Kim's point of view MARIIN kong pinagdikit ang ngipin ko para pigilan ang sarili ko. Pagkasarado ko ng pinto ay hindi ko pinansin ang mga tao sa labas. Agad akong naglakad palayo sa lugar na iyon. Diretso lang ang tingin ko, mabilis na paglalakad at walang emosyon na itsura. Wala akong naririnig na kahit ano sa paligid ko. Ang gusto ko lang ay umalis na ako sa lugar na ito. Paglabas ko ng hospital ay tumakbo ako sa hindi ko malaman na lugar. Tumakbo ako sa isang iskinita kung saan walang tao. Gusto ko lang tumakbo ng tumakbo hanggang sa mapagod ako, pero mabilis na huminto ang paa ko ng mayroon akong maramdaman na tubig sa kamay ko. Tumingin ako sa taas para tignan kung umuulan, pero matindi ang sikat ng araw. Natatakot kong hinawakan ang mukha ko at naramdaman ko ang pag-agos

