Episode 1 - The Perfettis
Ten years ago,
"Why are you hiding there?" bungad ni Vela sa batang lalaki na nagtatago sa mataas na damuhan. Nakasubsob ito sa tuhod nito habang mahigpit na niyayakap ang nakatuping mga binti. Para pa nga itong nanginginig. Sa tantiya niya ay college student na ito ngunit para itong batang pinagdamutan ng candy kung umasta. He looked fragile.
Lumingon ito sa kaniya. "W-who are you?"
Gwapo ito. Mahaba rin ang buhok. Ngunit dahil siguro sa nagbibinata ito, kapansin-pansin ang marami nitong tagihawat.
"I am Ve–"
Tinakpan ulit nito ang tainga at napapikit na yumuko nang may pumailanlang na putok ng baril.
Napansin ni Vela na namuti ang labi nito. He must have been scared of gunshots.
Inayos ni Vela ang pagkakasabit ng rifle sa kaniyang balikat at umupo katabi ng lalaki. "What are you doing here?"
Nilingon ni Sky si Vela. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Naka black sleeveless ito na nakatuck-in sa isang military shorts. Ang paa nito ay may suot na ankle boots Mukhang alanganin sa napakaganda at mukhang inosente nitong mukha ang nakasabit na rifle sa balikat nito. "Why are you asking?" balik-tanong niya rito.
Vela pouted her lips. "Ngayon lang kita nakita rito. San ka nakatira? Malapit lang bahay namin dito."
"P-pwede bang iwanan mo na lang ako. I d-don't want to—"
Muli nitong tinakpan ang tenga nito nang may pumutok na naman na baril. Mas malapit na kumpara kanina kaya mas malakas na ang tunog niyon.
Hinawakan ni Vela ang mga kamay ng lalaki at tinapik-tapik iyon.
Dahan-dahang inangat ng binata ang mukha nito. He was mesmerized when he gazed at Vela's face. Her captivating smile made him relax. The way she tapped his hand was so comforting. She is also humming. Her sweet voice was entrancing. Dinadala siya ng boses nito sa ibang mundo, malayo sa mundong kinabibilangan niya. Kaya nga ni hindi niya napansin ang muli na namang pagputok ng baril.
"Kuya?"
Sabay nilang nilingon ang batang nakatayo sa isang gilid.
"Uncle says we are going home now. He is waiting for us," the little girl said.
"Go ahead. I'll follow," sagot ng binatilyo.
"Who is she, Kuya?" Inginuso ng batang babae si Vela. "And why is she holding your hand? Is she your girlfriend?"
Parang napasong hinatak ng binatilyo ang mga kamay niya. "No," Nilingon niya si Vela at nginitian. "She is a…. friend," deklara niya. Nginitian niya pa si Vela na sinuklian nito ng tipid na ngiti. "We're going now…"
Pinagmasdan ni Vela ang paglayo ng dalawa.
"Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap. Ang sabi mo ay iihi ka lang," ika ni Rufus. Sinipat din nito ang dalawang batang naglalakad palayo. "Sino sila?"
Nagkibit-balikat lang si Vela. "Hindi ko rin po alam, Papa. Baka katulad natin, nangangaso rin."
Tinanaw muli ni Rufus ang dalawang batang naglalakad palayo. "I told you to be careful with other people, Vela."
"Pero mga bata lang din sila, Papa. Hindi naman siguro nila ako sasaktan. Saka may armas ako, o." Tinapik pa niya ang kaniyang rifle.
"No! Don't just talk to random people. Got it??"
Malungkot na ngumiti si Vela.
Tinapik ni Rufus ang balikat niya. "Bukas na lang ulit natin ipagpatuloy ang pangangaso. Baka naghihintay na ang Mama mo."
Niyakap ni Vela si Rufus at sabay na silang naglakad pauwi.
"I told you, she's waiting for us," masayang wika ni Rufus habang sabay nilang pinagmamasdan ni Vela ang asawa niya.
Kumaway si Vela at tinakbo na ang kinaroroonan ng ina.
"Where did you two go, hmm? I've been waiting here for a while," nakapamewang na salubong ni Mercedes sa kaniyang mag-ama na magkaakbay pang naglalakad papasok sa kanilang patio. Nasa tig-isang balikat ng mga ito ang Nosler 21 rifle na ginagamit ng dalawa sa pag-aaral na mamaril.
"Target shooting, mi amore." Kumindat pa si Rufus sa asawa.
Napaingos naman si Mercedes. "Rufus, mi amore, I just want to remind you that your daughter is a girl. Hinay-hinay sa mga itinuturo mo. May martial arts lessons pa 'yan. Ngayon naman shooting."
"What's wrong about teaching her some survival techniques, amore? She will probably need it someday. Right, my principessa?" Nginitian pa ni Rufus ang anak habang ginugulo ang buhok nito.
Tumango si Vela. Inalis na rin niya ang kamay ng ama sa kaniyang balikat at patakbong tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang ina.
"Mama… I miss you!" Nilapitan niya ito at pinupog ng halik.
Pinipigilan ni Mercedes na tumawa dahil naggagalit-galitan siya ngunit nahuli ng anak ang kaniyang kiliti sa mukha. "Ganiyan naman kayong dalawa ng papa mo. Dinadaan niyo sa lambing ang mga bagay-bagay."
Niyakap na ni Vela patagilid ang ina. "Wag ka mag-alala, Ma. Bukal naman sa loob ko ang matuto. Para nga lang kami naglalaro ni Papa sa gubat, e. You should come with us next time," pang-uudyok niya sa ina.
Umingos si Mercedes at inaya na ang anak na pasukin ang bahay. "'Lika na sa loob at makakain muna bago kami umalis." Tinanguan niya si Rufus bago tuluyang niyakag ang anak papasok sa loob ng bahay.
Umupo sila sa mahabang hapag-kainan. Mayamaya lamang ay dumating na ang kanilang mga tauhan at inihain na ang kanilang hapunan.
"Bakit naman nakabusangot ang prinsesa ko?" ika ni Rufus na panaka-naka'y sumisilay sa kaniyang unica hija.
Ngumuso si Vela. "Can you just stay here for one more day? Kelan kayo mababalik dito sa Pinas? Sobrang layo naman kasi ng Italy. Can I just come with you?"
"You know the answer, principessa. Konting paghihintay pa. Minamadali na namin ang proseso upang maipakilala ka na namin sa madla at lalo kang maprotektahan sa mga Deramo. A-ayaw ko nang…"
Hinawakan naman ni Mercedes ang kanang palad ni Rufus para putulin ang pagsasalita nito. "Hindi mawawala sa atin si Vela, amore Mio."
Nakita ni Vela ang pag-igting ng panga ng ama at ang pagtalim ng mga mata nito. He knew their business and who her father was. Paano namang hindi? Matunog na matunog ang pangalan nito na laging laman ng balita. Hindi naman itinago ng kaniyang magulang sa kaniya ang tungkol sa organisasyon na pinapangunahan nito. 'Yun nga lang, hindi pa talaga niya alam kung gaano kadelikado ang organisasyon.
Hinawakan ni Rufus ang isang kamay ni Vela. "You are our child, principessa. Hindi ka man ipinagbuntis ng Mama mo ngunit iisang dugo tayo. Dumadaloy sa mga ugat mo ang dugo ng isang Perfetti."
Tumango muli si Vela. Ikinuwento na rin sa kaniya ni Mercedes na bunga siya ng surrogacy. Hindi na kasi nito kaya pang magbuntis dahil may sakit na ito sa puso.
"Always remember that the Deramo is our greatest enemy. They killed your brothers. Do not dare make a pact with them. They are shrewd people, very evil," mahigpit na bilin ni Rufus sa anak.
Hinila naman ni Mercedes ang kamay ng asawa. "Stop it, Rufus! Masyado pang bata si Vela. Hindi pa —"
Hinampas ni Rufus ang table na parang nag-vibrate pa sa ginawa nito. "Huwag mo akong inuutusan, Mercedes! Sasabihin at gagawin ko ang mga bagay na gusto ko, maliwanag?!"
"D-dad…" Nanlalaki ang mga mata ni Vela sa gulat. Minsan na nga lang dumalaw sa kaniya ang mga ito at gusto lamang naman niya maglambing sa mga magulang ngunit mauuwi pa ata sa away mag-asawa ang simpleng kahilingan niya.
"I'm s-sorry, mi amore." Nanginginig na inabot ni Mercedes ang kamay ni Rufus.
Hinayaan naman ni Rufus na gagapin ng asawa ang kaniyang mga kamay. Bumuntong-hininga siya at pilit na kinalma ang sarili. Nadala siya ng kaniyang emosyon. "Sige na. Kumain na tayo." Sumubo na ito.
Iniba na lamang ni Vela ang kwento niya. Nagpahayag na lamang siya ng mga saloobin niya tungkol sa mga nararanasan niya sa paaralan maging ang pagkakaroon niya ng Solid Orange Belt sa Brazilian Jiu Jitsu.
"Congratulazioni, principessa," masayang bati ni Rufus sa anak. Tumayo pa ito at bineso-beso ang anak.
"Mama, aren't you happy?" untag ni Vela sa inang seryoso siyang tinititigan.
Muntikan nang mapaluha si Mercedes. Hindi niya binabati si Vela dahil hindi siya makapaniwala na kahit mistulang mag-isa ito palagi ay masunurin itong bata. Lumaki itong may paggalang sa kanila at kitang-kita niya na buong-buo ang loob nito. She is really a Perfetti, strong and powerful. "I am, Vela. I am proud of you. I love ---"
"W-what's that?!" nahihintakutang tanong ni Vela.
Napayuko silang lahat nang makarinig sila nang putukan sa labas. Nakiramdam sila at babalik na sana sa maayos na pagkakaupo ng may sumunod na namang mga putok.
Agad nang kumilos si Rufus at kinuha ang rifle na hindi pa niya naibabalik sa tamang lagayan nito. Hinatak nito ang isang drawer na nasa may bandang likuran ni Vela at kinuha niya ang mga bala na naroroon. Isa-isa nitong ni-reload ang mga bala sa hawak na baril.
Tahimik na pinagmamasdan ni Vela ang bawat kilos ng ama.
Si Mercedes naman ay gumapang na papunta sa kinaroroonan nang nagulantang na si Vela at niyakap ito.
"W-what's happening, Mama, Papa? Where are our bodyguards? Ayyy!" Napapikit si Vela nang marinig niya ang pagpapalitan na ng putok. Marahil ay lumalaban na ang mga alagad ng Papa niya.
"Go to our room now, Vela," utos ni Rufus sa anak nang saglit na huminto ang ingay sa labas. Inabot niya ang kamay ni Mercedes upang pisilin ito.
"No! I'll stay here, Papa. I can hel----"
"I said go upstairs now!" pasigaw na nitong utos dahil pumailanlang na naman ang putukan. "Mercedes, bring Vela upstairs. You know where to keep her. I p-promise I'll follow you later. Hindi nila puwedeng makita si Vela, hindi pa sa ngayon. Protect her, amore."
Kinintalan ni Mercedes ng halik sa pisngi ang asawa."Please be safe, amore. Will wait for you."
Lumapit si Vela at sabay na niyakap ang dalawa.
"Go now, Mercedes, Vela," pakiusap ni Rufus bago tumalikod at pinuntahan ang isa pa nitong tauhan na nakapuwesto na sa may bandang bintana.
Nakahinga nang maluwag si Vela nang makita ang nakakalat na mga tao ng Papa niya.
Marami silang tauhan. Madali na para sa kanila na mapabagsak kung sinuman ang sumusugod sa vacation house nila. Walang mangyayaring masama sa Papa niya.
"Kaya ng Papa mo ang sarili niya. Halika na."
Tiningnan ni Vela ang mga mata ng ina. May nabakas siyang takot roon ngunit panandalian lamang.
Nilingon niya ang ama na ngayon ay nag-uutos na sa iilang bodyguards nila sa bahay. Napatingin ito saglit sa kaniya ng nasa itaas na siya ng hagdanan. Hindi ito ngumiti na palagiang ginagawa nito 'pag nahuhuli siyang nakatingin dito. Hinihintay din niya ang pagbibigay nito sa kaniya ng flying kiss na nakagawian na rin nito bilang gesture ng pagmamahal sa kaniya.
"Vela, bilisan mo." Hinatak na siya ni Mercedes hanggang makarating sila sa kwarto ng mga ito sa dulong bahagi ng kanilang vacation house.
Nang makapasok sa kwarto ay parang aligagang naghanap ng panulat at papel si Mercedes. Nang makatapos ay agad itong nagsulat. Hindi nito iyon ipinakita sa kaniya at basta na lamang isinuksok ang papel sa kaniyang bulsa. "Kung may mangyaring—"
Napatakip si Vela sa kaniyang tenga ng may marinig na namang mga barilan. Alam niyang sa loob na iyon ng bahay nila dahil naririnig na niya maging ang sigawan ng ilan nilang kasambahay.
Hinatak ni Mercedes ang mga kamay ni Vela na nakatabing sa tenga nito at iniangat niya ang baba. "M-makinig kang mabuti. Mahal na mahal ka namin ng Papa mo. H'wag na huwag mong kakalimutan lahat nang itinuro namin sa'yo. Hindi na ako magtatampo sa Papa mo na tinuruan ka niya ng mga bagay-bagay sa mura mong edad. M-magagamit mo 'y-yun s-sa…" Lumunok si Mercedes nang tinakpan nito saglit ang bibig para pigilan na mapaiyak.
"M-Ma, ano bang nangyayari? B-bakit ba…?"
Nahinto si Vela sa pagsasalita dahil hinatak na siya ng ina sa isang cabinet na nakasampay ang mga formal wear ng ama. Pagkabukas niyon ay hinawi nito ang mga damit at may tinapik roon. Nagulantang si Vela nang bumukas iyon. "Wala na tayong oras, hija. Pumasok ka na sa loob, dali!" utos nito sabay hila sa kaniya.
"Puwede naman tayong magtagong dalawa. Please don't do this to me, Ma.."
"Vela…" Niyakap siya muli ni Mercedes.
Napahiyaw ang dalawang babae nang biglaang bumukas ang pintuan at nahihirapang pumasok doon si Rufus. Ni-lock nito ang pinto.
Napatakip si Vela sa kaniyang bibig dahil kitang-kita niya ang pagbakat ng dugo sa puting polo ng ama na paupong nakasandal sa may pintuan. Hindi na niya alam kung saan nagmumula ang sugat nito dahil halos lahat ng parte ng katawan nito ay may sariwang dugo. Ngayon lamang siya nakakita na literal na dumadanak ang dugo sa buong katawan.
"M-Mercedes… s-si Vela…"
"Pa!!!" Tatakbo sana si Vela sa puwesto ng ama nang hinatak siya ng ina at pilit na tinakpan ang kaniyang bibig.
"Huwag ka maingay. Pumasok ka na sa loob, Vela. Please, makinig ka na kay Mama."
"Ma, si P-Papa..."
"Ako bahala. Sige na..."pagmamadali nito.
Pumikit si Vela at mabilis na nagpunas ng luha. Nilingon niya ang ama na sa pagkakataong iyon ay mabagal na inangat ang kanang kamay at inilagay sa labi nito. Nag-flying kiss na sa kaniya. Ngumiti siya ng tipid at mahigpit na niyakap si Mercedes. "Vi voglio tanto bene, Mama, Papa." Siya na ang kusang nagsarado ng lagusan.
Mayamaya lamang ay narinig na ni Vela ang sunud-sunod na putok at ang paghalakhak nang kung sinuman.
Tinakpan niya nang maigi ang kaniyang bibig para mapigilan ang paghiyaw niya.
Maaaaaaa!!!! Paaaaaaa!!! sigaw ng isip niya.
Hindi siya gumagalaw. Tanging ang mabilis na tib0k lamang ng puso niya ang senyales na buhay na buhay pa siya.
Nang tumahimik ang paligid ay itinulak na niya ang pintuang gawa sa kahoy sa labas ngunit ang loob pala niyon ay gawa sa solidong metal. Kinapa niya ang paligid sa pagbabakasaling may switch para mabuksan ang pintuan. May napindot siya at bumukas ang malamlam na ilaw. Sinuri niya ang pintuan na hindi niya alam kung paano bubuksan.
Kinapa niya ang kaniyang bulsa at inilabas doon ang sulat. Pinahid muna niya ang kaniyang mga luha bago iyon binasa.
"You can only open the door after an hour. Be patient, principessa."
Hindi na niya nabasa ang address na kasunod na isinulat ng kaniyang ina dahil bumagsak na iyon sa kaniyang paanan. Nanginginig siyang humagulhol. "P-Papaaaa, M-Mamaaaaa."