Episode 3 - Lil Trix Lounge

1662 Words
"Can you repeat it again, Storm? Where are you now?" Kanina pa siya sa bahay at alas-otso na ng gabi. Kadalasan ay naaabutan na niyang naghihintay sa condo ang kapatid niya. Magkatabi lamang ang kanilang unit at nakagawian na nilang sabay nagdi-dinner. "Lil Trix Lounge." Napahilot sa batok si Sky sa nasabi ng kapatid. Kilala niya ang bar and casino na iyon dahil ilang beses na siyang dinala ng mga barkada niya upang mag-inuman doon. He hates the place and all of its benefits. Be it the drinks, gambling games, drugs and its beautiful and daring ladies. Lalaki rin naman siya at paminsan-minsan ay umiinom at nakikisaya sa mga kaibigan. But, he hates casual s*x and relationships which the ladies of Lil Trix are known for. Kaya nga sa loob ng dalawampu't pitong taon niya sa mundo ay isa pa lang ang naging girlfriend niya. He pursued the beautiful and shy Dixie for a year. She became his girl for three years hanggang sa malaman niyang kinakalantari rin nito ang college buddy niyang si Wyatt. Tatlong taon na rin ang nakalilipas ngunit wala pa rin siyang makitang babae na ipapalit niya rito. Natrauma nga ata siya nang husto. Wala pang nakakuha ng atensyon niya muli maliban na lang sa babaeng huli niyang nakahalikan. No! Hindi mutual kiss 'yun dahil nakuha siya sa gulat at sa pagkakataon. Ipinilig niya ang ulo dahil kung saan-saan na napunta ang isip niya. Huminga nang malalim si Sky upang pakalmahin ang damdamin. "Then, you better go home now. Pahatid ka sa mga kaibigan mo o sumakay ka na lang sa Grab. Make sure to share your ride to me. Pagod na ako sa trabaho, Storm. Nakapunta ka diyan nang hindi nagpapaalam so matuto ka ring umuwi mag-isa." "I can't, Kuya." "What do you mean you can't?" "Sabihin mo munang hindi ka magagalit." "Just tell me. Pagod at gutom na ako, Storm. Ano ba 'yun?" "H-hindi ka magagalit?" "Oo na. Ano nga?" "N-natalo ako sa pustahan. Wala akong pambayad d-dahil inalisan mo ako ng c-credit card, remember?" Pumikit muna at ilang beses na humugot nang malalim na hininga si Sky. "How much do you owe whoever those punks are?" Ayaw niyang sumabog dahil punung-puno siya ng araw na iyon. May isa sa mga bago nilang empleyado ang nanghikayat na sumali ang mga ka-officemate sa isang networking na isa palang malaking scam. Tinangay nito ang limpak-limpak na pera ng mga tao niya. Hindi makapag-function ng mabuti ang mga ito dahil sa masamang nangyari. Pinabilis niya ang paghahanap dito at hanggang ngayon ay wala pang progress. "Don't make me repeat my question, Storm, or else I'll—" "One hundred thousand, Kuya." Nahigit ni Sky ang kaniyang hininga sa tinuran ng kapatid. "Ikaw na ba ang papatay sa Kuya mo, Storm? Kaylan ka ba magtitino? 'Pag pinagpatuloy mo 'yan, hindi na talaga kita papapasukin sa school. 'Wag mo akong sagarin!" "This would be the last, Kuya. I-I promise. Puntahan mo na ako rito. Nakakatakot ang itsura ng mga tao—" "Vela here, I'll be waiting for you..." "Excuse me? I am talking to my sister. Who are you?" "Vela. The owner of this place, baby." Inilayo ni Sky ang tenga sa cellphone niya. Para siyang nandidiring kinunutan pa ito. Tinawag ba naman siyang baby? Na-iimagine niya si Bella na matanda at mataba. Wala namang batang magpapatakbo ng isang casino and bar. Sigurado siyang nangingintab din ang namumula nitong nguso na palaging nakahalik sa mga parokyano nito. Ngayon pa lang ay gusto na niyang masuka. * Maingay na ang paligid dahil sa dami ng tao. Nahirapan pa si Sky na pumasok dahil sa haba ng pila sa labas ng Lil Trix Lounge. "Sir, this way please." Agad na iginiya si Sky ng isang babae sa isang tabi. "Diyan daw po muna kayo maghintay." Pinagala niya ang paningin sa loob ng bar. Kulay pink at blue ang lighting sa lugar. Halos barka-barkada ang nag-iinuman doon at may mga kasamang babae na papasang mga cosplayer. Iba-iba ang mga outfit ng mga ito. Walang theme pero pasexyhan ang datingan. Ang bar counter ay nasa gitna ng hall. May mga nakaupo roon ngunit mayamaya lamang ay pinaalis ang mga iyon. Nagulat siya nang biglang nagdilim ang paligid. As in full black. Sandaling inakala ni Sky na nawalan ng kuryente kung hindi lamang nagsimulang magsipulan at magpalakpakan ang nasa paligid. Mayamaya lamang ay umilaw ang bar counter. Natuon na roon ang paningin ng bawat isang naroon dahil sa may babaeng naka sheer lace black bodysuit at thigh high boots na nakatayo sa gitna ng counter. Naka maskara at gloves din ito at may hawak na mikropono. Pumailanlang ang tunog at nagsimulang gumiling ang babae. Ang makinis nitong balat ay kumikinang sa tama ng ilaw. Hindi pa siya nahalina ni minsan sa mga ganoon. Iba ngayon dahil hindi niya magawang ibaling sa iba ang tingin. Nagugustuhan niya ang ginagawa nitong pag-indayog sa kanta. Mas lalo pa siyang nahumaling na pagmasdan ito nang itinaas nito ang mikropono at kumanta. Ang malamyos nitong boses ay dinadala siya sa ibang dimensyon. Ang kanina ay nagkakagulong madla ay natahimik na. Mapababae man o lalaki ay puno ng paghanga ang mga mata. Pinadaan ng babae ang kamay nito sa labi pababa sa umbok ng dibdib nito. Mas lalo atang bumilis ang kaniyang paghinga nang pinadausdos pa nito ang mga kamay hanggang dumaan iyon sa pinakamaselang parte ng katawan nito. Ibinalik nito ang daliri sa labi nito. Pakiramdam niya ay pangangapusan siya ng hininga sa pagtitig lamang dito. Lalo niyang nahigit ang hininga nang dumako ang mga mata nito sa kaniya. Umupo ito sa gilid ng counter at dumekwatro. Natapos ang kanta ng nagflying kiss ito sa kaniya. Maging sa iba pang lalaking parokyano. Napuno ng hiyawan ang night bar. Kasabay niyon ay nagdilim na naman ang paligid. Pagbukas ng mga ilaw ay ibang mga performer na ang nakatayo sa counter. Hinanap niya ang babae ngunit hindi na niya makita. "Shít!" Napamura siya nang maalalang tutubusin ang kapatid. Paano niya nakalimutan ang dahilan nang pagpunta niya roon?! Nagmamadali siyang tumayo at tinawag ang waiter. "Excuse me." Napahinto ang waiter na may dalang tray ng iba't ibang klase ng nakalalasing na inumin. "Yes, Sir?" "I'm looking for Madam Bella." Napatawa ito sa binanggit niya. "Pasensya na po. Ayaw na ayaw po noon na tinatawag siyang madam dahil tumatanda raw po siya lalo. Queen Vela po." Pilit na ngiti ang isinukli ni Sky dito. "Where can I see this Queen Bella?" Tumingin ito sa bar counter bago siya sinagot. "Pasok po kayo d'yan tapos kumaliwa po kayo sa dulo." "Salamat." Binuksan ni Sky ang isang pintuan sa may kaliwa at sumalubong sa kaniya ang mas maingay na lugar. Dikit-dikit ang nagsasayawan at halos mabingi siya sa lakas ng tugtugan na sinamahan pa ng sigawan. Hindi niya akalaing ganoon kalaki ang lugar. Ang kadalasan niyang napupuntahan ay 'yung mga private rooms na iba ang entrance kesa sa pinasukan niya kanina. Hindi pa niya nakikita ang second floor na siyang casino area na binanggit ng waiter kanina. Andoon daw ang opisina ng boss nila. Sa pagmamasid niya habang nakikipagsiksikan sa mga nasa dance floor ay mukhang may mga kaedaran ang kapatid niya roon. Pag-akyat niya sa second floor ay nagtanong siya sa receptionist. "Queen Bella?" ika ni Sky. "Kayo po ba si Mr. Alonzo?" "Yes! Yes!" "Come this way, sir!" Ginabayan ng receptionist si Sky hanggang makapasok sila sa isang kwarto. "Kuyaaa!" Patakbong bati ni Storm kay Sky. Ngunit bago pa mayakap ni Sky ang kapatid ay humarang na ang isang security. "Makipag-usap ka muna kay Queen Vela," utos nito. "Just wait for me here. I'll be right back," pagpapakalma niya sa kapatid. "Bilisan mo lang, Kuya ah. Isa na lang ako rito. Iniwan na ako ng mga kasamahan ko." Tipid niyang nginitian ang kapatid. "Saan?" baling ni Sky sa security. Tumango ang guard kaya sinundan lang ito ni Sky. Sa dulong bahagi ng kwartong kinasasadlakan ni Storm ay may kinatok na double door ang guwardiya. Naghintay ito ng ilang segundo bago iyon binuksan. "Pasok." Pagtapak ni Sky sa loob ng kwarto ay isinarado ng guwardiya ang pintuan. Mabilis niyang sinuri ang kapaligiran. May isa pang silid doon sa isang gilid. May sofa rin pero parang ayaw niyang umupo roon. Susuriin niya sana ang litrato na nasa table nang bumukas ang silid na nasa gilid. "Magbabayad ka na ba, baby?" Huminga nang malalim si Sky. Pinakaayaw pa naman niyang kausap ay ang mga dalagang matrona, dahil sobrang makukulit at may pagkamalandi. "Yes. I have it in—-" Napahinto si Sky sa sasabihin niya dahil ang babaeng nasa harapan niya ay ang babaeng humalik sa kaniya sa Divisoria! Ito rin ang babaeng sumasayaw sa bar counter! Mas disente na ang suot nito dahil ngayon ay pinatungan na nito ng cardigan ang suot na lace bodysuit. Napangisi ang babae dahil sa pagkatulala ni Sky. "Hey.." Ipinilig ni Sky ang ulo at muling ikinalma ang sarili. "Paano ka nakapasok dito? Kung maniningil ka para sa pagkakabalik mo ng wallet ko, maya na tayo mag-usap. Please, lumabas ka muna at baka dumating na 'yung kakausapin ko." Humagikgik ang babae. "I don't need money, baby. Kiss na lang ulit." Pinadaan pa ng babae ang dila nito sa pang-ibabang labi. "H-Hoooyyyy! D'yan ka lang… W-wag kang lalapit!" Paatras nang paatras si Sky habang humahakbang palapit ang babae. Huminto naman ang babae saglit ngunit dumiretsong umupo sa may swivel chair. "Why are you sitting there? Lumabas ka muna, please. 'Wag ka manggulo rito. Hindi mo upuan 'yan." Hindi tuminag ang babae. Sa halip, umayos ito ng upo. "Nakikinig ka ba? Baka dumating na si Madam." Hinatak pa ni Sky ang babae para tumayo ito. Bigla namang nagbago ang itsura nito, parang nagagalit. "Sino'ng Madam ang hinahanap mo?" "Si Madam Bella, kilala mo? I guess kilala mo kasi dito ka nagtatrabaho. Baka naman—" "Not Madam Bella. Queen Vela." "Okay, okay.. Queen Vela, where is she?" "You are talking to her now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD