NATUTULOG at kumportableng nakahiga si Fay sa kanilang malambot na kama ni Axton na kaniyang asawa. Walang katabi at tahimik ang buong loob ng kwarto nilang mag-asawa. "Mommy!" sigaw ng isang maliit na boses ng lalaki. Nagising ang diwa ni Fay ng marinig ang isang boses ng batang lalaki. Narinig ni Fay ang pagbukas ng pinto ng kwarto nilang mag-asawa at isang masiglang batang lalaki ang pumasok. Tumakbo ang bata sa kama na hinihigaan ni Fay at niyakap ang Mommy n'ya na nakapikit pa ang mata dahil sa antok. "Mommy, please! wake up, pupunta kami ni Dad sa ilog," malakas na sabi ng bata habang niyuyogyog ang mommy n'ya para gisingin. Dinilat ni Fay ang mata n'ya, agad na bumungad ang isang cute na batang lalaki na kamukha ni Axton noong bata pa sila. Ngumiti si Fay ng makita n'ya an

