"Kuya Sky, can you fetch me?"
Binitiwan ni Skylar ang nirereview niyang papeles at itinuon ang buong atensyon niya sa kaniyang kapatid. "Storm, where are your bodyguard and driver?"
Huminga nang malalim ang bata. "I l-lost them," pabulong nitong sagot.
"W-what?! Can you speak louder, Storm?" Pakiusap niya sa kapatid habang inaayos ang mga babalikang papeles.
"I said I lost them."
Napapikit si Sky sa binanggit ng kapatid. "Tumakas ka na naman?! Ang tigas talaga ng ulo mo."
"K-Kuya.. I d-don't know where I am. I also lost my friends. Ang dami pala kasing stall dito. K-Kuya find me, please."
"Where exactly are you?" Lumakad na si Sky at sumakay sa private elevator niya papuntang parking area. "Hindi ka na sumagot. Where are you?"
"D-Divisoria, Kuya."
"Divisoria?! What are you doing there when we have so many malls? Humanda ka sa akin, maya tayo mag-usap!"
Napabuntong-hininga na lamang si Sky sa kasutilan ng kapatid niya. Tinawagan niya ang driver nito ngunit hindi man lang siya maka-connect. Ni-note niya na iparegister ang susunod nitong SIM dahil malamang sa katandaan ay hindi na magawa at naguguluhan. He tried calling his bodyguard.
"S-Sir… I'm sorry…"
"You should be. Pag ako ang naunang nakahanap sa kaniya, pasensiyahan tayo. You'll be fired!" sigaw ni Sky sa pagkainis. Nahampas niya ang manibela dahil sa frustration. Ang dami pa niyang kaylangan asikasuhin at wala sa agenda niya ang manundo sa kapatid niya.
Tiningnan niya ang relo at sa tantiya niya ay aabutin pa nang tatlumpong minuto bago niya marating ang destinasyon. Kung nakakabusog ang buntong-hininga ay siguradong kanina pa siya busog at nag-burp pa.
Sa wakas ay naiparada na niya ang kaniyang sasakyan at wala siyang magawa kundi tuntunin ang maliliit na eskinita dahil ipinarada niya sa malapit na mall ang kaniyang kotse. Mahirap na at baka mapagtripan na naman at magasgas ng mga walang magawa sa buhay ang kotse niya. Isa pa naman iyong blue Lamborghini Aventador. Minsan na siyang nagpapintura ng bagong biling kotse dahil napagkatuwaan ng mga batang kalye habang nasa trapiko siya. Hahabulin niya sana ang mga ito ngunit mas pinili na lang niyang manahimik at naisip niyang wala rin namang ibabayad ang mga ito. Masasayang lang ang laway niya sa panenermon sa mga paslit na bata.
"Ale, where is this… uhm…" Ipinakita niya ang text message ng kapatid niya sa isang nagtitinda sa gilid ng daan.
"Malayo pa kayo, sir. Basta lumiko kayo diyan sa kanan tapos lakad-lakad kayo. Sa ikalawang kanto kakanan kayo tapos lakad-lakad kayo. May makikita kayong flowershop doon, liko kayo ulit sa kanan.. Tapos lakad-lakad kayo…"
"Ohhh… Okay po, sige po. Ako na pong bahala." Nainip na wika ni Sky. Baka kung saan-saan pa siya iliko ni Manang, mas mapalayo pa siya.
Naglakad siya nang kaunti at nagtipa ng mensahe.
"Wag kang maglabas ng phone dito. Mananakaw 'yan."
Natigil ang mga daliri ni Sky sa pagtipa ng text message at nilingon ang babaeng nagsalita.
Napaangat ang kaniyang kilay sa outfit ng dalaga. Mukha itong rakista ng isang banda o kung hindi man ay kasali siguro sa isang kulto.
Naka all black ang babae.
Alanganin ang itsura nito sa lugar. Hindi niya mapinpoint kung dahil sa kaakit-akit nitong mukha o dahil sa getup nito.
Ang kapal ng itim nitong eyeshadow at eyeliner. Maging ang labi nito ay parang nakahigóp ng isang katerbang tinta ng pusit sa sobrang itim. Nakasuot ito ng black leather jacket na sa mainit na panahon ngayon ay napapaisip si Sky kung hindi ba ito pinagpapawisan. Naka black miniskirt ito na sa sobrang iksi ay makikita na siguro ang hindi dapat makita kung tumuwad ito. Naka high boots din ito. Tiningnan niya ang kuko nito na tama rin ang hinala niya, black nail polish.
The only contrast sa buong getup nito ay ang buhok nito. She have brunette hair na hindi niya tuluyang matukoy kung totoong kulay ng buhok nito o sadyang pinakulayan. Napakakinang niyon na kulay copper.
Naglabas ito ng yosi. "Gusto mo?"
Hindi na lang niya pinansin ang babae at dinial na lang ang number ng kapatid.
"Heyyy!" sigaw ng babae dahil nabunggo ito at napadikit saglit sa kaniya.
Napapiksi si Sky dahil sa naramdamang static sa kaniyang braso. Itutulak niya sana ang dalaga ngunit laking gulat na lang ni Sky nang biglang nawala sa kaniyang mga kamay ang kaniyang telepono. Nanlaki ang mata niya at sa kabiglaanan ay hindi nakakilos.
"Ano? Tatanga ka na lang d'yan?" maangas na tanong ng babae.
Tumakbo na ito sa direksyon ng mga magnanakaw kaya pati siya ay nakihabol na rin.
Ambilis kumilos ng babae na parang may lahi ata ni Speed. Nagsisigawan na ang mga tao dahil halos hinahawi na ito ng magnanakaw maging ng babae.
Si Sky naman ay pinipilit na habulin ang mga ito. Kung hindi lang siguro siya matangkad at natatanaw niya ang mga ito sa kalayuan ay baka hindi na niya alam kung saan pa siya tatakbo para habulin ang mga ito.
Lumiko ang mga iyon sa isang kanto.
"Sorry… sorry… sorryyy…" paulit-ulit niyang paghingi ng paumanhin sa mga nasasagi niya at nabubunggo.
Sa wakas ay nakaliko na siya at naabutang hawak na ng babae sa buhok ang nakaluhod na magnanakaw. Kumindat pa ito sa kaniya. "Ano'ng gagawin ko rito?" Inginudngod pa nito ang lalaking nagpupumiglas.
Agad niyang nilapitan ang mga ito at pumantay siya sa magnanakaw. "Where's my phone?" mahinahon niyang tanong.
Hindi sumagot ang magnanakaw.
"Hoy! Phone daw!" Muli ay niyugyog ng babae ang binatilyo.
Iniangat ng lalaki ang mukha at nakita ni Sky na umiiyak na pala ito. "S-sorry Sir. H-hindi na mauulit… W-wala na kasi akong ama tapos 'yung nanay ko naman k-kaylangan ng pera d-dahil malala na 'yung sakit niya.. Tapos…"
"Ang dami pang satsat! Iabot mo na lang!" inis na wika ng babae at kinapkapan na ang binatilyo. Mabilis nitong nakuha sa gilid ng pantalon nito ang phone ni Sky.
"O, phone mo." Abot nito ng bagong-bagong Iphone kay Skylar. "Dadayo ka lang kasi rito, ganiyan pa dadalhin mong cellphone," maaskad pang turan ng babae. "O, what will I do with this thief now?" Itinayo na ng babae ang binata.
"You can let him go. I have my phone already," walang kalatoy-latoy na utos ni Sky.
"What? Siraulo ka pala e. Pinagod mo lang ako," asar na sagot ng babae. Binitiwan na nito ang binata.
"Sir!! Thank you Sir. Ambait mo, Sir." Tuwang-tuwa na pasasalamat ng binata na payuko-yuko pa bago nakalolokong tumingin sa babae at nagpaalam pa rito.
Lumapit naman ang babae kay Sky na abala sa pagtawag sa telepono. "Ganun-ganun lang! Paaalisin mo lang 'yung magnanakaw na 'yun!" galit na turan ng babae.
Napakagat-labi si Sky dahil hindi matawagan si Storm. Naaasar pa siya sa matinis na boses ng babae. "Hayaan mo na at kawawa naman. W-wait!" Tinititigan ni Sky ang babae habang inaabot niya ang bulsa upang kuhanin ang wallet niya. Natutuliro siyang kinapa-kapa ang lahat ng kaniyang bulsa.
Humagikgik ang babae kay Sky na nakakunot na ang noo. "You are so innocent. Pogi ka pa naman pero tanga ka."
"W-what did you say?!" Napatigil si Sky sa pagkapkap sa kaniyang katawan.
"Uulitin ko pa ba? Di mo ba narinig? TANGA KA," pagdidiin nito sa huling dalawang kataga.
Napamaang si Sky sa dalaga. "Look, miss. Thank you for helping me but you have no right to tell me I'm stupid. Di tayo close."
"Hmm… di pala tayo close so akin na lang pala 'to." Itinaas nito ang wallet na kahawig ng wallet niya.
"I-is that my wallet?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Sky.
Tumaas ang kanang bahagi ng labi ng babae. "I don't know. Let me see." Binuksan nga nito ang Montblanc wallet at chineck nito ang mga ID's na naroroon. Itinaas nito ang isang driver's license at pinakatitigan. "Skylar Quinn Alon–zzzzo." Pabulong na lang na nasabi ng babae ang mga huling kataga dahil nakipag-agawan na siya sa lalaking hinahablot mula sa kaniya ang wallet.
"Give it to me!" pagalit nang wika ni Sky nang mapagod ito sa kakukuha sa gamit niya. Maliksi masyado ang babae na kahit may kaliitan ay halos nahahapo siya sa pagsunod sa mabibilis nitong kamay. Ipinagpalit-palit nito sa kamay ang kaniyang wallet na parang isa itong circus performer.
Mukhang kailangan na niya ulit bumalik sa gym at magpalakas ng katawan.
"Suko ka na?" hamon pa ng babae na ipinapaypay na sa mukha nito ang wallet niya.
Tumindig nang maayos si Skylar at tumitig sa babae. "I get it now. You and that guy are partners. Just give me my IDs and the money is yours."
Napasinghal naman ang babae sa sinabi ni Sky. "Ganiyan na pala magpasalamat ngayon noh." Bumuga pa ito ng hangin na parang napikon sa binanggit ni Sky. "Yeah! Nauna ko lang naman binawi ang wallet mo from that guy dahil alam kong hindi mo rin ito napansin na nakuha sa'yo kanina. Sooo--- tama nga ako! Hindi mo na nga napansin, mapagbibintangan pa ako. Ayos ka talaga, Kuya. Sobra!" Sa inis niya ay muli niyang binuksan ang wallet nito para asarin sa pamamagitan nang pagkuha sa pera nito. Napuno ng halakhak nito ang buong paligid. "Ano 'to? Ang ganda ng wallet mo, bente lang ang laman?!" Muli humalakhak ito kaya halos napapatingin na rito ang mga nasa paligid.
"Akina nga 'yan!" Inagaw na ni Sky ang wallet niya na malaya namang ibinigay ng babae. "You know what? I don't have the time to deal with you. Just give me your name and your bank account or whatsoever, magpapadala na lang ako ng pera."
"B-bente! Hahahahaha!" walang humpay pa rin nitong pang-aasar.
Halos mabatubalani naman si Sky sa babae. Labas na ang ngalangala nito sa kakatawa pero bakit hindi niya magawang tuluyang mainis dito? Bakit nagagandahan pa rin siya rito?! Ipinilig na lang niya ang ulo para palisin ang namumuong atraksiyon niya para sa estranghera. "Heyy! I need to find my sister, so what's your number? I'll just call you for your reward."
"Reward?" nagseryoso na ito ng mukha. "I don't need one. Samahan mo lang ako." Hinatak na nito ang braso ni Sky.
"Heyy! I said I need…" Nabitin ang sasabihin ni Sky dahil pinandilatan siya ng babae.
"Saglit lang tayo."
"Baka kung ano nang nangyari sa kapatid ko. Do you know this place?" tanong niya sa babae habang hila-hila siya nito.
Hindi ito sumagot. Hinatak-hatak lang siya nito sa kung saan-saan. Lusot dito, pasok roon. Patingin-tingin lang si Sky sa mga nadadaanan niyang mga tindahan sa pagbabakasaling masilayan niya ang kapatid sa isa sa mga iyon. Nang huminto ito ay nabangga pa siya sa likuran nito.
"Saglit lang," ika ng dalaga. Pumasok ito sa shop at mayamaya ay may hawak na itong isang kaha ng expensive cigarette. Alam niya ang tungkol doon dahil nakikita niya iyong hinihithit ng mga kasosyo niya kapag may meeting sila.
Who is this girl? And yeah, she has such good taste.
"O, kuha ka." Alok nito kay Sky habang may dinudukot ito sa bulsa gamit ang isang kamay nito. Inilabas nito mula roon ang isang Zippo Sterling Silver lighter na alam niyang hindi rin basta-basta ang presyo.
"Never mind. I don't smoke," tanggi niya.
Napahagikhik ang babae na naubo pa.
D4mn! Why is she laughing so charmingly? Isip-isip ni Sky habang tinititigan ito.
Nang hihithit na ito ay inagaw niya ang sigarilyo. "You are too young for this." Sa tantiya ni Sky ay wala pang bente ang edad nito. Mukha itong kasing-edad ng kapatid niyang si Storm na baka kapareho rin ng kapatid niyang mahilig mag-cutting sa klase.
"Heyyy! Why did you do that? Do you know how much is the price of that cigar?! Huh?!"
Napatingin na rin siya rito at siya naman ang napangisi. Sobra siyang naaamuse sa babaeng nasa harapan niya. Masyadong contradicting ang mga kinikilos nito. Kanina lang ay para itong babaeng nasa kanto kung magsalita ngunit ngayon naman ay naging sosyal na ito sa paningin niya. Matatas din kasi itong mag-Ingles.
"Hoy! Aba! Nakikipag-usap ba ako sa hangin?!" Ikinaway-kaway pa nito ang kamay sa harap niya.
"No! But you need to stop smoking. That's not good for your health."
Muli, humalakhak na naman ito na parang hindi sineseryoso ang sinasabi niya. "Yeah. Yeah. Yeah." Itinago na nga nito ang sigarilyo sa bulsa nito at humarap sa kaniya. "So, ano'ng gagawin natin ngayon? Magtititigan lang tayo?"
"I don't know about you, but for me, I will find my sister. Thank you for your help." Tumalikod na siya at iniwan ang babae.
Ngunit pinigilan nito ang mga kamay niya. Hinila siya nito at mabilis na kinabig.
She planted a quick kiss on his lips!
Hindi agad nakagalaw si Sky sa ginawa nito. Para siyang naestatwa! Napapikit-pikit pa siya nang iniwan nito ang labi niya.
"Yan na 'yung bayad sa pagkakabalik ko ng phone mo. 'Yung para sa wallet mo, saka ko na kukunin. See you!"
Nag flying kiss pa ito at kumindat bago tumakbo at pumasok sa isang stall.
What the heck happened there?!