Axton's point of view "Nakaligtas nga ako sa pagkalunod sa ilog, sa tauhan mo pa kaya?" seryoso kong sagot kay Mark. Dahan-dahan akong naglakad papunta kay Mark. Kahit anong selos ay hindi ko maramdaman pag nakadikit s'ya kay Weeny. He looks pale. Kinuha ko ang baril na nakalagay sa floor at inangat ko ang kanan kong paa para iapak sa kamay n'yang mayroong sugat. "Ahhh! Fvck you! Axton!" sigaw n'ya sa sakin na ang dating sa akin ay parang musika. "Wag mo s'yang idamay, wala s'yang kasalanan sayo!" sigaw ni Weeny sa akin. Diretso ang tingin ko kay Mark na namimilit sa sakit na halos hindi na alam kung ano ang gagawin n'ya. Hinawakan ko ang mukha ni Mark. Huminga ako ng malalim at hinarap sa mukha ko. "Paanong wala s'yang kasalanan? He was tried to kidnap Fay," seryoso kong sagot kay

