Hindi agad nakahuma si Sky sa binanggit ng babae. Complete shock was written on his face. Nang makabawi ay patuloy niyang hinatak ang babae palayo sa upuan. "Don't make fun of me, kid! And why are you dancing like that on the bar counter?"
Napangisi si Vela. Bakit biglang naging concern ito sa kaniya samantalang hindi naman siya dapat nito pinoproblema, or else... "So, anong masasabi mo sa performance ko kanina? Maganda ba?"
Nabitiwan ni Sky ang braso ng babae na parang napaso. "Asan ang magulang mo? Hindi ka ata nila napalaki nang maayos."
Biglang dumilim ang mukha ng babae. "What did you say?" Hinila nito ang kamay ni Sky at ipinaikot ito. Tinadyakan niya rin ang dalawang tuhod nito kaya mabilis itong napaluhod.
"Awww! What are you doing, kid?! Let me go!"
Pabalabag na pinakawalan ni Vela ang lalaki. "Don't you dare call my parents irresponsible! Hindi mo sila kilala! Understood!"
"Why did you do that?!" Napamaang si Sky. Hindi niya lubos maisip kung paano nagawa ng isang maliit na babae ang ginawa nito. The girl looks fragile. Nakita na niya itong nakipaghabulan sa magnanakaw noon pero hindi pa rin niya mapaniwalaan ang abilidad nito.
"Sit down."
"Why would I sit down? Bakit ako makikinig sa isang paslit na kagaya mo?"
"Twenty one years old na ako kaya hindi na ako paslit. Sit down so we could talk, mister."
"I don't want to talk–"
"I said sit down!" maawtoridad na wika ng babae.
"Why are you even shouting?" Hinihimas ni Sky ang mga brasong pinilipit ng babae bago napilitang umupo sa silyang nasa harap ng lamesa. "Can you call–" Napadako ang paningin niya sa litratong gusto niyang lapitan kanina nang malapitan. Totoo nga. Litrato nga iyon ng babaeng kausap niya ngayon. "So, you are really Vela?"
Saglit na sinulyapan ni Vela ang litrato niya. "Kanina ko pa sinasabi sa'yo." Binuksan nito ang drawer nito at kumuha ng isang stick ng sigarilyo. "Kapatid mo pala 'yung manloloko sa labas?"
Si Sky naman ngayon ang tumalim ang paningin. "Don't call my sister like that! Hindi mo siya kilala."
Bumuga ng usok si Vela at tumayo. Sumandig ito nang patagilid sa dingding at tumanaw ito sa may bintana. Really?"
Hindi naman maiwasan ni Sky na matitigan ang mga binti ng dalaga. Mahilig ito magsuot ng litaw ang legs. Alam na alam marahil nito na makinis at mahubog ang mapuputi nitong binti. Ang sarap siguro hawakan ng malagatas nitong… Ipinilig ni Sky ang ulo upang supilin ang itinatakbo ng kaniyang isipan.
"Hindi ko pinapahawak sa kahit kanino 'yan. But if you are really curious, you can touch it."
Huli na para pasinungalingan ni Sky na nakatingin siya sa mga binti nito dahil caught in action siya. Ganoon siya katutok sa magaganda nitong legs.
Tumikhim si Sky para mawala ang kaniyang namumuong pagkapahiya. "Ang gusto ko malaman, paano umabot ng tatlong daang libong piso ang utang ng kapatid ko? Hindi siya nagsusugal."
Tumaas ang kanang kilay ni Vela. "Ano'ng ibig mong sabihin? Nandadaya kami rito?"
"Hindi nga ba?"
Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Walang gustong magbaba ng dipensa.
"It seems like you don't know your sister fully well, Mr. Alonzo."
"What do you mean?"
"It is your sister's third time here in our casino. Binuksan ni Vela ang isang folder na nasa table niya at ipinakita kay Sky ang mga transactions ng kapatid niya.
Kaya pala ang taas ng bill nito sa credit card ilang buwan na. Pinutol niya ang credit card nito dahil nga hindi ito umaamin kung saan nito ginagamit. Kinausap niya ang kapatid na hindi niya ibabalik ang credit card nito hangga't hindi ito nagsasabi. So, ito pala iyon.
"Hindi kami ang lumapit sa kanila. Sila ang kusang pumupunta rito at naglalaro. Hindi rin kami ang pumirma diyan."
Pinag-aralan ni Sky ang nakalagdang pangalan doon. Totoo nga na sa kapatid niya 'yun.
"Can I talk to my younger sister first?"
Tiningnan ni Vela si Sky mula ulo hanggang paa. "Sure!" May pinindot ito sa table at wala pang isang segundo ay bumukas ang pinto. "Pakidala nga rito ang babae," utos ni Vela sa tauhan nito.
Nagsukatan na naman sila ng tingin habang hinihintay ang pagdating ni Storm.
"Wag mo nga akong tignan nang ganiyan!" inis na bigkas ni Vela.
"Then, don't stare at me like you will eat me!" asik din ni Sky.
"Kala mo kung sinong pogi! Dukutin ko kaya mata mo!" banta ni Vela.
Sasagot pa sana si Sky nang pumasok na si Storm.
"K-Kuya!" Namamaga na ang mata nito kakaiyak. "I'm so scared, Kuya. Hindi pa ba tayo uuwi? Bayaran mo na sila so we can go home. Please?"
Hinayaan lamang ni Sky na yakapin siya ni Storm pero hindi niya ito niyakap pabalik. "Is it true, Storm?"
Nagpunas ng mga mata si Storm at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "What is it, Kuya?"
"Are you a regular customer of this casino?"
Nanlalaki ang mata ni Storm na bumaling kay Vela. "Why did you tell him? I told you he will pay for it! We will pay for it!"
"Stop it, Storm! Nakakahiya ka!" pigil ni Sky sa kapatid.
"See? I told you.." Nagkibit-balikat pa si Vela.
Gustong sumabog ni Sky sa nalaman. Ni hindi niya alam kung saan siya nagkulang sa pagpapalaki sa kapatid at naging ganito ito. Isa pa, nahihiya siya dahil ang babae pa ang nagpamukha sa kaniya ng kasutilan ng kapatid niya. "I'm really sorry. I will pay for whatever my sister owes this place." Naglabas si Sky ng tseke at sinulatan iyon. Iniabot niya kay Vela.
Tinitigan lamang ni Vela ang tseke at umupo na. Inilagay niya sa ashtray ang paubos na niyang sigarilyo. "Paano kung sa pagkakataong ito ay ayaw ko ng pera bilang kabayaran?"
Ibinaba na muna ni Sky ang kamay niya. "What do you mean?"
"Hindi ba iyon ang binanggit ng kapatid mo sa'yo? I wanted your sister to work here for two months… as a waiter."
"Nahihibang ka ba, ate? Hindi pa ako pumapayag!" di-makapaniwalang wika ni Storm na inihampas pa ang mga kamay sa table. "At bakit naman ako magtatrabaho rito, aber?"
Inilabas ni Vela ang pekeng ID ni Storm at ibinato kay Sky. "Pinakaayaw ko sa lahat ay 'yung nanloloko ng kapuwa. Akala mo ba ay hindi ko malalaman na pekeng ID lamang na gawa sa tabi-tabi ang ibinibigay niyo sa amin? Kung naloloko niyo ang mga tauhan ko, ako hindi! Alam mo bang nakukulong ang mga batang naglalaro sa casino kapag napatunayang menor de edad sila? Gusto mong pati mga kaibigan mo ay ipakulong ko na rin?"
"W-wait.." Pumagitna si Sky sa dalawang babaeng parang pusang malapit nang magsakmalan. "Miss, can we just talk about it here? Kung kaylangan ko magbayad ng mas malaking–"
"What? Sinusuhulan mo ba ako, Mr. Alonzo?"
"H-hindi. It's just that.."
"Akala ko pa naman matino kang tao, Mr. Alonzo. Ginagamitan mo rin pala ng pera ang mga bagay-bagay. Kaya siguro naging brat 'yang kapatid mo."
"Brat? Me?" Lumapit si Storm at sasabunutan si Vela.
"Heyyy! Storm! Oh my God! Stop that!" Nahatak na niya ito bago pa tuluyang mahawakan ang buhok ni Vela.
"Security!" sigaw ni Vela. "Pakidampot na ang babaeng iyan at ipakulong niyo na!"
Mabilis na bumukas ang pintuan at inginuso ni Vela si Storm sa naglalakihang mga lalaki.
Hinarangan ni Sky si Storm laban sa dalawang mukhang bouncer na lumalapit sa kanila.
Humarap siya kay Vela. "Hey, miss.."
Tumaas ang kilay ni Vela.
"Queen Vela, w-wait… let's talk about it..like civilized people. I'm sorry, okay.. I really am. Sige na, pag-usapan muna natin. Wag mo naman ipakulong ang kapatid ko. Mahirap magkaroon ng criminal record. Please… let's talk first."
Itinaas ni Vela ang kamay niya kaya huminto ang dalawang lalaki sa pagtangay sa kanila.
Muling humalukipkip si Vela at matamang tinitigan ang magkapatid. "Sa totoo lang, ako ang lugi rito dahil dalawang buwan lang magtatrabaho ang kapatid mo sa akin. Gusto ko lamang bigyan ng leksiyon ang kapatid mo sa panloloko at pangmamaliit niya sa amin."
"Pangmamaliit?"
Ipinlay ni Vela ang isang copy ng CCTV footage habang kausap ni Storm ang casino dealer. Sumisigaw at nagmamarakulyo ang kapatid niya.
"Ma'm, you can't play anymore. Ubos na po ang tokens ninyo."
"Hoy, babae. Ipinapahiya mo ako sa mga kaibigan ko, e. I said I still want to play." Dinuduro pa ni Storm ang casino dealer.
"Ma'm, please, umupo po kayo. If you want, puwede ko kayong samahan sa cashier para magpapalit..."
"Sige, pero maya na. Maglaro muna tayo ng isa pa."
"Ma'm, hindi na po puwede."
"s**t! Inuubos mo talaga ang pasensiya ko noh! Hintayin mo ang kuya ko! I can even f*****g buy this place! Ganoon karami ang pera namin! Isasampal ko sa mukha mo ang three hundred thousand pesos, you slut! Magkano ka ba, huh?---"
Pinindot na ni Sky ang video upang i-pause iyon. Hindi na niya kayang panuorin ang pamamahiya ng kapatid sa kawawang empleyado. Tiningnan niya si Storm na nakayuko at nagkukutkot na ng daliri nito.
"I bet hindi pa nakakatikim ng manual labor ang kapatid mo sa tanang buhay niya? Baka kaylangan niya maranasan munang magtrabaho para hindi niya minamata lamang ang three hundred thousand pesos na pinaghihirapan at tinatrabaho nang maayos ng isang empleyado sa loob ng isang taon. Hindi naman ata deserve ng tao ko ang ganoong mga salita. For your information, she is one of our best employees here. Masipag, magalang na bata."
Tinitigan ni Sky si Vela. Kani-kanina lamang ay batang paslit ang tingin niya rito, nag-iba na iyon ngayon. At twenty one, she is matured enough.
Lumunok muna si Sky. Puwede namang sa hotel niya pagtrabahuhin ang kapatid niya at hindi sa casino, pero alam niyang masyado siyang mabait para kastiguhin ito. Masyado nang lumaki ang sungay ng kapatid niya. Hindi na niya kayang putulin.
"I am actually doing you a favor, Mr. Alonzo. Total bakasyon naman na sa school, hindi makakaabala sa kapatid mo na magparttime muna."
Lumunok muna si Sky. "As a waiter and nothing else?"
"You have my word, Mr. Alonzo."
"Then, it's a deal!" Inilahad niya ang kamay sa babae.
Tinanggap naman iyon ni Sky. "Deal!"
*
Pagdating nila sa bahay ay nagsimula nang magbunganga si Storm.
"Bakit pumayag ka, Kuya? Papapasukin mo talaga akong waiter? Pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko," pagmamaktol nito.
"Yun pa talaga ang naisip mo? Na mapagtatawanan ka? Hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa akin kung bakit andoon ka at nagsusugal?"
"K-Kuya, minsan minsan lang naman. Saka marami naman tayong pera."
Napabuntong-hininga si Sky. "Kakausapin ko si Vela para gawin na niyang tatlong buwan ang pagtatrabaho mo roon! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo!"
"W-what did you say, Kuya? Three months, that's so long."
"At kahit mapapagod ako, ako ang maghahatid-sundo sa'yo sa lugar na 'yun. Hindi na magbabago ang pasya ko."
"Fine! I hate you na, Kuya! I hate you!" Malalaki ang yabag na lumabas ito ng condo unit niya. Padabog din nitong isinarado ang pintuan nito.
Kinuha niya ang susi sa kaniyang bulsa at nagpasyang kumain na lamang sa labas. Gustuhin man niyang magpahinga na ay alam niyang hindi mangyayari dahil siguradong bubuligligin lamang siya ng kapatid. Mayamaya lamang ay kakatok na ito sa unit niya o kaya naman ay tatawag sa telepono niya.
Na siya ngang nangyari. Nagsimula nang tumunog ang cellphone niya. Pinatay na lamang niya iyon upang matahimik siya.