Fay's point of view NAPANGITI ako ng isang malambot na bagay ang ramdaman kong dumampi sa noo ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko. Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita nang mga mata ko ang lalaking bawat umaga ay makikita ko sa pag gising ko. "Morning," bati n'ya sa akin. Hinalikan ni Axton ang labi ko at niyakap ako. Tinignan ko ang paligid namin na maliwanag na. Sinilip ko ang kumot na nakalagay sa amin at nakita kong wala pa rin kaming suot ni Axton na kahit ano. "Mayroon akong ipapakita sayo," bulong ni Axton sa akin. Tinanggal n'ya ang pagkakayakap sa akin at nagsimulang bumangon. Bigla akong natawa ng mahina na kahit anong suot ay hindi man lang s'ya naglagay na kahit ano. Humarap s'ya sa akin at inaaya n'ya akong sumama sa kan'ya. Nanlaki ang mata ko ng bigla

