Fay's point of view NAKATAYO ako sa harapan ng kwarto ni Hans. Tinignan ko ang doorknob at hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para hawakan ang doorknob, pero hindi pa nagdidikit ang kamay ko at ang doorknob ng biglang bumukas ang pinto. "Hayaan muna nating magpahinga si Axton," rinig kong sabi. Bumungad sa akin si Ma'am Amanda at Sir Arnold na basa pa ang buo n'yang katawan. Napaatras ako para bigyan sila ng daan. Umiwas ako ng tingin kay Ma'am Amanda dahil bigla s'yang tumingin sa akin. Nagulat naman ako ng maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ma'am Amanda sa akin. Napatingin ako kay Sir Arnold na pinapanood lang kami. "Alam kong ikaw lang ang gustong makasama ni Axton, Fay," umiiyak na bulong ni Ma'am Amanda sa akin. Inangat

