Fay's point of view Pinunasan ko ang luha ko habang patuloy na tumutulo iyon sa mga mata ko. Muli ay nandito ako sa ilog kung saan madalas kami magkita ni Hans. Hawak ko ang litrato namin ni Hans na magkasama. Ito lang ang tanging naiwan na alaala ni Hans sa akin. Tumingin ako sa taas para tignan ang buwan. Hindi ko mapigilan ang luha ko kaya hinayaan ko na lang. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang tinitiis ang lamig dito sa ilog. Ayokong umuwi sa bahay namin dahil baka marinig lang ako nila Papa na umiiyak. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na buhay si Hans, pero hindi ko alam kung buhay ba talaga s'ya o hindi. Hindi ko alam ang dahilan ni Hans kung bakit s'ya tumalon sa ilog, pero alam kong mahirap ang pinagdaanan n'ya sa mga Tolentino, pero ang pagkakaalam ko ay matapang si Ha

