Fay's point of view Nakaupo ako sa passenger seat habang nakatingin ako sa suot kong silver na bracelet sa kaliwang wrist ko. Tinignan ko ang kalsadang papunta sa bahay namin, kasama ko ngayon si Axton na seryosong nagmamaneho ng kotse. Hindi pa dapat s'ya, p'wede sa mga ganitong bagay at dapat pinaalam ko muna kay Kim ang plano ko ngayon. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng suot kong pants, pero napakunot ang noo ko ng wala ang phone ko sa bulsa ko. Tinignan ko si Axton na seryosong nakatingin sa kalsada. "Naiwan ko ang phone ko," sabi ko kay Axton. Walang emosyon n'ya akong tinignan kaya napaiwas ako sa kan'ya. Hindi ko pa rin maiwasan na masaktan sa tuwing titignan n'ya ako na hindi n'ya ako kilala at wala s'yang pakialam sa akin. "Anong gusto mong gawin? Balikan natin ang phone m

