Episode 7 - Gym

2303 Words
"Vela, iha," bati ni Guillermo sa dalaga. Kumaway pa ito kay Vela na nasa may sala ng mga Bianco. Maagang lumipat ng bahay si Vela upang salubungin ang tinuturing na niyang pangalawang mga magulang. "Hello po, Tito Guillermo." Lumapit si Vela sa bagong dating na lalaki at nagmano. "Pa, buti naman at maayos ang naging biyahe ninyo," masayang sinalubong ni Tristan ang ama niya. "Si Mama?" "Nasa labas pa, Tristan, pakitulungan mo na lang sa mga maleta namin." Yumuko si Tristan at pinuntahan si Helga sa may parking area. Inakbayan naman ni Guillermo si Vela habang papasok sa loob ng bahay. "Musta ka na, iha? Hindi ka ba nahihirapang i-manage ang bar? Tinutulungan ka pa rin ba ni Tristan sa pamamalakad?" "Opo, Tito." "Totoo ba 'tong naririnig ko na isa ka rin sa mga sumasayaw minsan o nagliligpit sa kusina? Aba, iha, hindi mo naman kaylangan gawin 'yun. Leave it to our employees." "Gusto ko naman ang ginagawa ko, Tito. Isa pa, paano ko malalaman ang mga posibleng maging problema kung hindi ko susubukan ang mga bagay-bagay? I need it to understand our employees. Kaya kung may mga nagrereklamo at reasonable ang demands nila, magagawan ko nang paraan. Isa pa, kung nag-iinarte lang, alam ko na agad." Iniharap ni Guillermo si Vela sa kaniya. "I am sure your parents must be so proud of you." Tipid na ngumiti si Vela. "'Tito, ayaw ko pong pag-usapan 'yan." "Iha, matagal nang panahon ang nakalipas. Maybe it's time to move on." Umalis si Vela sa pagkakaakbay ng matanda. "Tito, nagpapasalamat po ako sa kabaitan at malasakit ninyo sa bar na itinayo nila Papa. Ni hindi niyo ako pinahirapan at mabilis niyo lamang na inilipat sa akin ang pamamalakad niyon. Napakabuti po ninyong kaibigan kay Papa. Utang na loob ko po sa inyo ang lahat ng mayron ako ngayon. Kaya ko na pong mag-isa, dahil tinuruan niyo akong maging independent, maging malakas. Kaya nga po, hayaan niyo na rin po ako sa mga naiiisip kong gawin pa para makuha ko ang justice para sa mga magulang ko." "Iha…" "Kung ayaw ninyong masira ang araw natin pare-pareho, itigil na po natin ang usapang ito,"mariing saway niya. "I'm sorry, iha." Hindi na lamang nagsalita si Vela at tumuloy na lamang sa hapag-kainan. "Masyado naman atang tahimik dito," bungad ni Helga. Naramdaman niya agad ang namuong tension sa pagitan ng asawa niya at ni Vela. "Tita!" Tumayo si Vela at niyakap nang mahigpit ang ginang. "You look stunning! Bagay sa'yo ang bagong hairdo mo!" "You like it, iha? Wow! Naiinis nga ako dahil inaaway ako ni Tristan nang makita niyang violet ang buhok ko. Hindi na raw kasi ako bata." "Ohhh… naghanap pa ng kakampi niya," sabat ni Tristan na nasa likuran na pala ni Helga. "Bagay naman talaga kay Tita, Tristan." "Magsiupo na kayo at magsipag-agahan na tayo. Mahaba pa ang araw," utos ni Guillermo. "Tristan, kelan mo ba kami bibigyan ng apo?" tanong ni Helga mayamaya. Nasamid si Tristan. "Binigla niyo naman po ako sa katanungan niyo, Mama." Ipinatong ni Helga ang kaniyang siko sa table at ipinagsalikop ang mga kamay sa harapan niya. Ipinatong niya roon ang baba. "Tumatanda na kami at kahit natatakpan pa ng pangkulay ang buhok namin ng Papa mo ay hindi nun maikakailang tumatanda na kami. Gusto naman naming makita ang mga apo namin bago kami bawian ng buhay." "Hindi pa ako sinasagot ng nililigawan ko, Mama." Bumaling si Helga kay Vela. "Wag mo nang pahirapan si Tristan, iha." Si Vela naman ang nasamid. "Tita…" "Doon din naman kayo tutungo, iha. Hindi mo siguro naitatanong, nagkaroon ng kasunduan ang Papa mo at ang Tito Guillermo mo noon na ipapakasal namin kayong dalawa. Ayaw mo ba kay Tristan, iha?" "Mama.." Pinandilatan ni Helga si Tristan. "Hindi naman po sa gayon, Tita. Ideal guy ko nga po si Tristan ngunit sadyang…" Hinawakan ni Tristan ang kamay ni Vela. "You don't need to explain. Hayaan mo't sadyang makulit lang talaga si Mama." "Sang-ayon din ako sa Mama mo, Tristan. And there is no better match for you than Vela." "Pati rin ba kayo, Papa?” "Ang bagal mong kumilos kaya't naiinip kami. Kaya kami na ang makikiusap ngayon kay Vela," Napaubo si Vela. “Seriously, Tito?” “Why not, iha? Doon din naman pupunta ang relasyon ninyong dalawa. May nobyo ka na ba, iha?” “Wala pa po, Tito. I just turned twenty one last month! Hindi po ba masyado niyo naman po akong minamadali?” “Patas naman ako, iha. Kung may nobyo ka na o may minamahal na ngayon, hindi ko naman ipipilit sa’yo si Tristan. Meron na ba, iha?” Pinaglipat-lipat ni Vela ang paningin niya sa pamilya Bianco. Ayaw niyang magsinungaling sa mga ito para lamang makaiwas sa gusto ng mga itong mangyari. Wala rin naman siyang panahon para isipin pa ang pag-ibig na kinalolokohan ng iba. Hindi para sa isang katulad niyang walang matatawag na pamilya na maghangad ng magandang buhay. Oo! Hindi para sa kaniya iyon. Hindi siya naniniwala. She looked directly into Guillermo’s eyes. “Kung iyon po ang gusto ninyo, wala pong problema sa akin, Tito.” “What?”Napamaang na lamang si Tristan. "T-talaga, iha?" Tumayo si Helga at nilapitan si Vela. Niyakap niya ito nang mahigpit. “Hindi mo lang alam paano mo kami pinasaya, iha. Alam ko namang hindi ka pababayaan ni Tristan.” Hindi sigurado si Vela kung tama ang naging desisyon niya. Pero dahil sa nakikita niyang ningning sa mga mata ng pamilyang kumupkop at nag-alaga sa kaniya, siguro nga, maganda naman ang desisyon niya. Niyakap ni Tristan si Vela. “You made me the happiest guy today, Vela,”bulong nito. Sana masabi ko rin iyan sa'yo 'yan, Tristan… Sumeryoso ang itsura ni Vela. Mukhang kaylangan na talaga niyang madaliin ang kaniyang mga plano. * "TARA NA?" Tumayo si Tristan at sinalubong si Vela na bumababa sa hagdanan. Nakasuot ito ng two piece blue gym outfit. Lumitaw ang well-toned legs nito sa suot na tight polyester workout shorts. “As always, you look, hmm, captivating,” papuri ni Tristan. “Ikaw din naman ah.”Pinatikwas pa niya ang isang parte ng labi niya. Naka simpleng white T shirt, black drawstring waist shorts at yellow cap si Tristan. Sa tangkad ni Tristan maging sa angkin nitong karisma, alam ni Vela na marami na namang babae ang mapapalingon dito. Lumapit si Tristan at iniangat ang black cap na hawak niya at ipinatong iyon sa ulo ni Vela. Kinindatan pa niya ito. “We do look good together. Tama sila Mama at Papa. Vela wrinkled her nose. “Yan ka na naman, Tristan. Girlfriend mo na ako. Hindi mo na ako kaylangan pang bolahin." Tumatawa si Tristan na umakbay kay Vela at sumakay na sila sa kotse. Ilang minuto lamang ay narating na nila ang gym na madalas nilang pinupuntahan. Nagpa-member na nga sila para makatipid. Aakbayan na sana muli ni Tristan si Vela nang tumunog ang telepono nito. Malungkot itong tumingin sa kaniya pagkatapos mabasa ang isang text message. “I need to go first. Kailangan ko lang kausapin ‘yung bagong witness namin para sa hearing sa susunod na araw. Ngayon lang kasi pumayag,” hingi nito ng paumanhin. “Don’t worry about me. Sasakay na lang ako sa cab later.” “Sure ka? Ako pa naman ang nag-aya sa’yo.” “Sanay na ako sa’yo, Tristan. Mas mahalaga naman ang gagawin mo kesa sa samahan ako habang nagpapapawis. Ganiyan ka na lang ba? Hindi ka na magpapalit ng damit?” Ginulo ni Tristan ang buhok ni Vela. "Mayron pa naman akong naitabing mga extra clothes sa sasakyan. Kaw pa nga ang namili nun para sa akin." "Good. Lagi ka kasing magtabi sa sasakyan mo." Niyakap ni Tristan si Vela at pinisil pa ang pisngi nito. “Wow! Parang asawa lang kung mag-utos ah." "Sira! Sige na, umalis ka na." Ngumiti si Tristan, those smiles na gustung-gusto ni Vela dahil according to her, ang cute-cute raw ng chinito eyes niya lalo na 'pag nakangiti. "Pag maaga akong natapos, dadaanan kita pauwi.” Tumango na lamang si Vela. * Susunduin ni Sky si Storm ngunit dahil matagal pa bago matapos ang shift nito ay naisipan niyang tumakbo muna sa treadmill. Dumaan na lamang siya sa isang thrift shop upang bumili ng t-shirt at shorts bago tinungo ang gym na nakita niya. Nagpalit lamang siya sa comfort room at didiresto na sana sa loob ng gym nang mapansin niya si Vela at ang lalaking nakatalikod. Ang sweet tignan ng dalawa kaya medyo napahinto pa siya sa paglalakad at hinayaan na lamang na makaalis muna ang lalaki. Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung kapatid ba ito o boyfriend ni Vela. Dito rin pala siya nagwo-workout. Napadako ang kaniyang mga mata sa matambok na pang-ibaba ni Vela at sa maliit nitong bewang. Nakaramdam na naman siya nang kakaiba sa pagtanaw sa babae. Ipinilig niya ang kaniyang ulo para pigilan ang attraction niya para rito. Ngunit hindi niya maiwasang patuloy na pagmasdan si Vela. Sa loob ng gym ay maraming kalalakihan. Mangilan-ngilan lang ang mga babae at karamihan pa sa mga iyon ay mukhang nagpunta lang sa gym para makabingwit ng lalaki. Ang ilan ay magkakatabi sa stationary bike at parang mga dalagang nagpapa-cute sa ibang kalalakihang nagbubuhat ng barbel. Ang iba naman ay magaganda nga ngunit nasa vain side. Si Vela lamang ang pagkatapos magwarm-up ay dumiretso na sa bench at nagsimula ng magbuhat ng weights. Ito lamang ang nag-iisang babae na nasa loob ng gym na parang walang pakialam sa paligid. May ilang mga lalaking halatang nagpapansin dito ngunit ni hindi man lang sinulyapan ni Vela. Kinalkula niya ang binubuhat nito at halos natakot siya dahil mas mabibigat pa iyon sa mga binubuhat niya. Para siyang nahiya habang tumatakbo sa treadmill. Minabuti niyang mag-try ng ibang gym equipment pagkatapos ng tatlumpong minutong pagtakbo. Pagkalipas ng halos isang oras ay sinilip ni Sky ang kaniyang wristwatch. Malapit na ring matapos ang kapatid niya sa shift nito kaya kinuha niya lang saglit ang kaniyang bag at nagpalit na ng damit. “Sinusundan mo ba ako?” Nagulat si Sky nang marinig ang pagsasalita ng isang babae paglabas niya sa comfort room. Paglingon niya ay napansin niya na nakatayo roon si Vela. “Are you talking to me?” Itinuro pa ni Sky ang sarili niya. Humarap naman si Vela kay Sky habang ngumunguya pa ng bubblegum. “Yes, you.” Itinuro pa siya nito. Napangisi si Sky. “At bakit ko naman gagawin ‘yun?” “I dunno.” Ipinilig pa ni Vela ang kaniyang ulo. “Look, Vela, I am…” Napahinto si Sky sa pagsasalita nang biglang may pumutok sa kung saan at namatay ang ilaw. Kasunod niyon ay mga tili ng kababaihan na galing sa loob ng banyo. Mabilis niyang inabot si Vela at kumapit dito. “Ano ba?!” asik nito. Pilit niyang inaalis ang kamay ni Sky na pahigpit nang pahigpit ang pagkapit sa kaniya. “P-please.. w-wag ka muna umalis. S-saglit lang.” “Bitiwan mo nga ang braso ko!” Pumalag nang pumalag si Vela. Niyakap na ni Sky si Vela. “S-sorry, j-just let me hold y-you. I’m afraid of l-loud n-noises.” Papalag sana ulit si Vela ngunit naramdaman niya ang pangangatog sa boses ni Sky. He might be really scared to actually admit it in front of a girl. Nasilaw pa sila nang may tumamang flashlight sa kanila. “Sir, Ma’m, pasensiya na po. Maaari po bang lumabas na po muna kayo dahil mag-check lang po muna kami sa buong area. May nagshort circuit po kasing outlet. Kailangan lang pong masiguro namin na maayos ang lahat. Tutal naman po ay magsasarado na rin po ang gym.” Pagkaalis ng lalaki ay kumalas na si Sky. Sumandal ito sa pader. Pumikit pa ito at ilang beses na nag deep breathing. Napansin ni Vela ang butil-butil na pawis sa mukha ni Sky maging ang pamumuti na halos ng labi nito. Napapalatak siya. Gusto na niya itong iwan pero sa halip ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Niyuko ni Sky ang palapulsuhan niya na hawak-hawak ni Vela. "W-why?" Sa halip na sumagot ay naglakad na si Vela patungo sa building exit. "San ang sasakyan mo? O nag-commute ka rin?" Puno ng pagkalito ang mukha ni Sky. "B-Bakit?" "Gusto mo bang iwanan kita? Wag mo akong sisihin kung himatayin ka rito 'pag may sumabog na naman." "Nasa parking." Inilabas ni Vela ang kaniyang cellphone at inilawan ang dadaanan nila. Sobrang tahimik na sa lugar. Baka nga sila na lang ang natitira doon. Bumaba sila sa hagdan na hawak-hawak pa rin niya ang bisig ni Sky. Hinila ni Sky nang marahan ang kaniyang kamay. "O, bakit?!" "I can walk. Just light the way. Baka madapa pa tayo nang tuluyan kung hahawakan mo ako." Binitiwan nga ni Vela ang kamay ni Sky. "Ang daming arte!" bulong niya. "Ewan ko ba sa sarili ko't tinutulungan pa kita!" inis na inis siya sa inaakto niya pero hindi naman niya magawang iwanan na lamang ito. "Ito na." Itinuro ni Sky ang kaniyang Bugatti Veyron 16.4 car. Napaawang ang bibig ni Vela at inikutan ang sasakyan. "Sa'yo 'to?! Seryoso?!" "Yes." "Anak ng pating oh! Bugatti 'to 'di ba?" "Yup." "My gosh!" Napatakip pa si Vela sa kaniyang bibig. "Mayaman pala talaga kayo?" Nahihiyang napakamot si Sky sa kaniyang ulo. "Regalo lang sa akin 'yan. Hindi talaga ako ang bumili." "Grabe! Ang swerte mo! Nireregaluhan ka lang nito. Puwede nang pangkain ng limandaang pamilya sa loob ng isang taon ang presyo ng sasakyang 'to, sa totoo lang." "You knew about this car?" "Yeah, sort of. Limited edition lang 'yan, e. I sometimes watch car racing din so, yeah." Kinuha ni Sky ang susi at ibinato kay Vela. "You drive, if you want."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD