Axton's point of view Nasa loob ako ng mens room habang nakatingin sa salamin at tinignan ko ang sarili ko. Yumukop ang kamao ko sa galit. Nakita ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Agad kong kinuha ang trashcan sa gilid kong at binato ko sa salamin sa harapan ko. "Ahh!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung mayroon man makakita sa akin dito. Gusto kong sumabog sa nararamdaman ko. Sobra ang galit ko sa mga Tolentino, pero sa galit na iyon sa puso ko nadamay ko ang mga taong nagmamahal sa akin. Muli kong kinuha ang trashcan at binato iyon sa floor. "Damn!" sigaw ko sa galit. Bigla na lang akong napasandal sa pader ng maalala ko na pati ang anak namin ni Fay ay nawala dahil sa akin. Ito ang dahilan ko kung bakit ayoko ng makita si Fay dati pa. Ayoko s'yang madamay sa lahat ng gagawin k

