Simula
PINAGMAMASDAN ko ang sariling repleksyon sa salamin ng tokador ko. Kulay nyebe ang kutis ko, natural na mapupulang mga pisngi at labi. Mahahaba rin ang pilik-mata ko at may makakapal na kilay. Partida, wala pang make up na nakalagay diyan ah. Simple, pero hindi pa rin jowable!
Lihim akong napairap at itinigil na ang pagpapantasya. Kahit ano naman sigurong gawin ko, walang magkakagusto sa akin! May mga nagsasabing ang pangit ko tapos madalas pa akong nabu-bully. Sino ba namang magtatangka?
Mapait akong ngumiti. Kaya siguro hindi rin ako magustuhan ni Allen.
Si Allen Madrigal ang first crush ko. Actually, magkababata kami kahit limang taon ang agwat niya sa akin. Campus crush siya noon sa high school na pinapasukan ko ngayon. College na siya ngunit hindi iyon naging hadlang dahil magkalapit lang ang eskwelahan namin. Parehas lang kasi ng nagpapatakbo— ang Infinite Academy. Magkahiwalay lang ang eskwelahan ng high school at college.
At ang mas maganda pa riyan, magkapit-bahay lang kami! Lagi akong nasa kanila upang magpaturo sa mga home work na nahihirapan ako. Though, hindi naman talaga gaanong mahirap. Gumagawa lang ako ng paraan para makita at makasama siya. Hihi.
“Trixie!" May kumatok sa pintuan ng sarili kong kwarto.
“Anak, bumaba ka na at kakain." Si mommypala.
“Susunod po ako!” sigaw ko para marinig niya.
“Fine. Bilisan mo at nandito ang Kuya Allen mo," sabi nito. Saka ko narinig ang mga hakbang niyang hudyat na umalis na.
Dali-dali akong kinabahan pagtapos 'yong marinig. Muli kong inayusan ang sarili at naglagay ng kaunting make up kahit gabi na. Wala akong pupuntahan, pero may pumunta naman para sa akin!
In short, kailangang maganda ako oras-oras.
Pagbaba ko sa main staircase namin mula sa kwarto kong nasa second floor, ay nadatnan ko si daddy at Kuya Allen na nag-uusap sa sala. Nang tuluyan na akong makababa ay rinig kong tungkol sa business ang pinag-uusapan nila— na hindi naman ako interesado.
Parehas na umangat ang mga mata nila kaya nangiti ako.
“Hi!" Sabay halik sa pisngi ni daddy at pisngi ni Kuya Allen.
Omegeeed! Ang bango! Amoy na amoy ang mint sa kanyang hininga at ang mamahaling cologne. Ito 'yong scent na pinili ko para sa kanya nang magtanong siya sa akin sa mall at hindi makapag-decide sa nakahilerang panglalaking pabango. Feeling ko tuloy, he chose me! Ih!
“Iha, namumula ka yata?" si dad at palihim na ngumiti.
Nakagat ko na lang ang dila ko dahil ayaw kong sagutin si dad sa harap ni Kuya Allen. Baka sabihin niya, ma-attitude ako 'no!
Nahuli ko namang nakangisi ang lalaking katabi ko nang umupo ako malapit sa kanya sa sofa ng living room namin. Nakakatawa ba ako sa mukha mo, Kuya Allen? Agad akong napasimangot.
“Hon, dinner’s ready!" sigaw ni mommy mula sa dining room.
Saka lumapit kay dad bago hinalikan ang pisngi. Bumaling siya sa amin.
“You two, let's eat. Dito ka na kumain, Allen."
“Sure, tita," sagot agad nito. Syempre, sanay na kaming namamahay iyan dito. Gawain ko rin kasi sa kanila 'yon e.
Sabay-sabay kaming tumayo at kinikilig pa rin ako dahil pakiramdam ko, kukulitin na naman ako ni dad about kay Kuya Allen mamaya kapag nakaalis na ang bisita. Hay, naku! Lakas talaga mang-asar.
As usual, tumambad sa amin ang mga muwebles na naka-display sa buong dining area.
'Tapos ay magkatabi kami ni mom sa kanang bahagi ng long table at kaharap naman namin si Kuya Allen. Si dad ang nasa kabisera gaya ng nakagawian. May inihandang vegetable salad at meats ang maids para sa bisita. Kapag nandito talaga si Kuya Allen, engrande lagi.
At syempre, about business matters na naman ang pinag-uusapan nila. This time, kasama na si mom.
“Tingin ko, maganda ring mag-invest doon. What do you think, hon?" tanong ni mom at binalingan iyon ng tingin ni dad.
Tumango si dad. “Hmm, umaangat na rin ang Sierra Corporation. You should try, Allen." Saka tumingin siya sa lalaking katapat ko.
“That kind of industrial company has a higher demand. Lalo na ngayong umuusbong na ang iilang companies? Paniguradong
magpapatayo pa ang iba ng branch. Hindi malabong piliin nila ang Sierra Corporation."
“I will, tito. Maybe after graduating?" sagot ni Kuya Allen saka nagpatuloy sa pagkain. Umangat ang tingin niya sa akin na kanina pa nakamasid sa mga kilos niya. He then winked.
Nanlaki ang mata ko nang makaramdam ng pag-init ng pisngi bago umiwas ng tingin.
“By the way, nasa tamang edad ka na rin. Hindi naman sa nanghihimasok ako 'no? Pero, do you have any plan of having a girlfriend?"
Medyo nasamid ako sa iniinom na fresh juice nang sabihin iyon ni dad. Pansin kong nakangisi na siya at nang binalingan ko naman si Kuya Allen ay namumula na ang magkabilang tainga nito.
Ano ba namang tanong iyan, daddy? Nagmamadali yata 'to eh. Palibhasa, manok niya si Kuya Allen kahit wala namang kami! Ni hindi nga nanliligaw. Hays .
“Ah, actually. . . I'm courting someone." Saka siya tumingin sa lahat at panghuli sa akin.
Kinabahan ako. Sino naman kaya ang maswerteng babae? At anong klaseng tingin 'yang ibinibigay niya sa akin ngayon?
“Oh, haha!" Dad chuckled. “Classmates? Friends? Neighbors?"
Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko sa panghuling
binanggit ni dad. Botong-boto ha?
“Nope. Ah, one of my c-classmates," nahihiya niyang pagkasabi na ikinatigil ko sa pagkain.
Bumalatay ang kirot sa puso ko at buong sistema. Weird. Lagi kong nararamdaman 'to kapag tungkol na sa kanya ang pinag-uusapan.
Pero para maitago ang kakaibang pakiramdam ay pilit akong ngumiti sa kanya at tumango.
“O-Oh, really? H-Hindi ko alam 'yon ah?" nauutal kong pagkasabi.
Naiilang itong tumingin sa direksyon ko.
“I was planning to tell you about this kaya ako nagpunta rito. Of course, my best friend should know that information first. Kaso. . ." Tumingin siya kay dad at nagkibit-balikat.
Dad chuckled and gave me a smile with an unknown emotion in his eyes. What's that? Tss. Do not pity me, daddy.
Ramdam kong namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko. Kaya dali-dali kong inubos ang pagkain at tumayo.
“Ah, Trixie, have you already eaten?" my mom asked.
Tumango lang ako at tumingin sa gawi nilang lahat bago nagsalita.
“Akyat lang ako. Just. . . knock the door if you need something."
If you need me. Really.
Saka ako dire-diretsong umakyat patungo sa kwarto at hindi na nilingon pa ang mga pagtawag nila sa pangalan ko.
Pinunasan ko ang mga tumulong luha sa mukha at ini-lock ang pinto. Sumandal ako roon at tuluyan nang napahagulhol.
I need to be alone! I want to ask myself kung bakit? Bakit siya nagkagusto sa classmate niya kahit ako 'yong laging nandiyan para sa kanya? Ako 'yong nakikinig kapag nafu-frustrate siya sa buhay at pag-aaral. Ako 'yong lagi niyang sandalan. Ako 'yong kababata niyang nariyan lagi sa tabi niya.
So, why her? Bakit iba ang gusto niya? Am I too young for him? Am I not enough to sustain the emptiness he's feeling? Nakakainis naman e!
Sa kalagitnaan ng pagda-drama ko ay biglang may kumatok sa pintuan.
“Trixie. . ." That baritone voice of his made me shiver.
Pinunasan ko ulit ang mga luha saka tumikhim.
“B-Bakit?" Ano ba naman! Bakit ako nauutal?
“Are you okay?" he asked like an innocent man who can't hurt a girl's heart. But he did. Kung sa bagay, wala siyang alam sa nangyayari, sa nararamdaman ko. Kahit noon pa.
“Y-Yes. Ah, I'm just busy doing my assignments and projects," sagot ko na nakasandal pa rin sa likod ng pintuan na tingin ko ay kinatatayuan din niya.
“Ah, maybe I can help you?"
Lalong sumakit ang ulo ko nang sabihin niya iyon. Please, don't care for me too much. Baka lalo akong mabaliw at ano pa ang magawa ko! Baka-- tsk !
Hindi ko na tinuloy ang pag-iisip na siraan sila ng magiging girlfriend niya at magpokus na lang dapat sa sariling buhay. Care for yourself too, Trixie.
“No, I can do it alone," sagot ko na lang.
Ilang minutong katahimikan bago ko narinig ang iilang mga yapak.
“If that's what you want." I heard him hitched a breathe.
“Take care, Trixie. I'm going home. Text me if you can't solve your assignments. Good night." Hindi ko na nagawa pang magpaalam. Narinig ko na lang ang mga hakbang niyang paalis na.
I'm sorry, Allen. I feel sorry for myself too ngayon pa lang. Dahil hindi ko na alam kung ano pa ang kaya kong gawin.