“OKAY. One, two, three...” We posed as the flash from a camera sparkled in my eyes and the sun started rising to a higher degree celsius. Hawak ni Louie ang kanyang DSLR Camera na nakasabit din sa kanyang leeg habang ipinapakita ang bawat pictures namin. Maganda kasi ang view dito lalo’t ang nagdala pa ay ang white sand. May iilang rock formations sa malayo at tanaw mula rito ang kalapit na isla na may yachts. Turquoise-like water made the whole beach a paradise. Thea already revealed her black two-piece as she started pouring a sunblock lotion on her body after taking a pota-shoot with Louie, also Raine, and Ven with their swimsuits. Ako naman ay nagpunta sa cottage namin at hinalungkat sa dalang bag ang sunblock. Nang mahagilap ko ang bagay na ‛yon ay nagsimula na rin akong m

