Wilson's point of view Kinuha ko ang baso na mayroong laman na alak at yelo sa harapan ko. Tinignan ko si Axton na umiinom sa harapan. "Cheers! Kuya Axton para sa kasal n'yo ni Ate Weeny," masaya kong sabi kay Axton. Tinaas ko ang hawak kong baso para pagdikitin namin ng lasing na si Axton sa harapan ko. Kanina pa kami umiinom dito. Kung magkakasundo lang pala kami pag nagkaroon s'ya ng amnesia sana pala dati ko pa inuntog ang ulo n'ya para tulungan n'ya ako sa gusto ko. Kahit na anong sabihin at gawin n'ya, ayoko pa rin s'ya kay Ate Weeny dahil wala akong tiwala sa gagong nasaharapan ko. Hindi pa ako kumbinsido n'ya, pero kung maibibigay n'ya talaga si Fay sa akin baka magbago ang isip ko. Isang tungga lang ang ginawa ko sa hawak kong baso sa laman na alak bago tinignan si Axton na b

