Fay's point of view
GABI na, pero naglalakad pa rin ako papunta sa madilim na ilog. Gamit ko lang ang phone ko para magsilbing ilaw.
Umupo ako sa bato para pagmasdan ang ilog. Dito kami madalas naglalaro ni Hans. Malakas na talaga ang pakiramdam ko na buhay pa si Hans.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napatayo ako sa gulat at napalingon ng makarinig ako ng boses mula sa likuran ko. Tinignan ko kung sino iyon at si Wilson Tolentino lang pala.
Kapitbahay lang namin sila. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa kaba sa pagsulpot n'ya.
Tinanlawan n'ya ako ng flashlight kaya hinarang ko ang kamay ko para hindi masilaw. Narinig ko ang mahina n'yang tawa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kan'ya.
Naglakad s'ya palapit sa akin at tinignan ako. "Ako ang unang nagtanong," nakangisi n'yang sagot sa akin.
Umiwas ako ng tingin kay Wilson at binaling ko ang tingin sa ilog. "Nagpapahangin lang ako," sagot ko sa kan'ya.
Kaarawan kasi ni Hans ngayon. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito at itong araw din ang kaniyang pagkawala.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kan'ya ng hindi tumitingin.
Bigla akong napaharap kay Wilson ng hawiin n'ya ang buhok ko at nilagay sa ilukuran ng tenga ko.
"Nakita kasi kitang pumunta dito kaya sinundan kita, delikado ang mapag-isa sa ilog na ito lalo na pag madilim," nakangiting sagot n'ya sa akin.
"Salamat sa pag-aalala, pero kaya ko naman ang sarili ko," sabi ko kay Wilson.
Lumalakas ang ihip ng hangin sa ilog kaya lalong lunalamig ang paligid. Hinarap ko si Wilson at nginitian ko s'ya.
Kapatid s'ya ng head manager namin si Weeny Tolentino. Isa rin s'ya sa boss ko dahil ang Papa n'yang si Wilfredo ang may-ari ng pinagtratrabahuhan ko ngayon bilang isang Accountant.
"Babalik na ako sa bahay, masyado ng malamig dito," paalam ko kay Wilson.
"Ihatid na kita," nakangiti n'yang offer sa akin.
Tumango ako sa kan'ya. Simula ng mawala si Hans ay naging malapit sa akin si Wilson hindi ko alam kung bakit, pero naging mabait ito sa akin. S'ya rin ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa company nila.
"Bumalik na ang Ate mo," sabi ko sa kan'ya habang naglalakad kami pabalik sa bahay namin.
"Oo, nag-shopping at nagbakasyon lang s'ya doon sa london ng ilang araw," sagot ni Wilson.
Mayaman ang pamilya nila kaya wala naman nakakapagtaka kung ganoon ang mga gawain nila.
"Pagmayaman ka talaga lahat ng gusto mo kaya mong gawin," nakangiting sabi ni Wilson sa akin.
"Totoo, ang lahat ay nagagawa para sa pera," ngakangiti kong sagot kay Wilson.
"Kung sinagot mo na ako sana ay hindi ka na nagtratrabaho pa sa company namin," sabi ni Wilson sa akin.
Nakita ko na ang bahay namin kaya hinarap ko si Wilson.
"Nandito na bahay namin," sabi ko sa kan'ya. "Umuwi ka na, gabi na, mukhang marami ka pang gagawin," dagdag kong sabi kay Wilson.
"Free ako bukas, aayain sana kitang mag-dinner after your work," aya sa akin ni Wilson.
Napaisip ako sa sinabi ni Wilson. Matagal na s'yang nanliligaw sa akin, pero hindi ko lang alam na kung s'ya ba talaga ang lalaki para sa akin. Ayoko naman na magpadalos-dalos ako sa desisyon ko.
"Sige," sagot ko sa kan'ya.
Mabait naman sa akin si Wilson kaya wala akong nakikitang masama. Sa ginagawa n'ya ay masmakikilala ko pa ito.
"Talaga? Sige, susunduin kita sa office mo bukas," nakangiting sabi ni Wilson sa akin.
"Sige na papasok na ako," paalam ko kay Wilson bago ko s'ya talikuran at maglakad ako papunta sa loob ng bahay namin.
Nakita ko si Mama doon na nakatayo sa harapan ng pinto at todo ang ngiti n'ya sa akin.
"Mukhang malakas ang tama sayo ng anak na lalaki ng mga Tolentino," nakangiting sabi sa akin ni Mama.
"Hindi naman, Ma, matagal na kaming magkakilala kaya baka ganoon lang talaga s'ya," sagot ko kay Mama.
"Nanliligaw ba sayo?" nakangiting tanong sa akin si Mama.
Ano ba itong pinagsasabi ni Mama sa akin. Umiling ako kay Mama kahit ang totoo ay matagal ng nanliligaw sa akin si Wilson.
"Hindi po, magkaibigan lang kami, Ma," sagot ko kay Mama.
"Sige na po, matutulog na ako at maaga pa po ang pasok ko bukas," paalam ko kay Mama.
"Hindi mo na kailangan magtrabaho pag s'ya ang nakatuluyan mo. Tingin ko naman ay mayroong gusto sayo ang binata," sabi ni Mama sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko si Mama.
"Wala akong gusto sa kan'ya, Ma, saka hindi ko kailangan ng lalaki para magkapera lang," sagot ko kay Mama.
Hindi ko pa rin nakakalimutan na sinasaktan pa rin nila si Hans noong mga bata palang kami. Mabait sila sa pamilya namin, pero mali pa rin sila na sinasaktan dati si Hans.
"Matutulog na po ako," paalam ko kay Mama bago ako naglakad papunta sa loob ng kwarto ko.
Humiga ako sa kama at tumingin sa taas. Kung buhay si Hans. Ano kaya ang ginagawa n'ya ngayon? Sana ay ayos lang s'ya at sana wala ng nananakit sa kan'ya. Kung malalaman ko lang na buhay si Hans at maayos ang kalagayan n'ya. Ayos na sa akin iyon.
Pinikit ko ang mata ko, pero nakaramdam ako na parang mayroong nakatingin sa akin kaya dinilat ko ang mga mata ko.
Tinignan ko ang bintana kung mayroon bang nakasilip. Nakabukas pala ang bintana. Tumayo ako sa pagkakahiga ko para isarado ang bintana. Pagkasarado ko ay bumalik na ako sa kama para matulog.
Maaga pa ang pasok ko bukas at ayokong mapagalitan ni Weeny dahil sa paggiging late ko.
Kinabukasan, habang kumakain ako ng breakfast ay iniisip ko pa rin ang lalaking mayroon suot ng bracelet. Malaki talaga ang pagkakahawig nila ni Hans eh.
"Fay, napano ang kotse at bakit mayroong gasgas sa unahan?" tanong ni Papa sa akin habang kumakain din ng breakfast.
Kasabay ko sila ngayon. Wala ako sa pag-iisip ng tinanong ako ni Papa. Oo nga pala iyon din ang isa ko pang problema kailangan ko pang bayaran ang sasakyan ng lalaking iyon.
"Nakabangga po ako ng kotse, pero wag na po kayong mag-alala nagkausap na po kami ng may-ari at babayaran ko na lang ang damage ng kotse n'ya," paliwanag ko kay Papa.
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera. Kapapaayos ko lang kasi ng bahay namin kaya lahat ng naipon ko ay wala ng natira at nagsisimula na naman akong mag-ipon.
"Mabuti naman at walang nasaktan sa inyo," sabi ni Mama sa akin.
"Ayos naman po kami, gasgas lang ang natamo ng kotse," sagot ko kay Mama.
Tumayo ako ng matapos ko ang pagkain. "Tapos na po ako," sabi ko.
Kinuha ko ang bag at susi ng kotse. "Aalis na ako, Ma't Pa, love you!" paalam ko bago ako maglakad paalis.
"Ingat anak!" rinig kong sigaw nila bago ako makalabas ng bahay.
Sinilip ko ang malaking bahay sa tabi namin ay nandoon pa ang kotse ni Weeny kaya siguradong hindi pa iyon umaalis. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar iyon.
Sa nangyari kahapon ay naging maingat na ako sa pagmamaneho ko dahil baka makabangga na naman ako dito.
Pagdating ko sa office ay naabutan ko sila Mae na nakasilip sa office ni Weeny. Naglakad ako papunta palapit kay Mae para tanungin kung anong sinisilip nila.
Pagdating ko ay wala pa doon si Weeny kaya nakakasilip sila ng ganoon.
"Anong mayroon?" tanong ko kay Mae.
Hinarap ako ni Mae. Tinignan ko ang kamay n'ya na hinila ako para makita ko ang tinitignan nila sa office ni Weeny.
"Mayroong naglakas ng loob na manligaw sa suplada nating boss," bulong ni Mae sa akin.
Tinignan ko ang table ni Weeny na mayroong bouquet of red roses at chocolate.
"Kung walang sira sa ulo ang nagpadala n'yan, kawawa ang lalaki," sabi ni Marie na kasamahan din namin sa office.
Biglang nagtawanan ang mga kasamahan ko kaya hinarap ko na sila.
"Baka mahal ng lalaki," sabat ko.
Kahit anong ugali mo, pag mahal ka ng lalaki kaya kang tanggapin. Maarte lang naman si Weeny, pero mayroon sigurong natatagong bait kaya nagustuhan ng lalaki.
"Wala na finish na, balik na tayo sa trabaho dahil mayroon ng nakasagot sa ating mga katanungan," sabi ni Mae sa mga companions namin dito.
"Swerte naman," rinig kong sabi.
Bago ako umalis ay tinignan ko muna ang table ni Weeny, pero pagharap ko ay nagulat ako ng makita si Weeny sa harapan ko.
Taas kilay s'yang nakatingin sa akin. Nag-bow naman ako sa kan'ya.
"Magandang umaga, Manager Weeny," bati ko kay Weeny.
Pagtingin ko kay Weeny ay nakatingin ito sa table n'ya. Wala itong sinabi sa akin at nilagpasan lang ako. Naglakad s'ya papunta sa office n'ya.
Napatingin naman ako kay Mae na nakaupo na sa table n'ya. Halos lahat ng kasama ko ngayon ay nakaupo na at ako na lang ang naiwan na nakatayo.
Inaya ako ni Mae ng umupo na sa table ko. Baka kasi mag-beast mode na naman ang boss namin ay ako pa ang mapansin.
"Fay!"
Hindi ko natuloy ang paghakbang ko ng tawagin n'ya ako. Agad naman akong humarap dahil sa takot na rin sa kan'ya. Nagmadali akong pumunta sa loob ng office n'ya.
"Yes, Manager?" tanong ko pag kapasok ko sa loob ng office.
Hawak n'ya ang bulaklak at chocolate. Walang gana n'ya iyong tinignan sabay abot sa akin na pinagtaka ko.
"Itapon mo," boring n'yang sabi bago pa umupo sa swivel chair n'ya.
"Po?" taka kong tanong.
"Bingi ka ba?" mataray nitong tanong sa akin.
Umiling ako sa kan'ya at tinignan ang hawak kong bulaklak.
"Sayang naman kung itatapo—"
"Edi ikaw ang kumain," irita n'yang putol sa akin.
"Umalis ka na nga sa harapan ko!" inis nitong sabi sa akin.
Nag-bow ako sa kan'ya bago ako umalis ng office n'ya. Tama nga ang mga kasama ko na malas ang lalaking iyon sa babaeng ito.
Lumabas ako sa office na nakatingin sa akin ang mga kasamahan ko na parang sanay na sila sa ugali ni Weeny.
Napailing na lang ako sa kanila at kibit balikat dahil sa ugali ni Weeny. Lumabas ako ng office namin para itapon ang bulaklak na binigay kay Weeny.
Pagkalabas ko ay tinapon ko ang bulaklak, pero ang chocolate ay hindi. Pagkain pa rin ito kaya dapat ay hindi itapon saka mukhang mamahalin pa ito.
Nasalabas ako ng building at doon ko tinapon ang bulaklak. Nakakita ko ng isang batang pulubi.
"Boy!" tawag ko sa batang lalaki na agad naman lumapit sa akin.
"Sayo na lang, masarap iyan," nakangiti kong sabi.
Biglang ngumiti ang batang lalaki sa akin at agad na tinaggap iyon.
"Salamat po, hindi pa po kasi ako kumakain," sabi ng bata sa akin.
Napatingin ako sa sugat nito sa braso kaya nagtaka ako doon.
"Napano iyang sugat mo?" tanong ko sa bata.
"Sinasaktan po kasi ako ng anak ng bagong asawa ni Mama," sagot nito sa akin. "Sige po, aalis na ako, salamat po sa bigay n'yo," paalam ng bata bago ito tumakbo palayo sa akin.
Bigla kong naalala si Hans sa batang iyon. Aalis na dapat ako ng mayroon akong makitanb card na nakalagay doon sa bouquet.
Tumingin muna ako sa paligid dahil baka mayroong makakita sa akin. Kinuha ko ang card na nakalagay sa bulaklak. Pinatapon ni Weeny ang bulaklak kaya siguro ay hindi n'ya gusto ang lalaking iyon.
Pagkakuha ko sa card ay babasahin ko ang laman noon at para malaman ko na rin kung kanino galing. Hindi ako chismosa, pero curious kasi ako sa nagbigay noon.
"I hope you'll like it, from Axton Fuente," basa ko sa nakasulat.
Kumunot ang noo ko dahil sa parang narinig ko na ang pangalan na iyon.
"Higit sa lahat, hindi ako si Hans, ako si Axton Fuente!"
Axton Fuente, s'ya iyong lalaki kahapon sa parking lot at ang nabangga ko ang kotse. S'ya rin ang lalaki na may suot sa bracelet na binigay ko kay Hans.
Tinapon ko ang card sa basurahan at naglakad na pabalik sa office namin. Kilala n'ya si Weeny?