Fay's point of view Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay ko na dumating si Axton at Kim. Gabi na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik. Dapat kaninang hapon pa sila nandito, pero nag-aalala na ako kay Axton. Huminga ako ng malalim at kinuha ko ang baso mayroong laman na tubig sa tea table sa harapan ko. Agad akong napatayo ng marinig ko ang pagdating ng isang sasakyan. Sobrang tahimik ng malaking bahay na ito kaya maririnig mo agad kung mayroong gumagawang ingay. Naglakad ako palabas para tignan kung sino ang dumating. Gusto kong ngumiti, pero nawala ang excitement ko ng makita ko ang kotse ni Nolie na huminto. Akala ko pa naman sila Kim na. Naglakad ako palabas ng bahay para puntahan si Nolie at pagbuksan ng gate, pero napatakbo ako palapit sa gate ng makita ko si Axt

