Fay's point of view NAKATITIG ako sa kisame ng kwarto ko dito sa hospital, dahil ng malaman nilang tumakas ako kagabi ay laging mayroong nurse na bumisita sa akin. Naiirita na rin ako dahil oras-oras ay sinisilip ako. Kaya ko naman ang sarili ko, hindi na rin ako tatakas dahil same hospital lang naman kami ni Hans ngayon. Sino pa ang dahilan ko para umalis dito. Huminga ako ng malalim. Mayroon pa rin akong nararamdaman na sakit, pero kaya ko naman tiisin. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at akala ko ay nurse, pero agad akong napabangon sa kinahihigaan kong kama ng makita ko si Mama at Papa na pumasok sa loob. Napangiti ako ng makita ko sila na mayroong dalawang prutas. "Gusto namin makita si Hans," nakangiting sabi ni Papa sa akin. Ako rin naman. Ilang oras pa lang kaming hindi

