MAHIGPIT na hinawakan ni Axton ang manibela ng kaniyang sasakyan. Mabilis nitong pinaandar ang kotse, pero for some reason, he stepped down the brake of his car to stop.
Bumaba si Axton sa kotse n'ya. At sumilip sa lugar kung saan s'ya nanggaling. Nakita n'ya doon si Fay na muntik ng masagasaan ng isang kotse.
Walang nagawa si Axton kung hindi tignan si Fay. Muli itong nagtago sa pader para hindi s'ya makita ni Fay. Tiningnan nito ang suot n'yang bracelet na mayroong pangalan ni Fay.
Binigay iyon ni Fay noong bata palang sila sa kaniyang kaarawan. Si Fay lang ang natitira n'yang kaibigan noong panahon na nawala ang magulang ni Axton.
Hinawakan ni Axton ang suot n'yang bracelet. Huminga ito ng malalim bago s'ya naglakad muli sa kotse at pumasok sa loob.
"Wala na ang kaibigan mo, Fay," seryosong sabi ni Axton sa sarili bago pinaharurot ang sasakyan na parang nakikipag karerahan sa mga sasakyan sa kalsada.
Itinigil ni Axton ang kotse n'ya sa Jacob's bar. Bumaba ito sa kotse para magpalipas oras sa bar na matagal na n'yang ginagawa.
Lagi dito ang punta ni Axton tuwing mainit ang ulo n'ya o gusto nitong magpalipas oras. Naglakad papunta si Axton sa maingay na loob ng kwartong iyon. Pinakita ni Axton ang VIP card n'ya sa mga bouncer upang hindi ito harangin.
Sa counter agad ang punta ni Axton. Umorder ng whiskey at pinagmasdan ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. Nakakabinging music ang maririnig mo, bawat pag galaw ng mga tao ay tila walang problemang iniintindi.
Pumunta sa VIP table si Axton para hindi ito makipaghalubilo sa mga tao sa baba. Pumunta ito sa second floor kung saan kitang-kita ang mga tao na nagsasaya doon.
Ang mga makukulay na ilaw, amoy alak at sigarilyo ay nag hahalo sa hangin ng iyong nalalanghap. Walang sariwang hangin ang maamoy dito kung hindi amoy ng alak.
Umupo sa couch si Axton at mag-isang umiinom. Kinuha nito ang phone n'ya at tinignan ang litrato ni Weeny Tolentino sa kaniyang phone.
Tinungga n'ya lahat ng laman ng alak sa baso n'ya.
"Makukuha rin kita," sabi ni Axton.
Nililigawan n'ya si Weeny Tolentino. Ngumisi ito at muling tinago ang phone n'ya sa bulsa nito. Muli s'yang naglagay ng alak sa baso n'ya at tinungga iyon hanggang sa yelo na lang ang matira.
"Hi!"
Napatigil si Axton sa paglalagay ng alak sa baso n'yang mayroong isang babae na umakyat sa pwesto n'ya. Suot nito ay isang red fitted bodycon dress na hubog ang hugis ng katawang ng babae. Naka peep toe platform t-strap heels. Sa kanang kamay ng babae ay makikita ang hawak n'yang wine glass na mayroong laman margarita.
Tinignan iyon ni Axton ng seryoso.
"Yes?" seryosong tanong ni Axton sa babae.
Isang mapang-akit na ngiti ang binigay ng babae kay Axton parang pinapakita nito na mayroon s'yang interest sa binata.
Umupo ang babae sa tabi ni Axton. Nilapat nito ang hawak n'yang wine glass at tinignan n'ya si Axton na tinatapunan s'ya ng seryosong tingin.
"I saw you alone here, I just wanna try to be your friend," bawat salitang binibitawan ng babae ay para nitong gustong angkinin si Axton.
Lumaki na gwapo at mayroong magandang katawan si Axton kaya hindi nakakapagtaka na mayroong nagkakagusto kay Axton.
"I don't need friend," seryosong sagot ni Axton.
Ibabaling na ni Axton ang tingin n'ya sa alak ng biglang hawakan ng babae ang baba ni Axton at iniharap ng babae ang mukha ni Axton sa kaniya.
"What about a lover?" tanong ng babae kay Axton sabay ngiti kay Axton.
Hindi naman nawala ang mata ni Axton sa babae dahil sa ginagawa nito. Nilagay ng babae ang kamay nito sa dibdib ni Axton at hinimas himas iyon.
Dahil sa ginawa ng babae ay parang nalasing ng walang alak si Axton. Hindi nito pinipigilan ang babae sa ginagawa sa kan'ya.
"I don't love you," sabi ni Axton.
Humalinghing ang babae sa nakuha n'ya sa seryosong lalaking katabi n'ya.
"Say it after you own me," hamon ng babae kay Axton na bigla na lang hinalikan ang malambot na labi ni Axton.
Hindi naman nagpatalo si Axton doon. Ang dalawa ay agresibong naghahalikan sa maingay na lugar kung mayroon man makikita sa kanila ay walang pakialam dahil pag pumasok ka sa loob na iyon ay normal na ang ganoong bagay.
Marahan ang bawat palitan ng halik ng dalawa hanggang sa pumatong ang babae kay Axton. Naghahalikan na sila even though they didn't know each other's name.
Pinulupot ng babae ang kamay n'ya kay Axton at bawat halik nila ay nalalasahan na nito ang mga alak na iniinom nila. Naramdaman ni Axton ang paglibot ng kamay ng babae kaya umalis ito sa pagkakahalikan nila.
Kita sa itsura ng babae ang pagkabitin nito. Muli n'yang babalikan ang malambot na labi ni Axton ng tumayo si Axton.
Kumunot naman ang noo ng babae dahil sa hinawa ni Axton, pero ang akala ng babae na aalis na si Axton ay biglang kinuha ang kanan n'yang kamay at hinila na lang ito papunta sa isang VIP room ng bar.
Pagkasara ng kwarto ay agad na hinila ni Axton ang babae at muli itong binigyan ng marahan na halik na parang hindi na uulit. Ang babae naman ay sinimulan na nitong tanggalin ang pagka butones ng suot na damit ni axton.
Binuhat ni Axton ang babae at ang binti ng babae ay pinalupot sa bewang ni Axton. Nagsimula si Axton maglakad papuntang kama na hindi tinatanggal ang paghahalikan nilang dalawa.
Inihiga ni Axton ang babae. Muling kumalas si Axton sa pagkakahalik sa babae. Tinignan n'ya ang babae na biglang naghubad ng damit na ngayon ay naka underwear na lang sa harapan ni Axton at muling humiga.
Si Axton ang nagtuloy ng pagtatanggal ng butones ng damit n'ya. Tumayo ang babae na tila hindi na ito makapaghintay na matikman ang sarap ni Axton.
Tinaggal ng babae ang pagkaka-hook ng bra n'ya, pero gusto ng babae na si Axton ang maghubad noon sa kan'ya. Hinubad ni Axton ang suot n'yang long sleeve at pupuntahan na ang babae para gawin ang kanilang balak.
Hindi na nakapagpigil pa ang babae at agad na hinila si Axton para mapunta sa ibabaw n'ya. Muli nitong hinalikan si Axton na wala ng bukas.
Ang malambot at matamis na labi ni Axton ay hindi maiwanan ng babae na kahit ay ilang beses n'yang halikan si Axton ay hindi ito magsasawa na muling halikan si Axton.
Naamoy nito ang manly scent ni Axton na lalong nagpapakilig sa babae. Gumalaw ang kamay ni Axton upang tanggalin ang bra ng babae na naka-unhook ng biglang pamatigil sa paghahalikan ang dalawa ng tumunog ang phone ni Axton.
Nakaluhod sa kama si Axton habang kinukuha nito ang phone n'ya sa bulsa ng pants nito habang ang babae ay iritang nakatingin kay Axton dahil sa muli na naman nitong pagtigil.
Pagkakuha ni Axton ng kaniyang phone ay agad iyong inagaw ng babae na kinainit ng ulo ni Axton dahil sa ang Mama nito ang tumatawag.
Marahan n'yang kinuha ang kamay ng babae at inabot ang phone n'ya na mayroong tumatawag doon. Hindi naman inakala ng babae na seryoso si Axton na wala man lang ka-sweet-an sa katawan nito.
"Hello, Ma!" bungad ni Axton sa kaniyang Ina ng masagot n'ya ang phone.
"Where are you? You promised na sasabay kang mag-dinner sa amin ng Papa mo," sagot ng Mama ni Axton sa kabilang linya.
Umalis sa paglakapatong si Axton sa babae na pinagtaka ng babae.
"Where are you goin—"
Hindi natuloy ng babae ang pagtatanung n'ya ng isang masamang tingin ang binigay ni Axton sa babae.
"I'm coming home, Ma," sagot ni Axton sa Mama.
Pinatay nito ang phone at nilagay iyon sa bulsa n'ya. Kinuha ni Axton ang wallet n'ya at hinagisan ng five thousands ang babae na halos nakahubad na.
Muling sinuot ni Axton ang damit n'ya.
"Ano ito?" iritang tanong ng babae kay Axton.
"Hindi mo ba alam iyan?" seryosong tanong ni Axton na nagsusuot ng butones ng long sleeve n'ya.
"Hindi ako bayarang babae!" sigaw ng babae kay Axton.
"Okay," malamig na sagot ni Axton bago ito tuluyang masuot lahat ng butones ng kaniyang suot.
Nagmamadali ito dahil naghihintay sa kaniya ang magulang nito na pinangakuan n'ya na sasabay ito sa paghahapunan dahil sa busy niyang araw ay hindi na nito nakakasabay sa pagkain ang magulang.
"Okay? Iyan lang ang masasabi mo?" iritang tanong ng babae.
Isang walang kaemo-emosyon ang binigay ni Axton sa babae.
"Bitin ka ba? Maraming lalaki sa labas na pwede kang patulan," sagot ni Axton bago ito maglakad palabas, pero agad itong napahinto ng yakapin s'ya ng babae mula sa likod.
Naramdaman ni Axton ang malaking dibdib ng babae na tumampi sa likuran n'ya.
"Sa tingin mo ganoon mo lang akong maiiwanan," sabi ng babae habang mahigpit na nakayakap kay Axton.
Hinawakan ni Axton ang kamay ng babae at tinanggal sa pagkakayakap sa kan'ya. Hinarap n'ya ang babae na walang damit maliban sa suot nitong pambaba.
"Madali kang kuhanin kaya madali kang iwanan," seryosong sabi ni Axton sabay tulak sa babae sa kama.
Tinalikuran na ni Axton ang babae at lumabas sa kwartong iyon. Paglabas n'ya ng kwarto ay narinig n'ya ang sigaw ng babae dahil sa inis. Wala naman naging reaction doon si Axton at lumabas ito na parang walang nangyari.
Bumaba ito sa second floor at lumabas sa maingay na lugar na iyon. Nagmamadali s'yang sumakay sa kotse n'ya para makauwi agad.
Pinaandar n'ya ang sasakyan at mabilis iyong pinatakbo. Nawala sa isip n'ya ang pangako nito sa kaniyang magulang dahil sa mayroong nangyaring hindi n'ya inakala. Ang pagkikita nila ng dati nitong kaibigan.
Pinaharurot ni Axton ang kotse hanggang sa nakarating ito sa mansyon ng mga Fuentes. Isang malaking gate ang nagbukas ng mga tauhan nila para makapasok si Axton.
Pagka-park ni Axton ay nagmamadali itong bumaba. Habang naglalakad papasok sa loob ay inaayos nito ang sarili n'ya dahil sigurado magagaling ang kaniyang ina pag nakita itong magulo ang kaniyang itsura.
Wala ng ibang pinuntahan si Axton kung hindi ang dumiretso sa dining area ng mansyon nila. Pagbukas ng pinto ay nandoon na ang kaniyang magulang na nag-uusap. Handa na ang mga pagkain at tanging pagdating na lang ni Axton ang hinihintay para masimulan na ang paghahapunan ng pamilya Fuentes.
"Pa! Ma!" tawag ni Axton.
Tinapik ni Axton ang balikan ng kaniyang Papa at hinalikan naman ni Axton ang Mama n'ya sa noo bago ito umupo sa tapat ng kaniyang Mama.
"I smell alcohol," sabi ni Amanda sa kaniyang anak.
"I'm sorry, Ma, I just drank little alcohol," sagot ni Axton sa kaniyang Ina.
"Bakit ba gulo ang iyong buhok? Paano ka magugustuhan ng babae kung magulo ang iyong itsura," sermon ni Amanda kay Axton.
"Ano ka ba naman, Honey, pinalaki nating gwapo ang anak natin kahit na basahan ang suot n'ya ay maraming magkakandarapa, mana kasi sa akin," nakangiting singit ni Arnold sa kaniyang asawa.
Bigla naman nagtawanan ang tatlo dahil sa biro ng kanilang padre de familia.
"Sinabi sa akin ni Nolie, sinundo mo daw ang anak na babae ni Wilfredo," sabi ni Amanda kay Axton.
Napatingin ang mag-asawa kay Axton na ngayon ay kumakain na.
"Hindi ko po s'ya naabutan. Mailap pa rin s'ya sa akin, pero sisiguraduhin ko na makukuha ko rin si Weeny Tolentino," seryosong sagot ni Axton sa kaniyang magulang.
"Ibang babae na lang ang pagtuonan mo ng pansin," sabi ni Amanda sa anak n'ya. "Ayoko ng muli kang makita na masaktan," dagdag pa ng Ina ni Axton.
Patuloy sa pagkain si Axton. Pagkasubo n'ya ng medium rare na steak ay napangisi na lang ito. Nagpunas s'ya ng labi bago n'ya tignan ang Ina na nag-aalala sa kalagayan nito na walang iniisip kung hindi ang kapanan ni Axton.
"Wala ng makakasakit sa akin," seryosong sagot ni Axton sa kaniyang Ina.
Lahat ng paghihirap na dinaanan ni Axton ay tama na iyon. Panahon naman para ilipat ang ikot ng mundo.
Tinignan ni Axton ang magulang sa harapan n'ya sabay ngiti.
"Salamat sa inyo, wala ng makakasakit sa akin muli," seryosong sabi ni Axton.
"By the way, happy birthday son."