Fay's point of view "Ano bang nangyayari sayo?" taka kong tanong kay Wilson. "H-hindi ako b-basura!" Napatingin ako kay Hans na hindi rin alam ang nangyayari kay Wilson. "Fay, hayaan na natin s'ya, umalis na tayo," seryosong sabi ni Hans sa akin. Muli kong tinignan ang maduming si Wilson. "S-sama ako papa ko!" umiiyak na sabi ni Wilson. Tinignan ako ni Wilson ng seryoso kaya bigla akong napaatras. Bigla akong natakot sa kan'ya ng tumawa ito ng malakas. "Papa ko!" sigaw n'ya. "Umalis na tayo!" aya ni Hans sa akin. Hinawakan n'ya ang kamay ko at bigla n'ya akong hinila para maglakad na kami paalis sa tabi ng ilog. Iniisip ko kung bakit ganoon ang kinikilos ni Wilson. Habang naglalakad kami ni Hans palayo sa ilog ay tinignan ko s'ya, sobrang seryoso ang mukha n'ya. Tamang

