Fay's point of view Abala ako sa pagluluto dahil malapit ng mag dinner si Axton. Ngayon ay kaming dalawa na lang nandito sa bahay dahil ayaw na ni Kim pang manatili dahil magkakapikunan lang daw sila ni Axton. Hindi sila mag-amo na dalawa dahil alam kong tingin ni Axton kay Kim ay isang kaibigan, pero ngayon ay hindi na dahil sa kondisyon ni Axton. Abala ako sa pagluluto ng mayroon akong maramdaman na tao sa likod ko kaya agad akong napalingon, hinihintay ko lang maluto ang asadong manok. Agad akong napangiti ng makita ko si Axton na seryosong nakatingin sa akin. "Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kan'ya. Hindi n'ya ako sinagot, nagpatuloy s'ya sa paglalakad hanggang sa refrigerator para kumuha ng tubig. "Bukas, gusto ko wala ka na dito," walang emosyon na sabi ni Axton sa akin haba

