ba hindi ito nakikinig sa akin. Diretso lang ang kanyang lakad. "Makinig ka sa akin Achilles ano ba!" "I know what I am doing so shut up!" Pabulong niyang sabi. Saktong humakbang na kami sa may pintuan saka naman lumabas si Mama sa kwarto, nanlaki ang mata. "Hindi mo naman sinabi sa akin Amira na may isang gwapo ka palang boyfriend," bumulong si Mama. Like what?! B—boyfriend?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD