Axton's point of view "Wala sa mga Tolentino ang problema, kung hindi sa puso mong bato. Isa lang ang kailangan mong gawin para maging payapa ang buhay mo." Tumigil ako sa paglalakad sa narinig kong sabi ni Mama. "Ang magpatawad!" Yumukop ang kamao ko dahil sa narinig ko. Muling tumulo ang luha sa mata ko ng marinig ko ang salitang hindi ko kayang gawin sa mga Tolentino. "Isa lang ang gusto kong gawin, ang paghirapin ang mga Tolentino hanggang sa sila ang lumuhod para magmakaawa sa akin," matigas kong paliwanag kay Mama. Hindi ako tumitingin sa kan'ya, pero ang luha ko ay patuloy ang pagtulo ng luha. Sa tuwing naaalala ko ang lahat ng ginawa ng mga Tolentino sa akin. "Itigil mo na, maging masaya ka na lang kasama ni Fay. Hindi ba iyon ang gusto mo? Ang maging masaya," rinig kong sab

