Fay's point of view "HINTAYIN mo ako, Hans," nakangiti kong sigaw bago ako tumakbo palapit sa kan'ya. Sabay kaming naglakad papasok sa loob at naabutan namin si Mama na naghahanda ng pagkain. Agad n'ya kaming napansin kaya tumigil s'ya sa ginagawa n'ya. "Hans," nakangiting bati ni Mama kay Hans. Nilagay ni Mama ang hawak n'yang pinggan at naglakad palapit sa amin. "Kamusta, Hans?" bati ni Mama kay Hans. Nag-bow si Hans kay Mama bago magsalita, "Ayos naman na ako, Ma'am," sagot ni Hans. Natawa ng konti si Mama at mahinang hinampas sa braso si Hans. "Ano ka ba? tawagin mo na akong mama," sabi ni Mama kay Hans. Tinignan ko si Hans na napangiti dahil doon, at mukhang nahihiya pa dahil sa napakamot pa ito ng ulo. "S-sige po, Mama," nahihiyang sagot ni Hans. "Hindi ba mas b

