Fay's point of view "Third week na?" taka kong tanong sa sarili. Agad akong lumapit sa maliit na calendar at hinawakan ko iyon para tignan ko. Napahawak ako sa bibig ko sa nasa isip ko. "Hindi kaya late lang ako?" tanong ko pa sa sarili ko. Umiling ako at binalik ko ang calendar sa table. Hindi pa naman ako sigurado. Tinignan ko ang tyan ko at hinawakan ko iyon. Kailangan ko munang makasigurado bago ko sabihin kay Axton. Masaya sana ako, pero 'yung kalagayan ni Axton ngayon. Kung ano mang mayroon dito masaya ako. Huminga ako ng malalim at pinalakas ang loob ko. Ano bang kinakatakot ko si Axton naman ang ama nito kung tama ang hinala ko na buntis ako. Naglakad ako na puno ng iniisip sa ulo ko. Lumabas ako ng kwarto papunta sa kusina para ipagluto si Axton ng breakfast. Hindi pa nam

