Second Teardrop

2030 Words
SIKAT ng araw ang nagpagising sa akin sabado nang umaga. Mula sa nakabukas na kurtina ng bintana sa kwarto ko ay rinig ko ang pamilyar na boses ng taong huli sa gusto kong makita. Nagpanggap akong tulog pa rin kahit na medyo gumagalaw naman.  Itinalukbong ko ang kumot sa buong katawan kasama ang mukha. My goodness! Nakita niya ba ako nang ganoong ayos? Hindi pa ako nakakapagsuklay at naghihilamos. Baka lalong mawalan na ng tsansa para magkagusto siya sa akin!  Feeling ko ang pangit eh! Wala na nga akong tiwala sa pagmumukha ko, iyong ibang tao pa kaya?  “Tss. Bumangon ka na riyan, Trixie. Iisipin ko talagang iniiwasan mo ‛ko eh,” saad niyang nagpabalikwas sa akin ng bangon.  “Hindi ah! Eh, bakit kasi. . . ang aga-aga tapos nasa loob ka ng kwarto ko? Ni hindi pa ako nakakapag--" “Ano?” putol niya sa sinabi ko.  Tinakpan ko ang bunganga gamit ang dalawang kamay. “Toothbrush!” Saka ko siya inirapan na ikinatawa lang niya.  Sabi na nga ba eh! Pagtatawanan niya na naman ako. Kaya naiisip kong batang kapatid ang turing sa akin ng Allen na ‛to eh!  Napasimangot na lang ako sa isiping ‛yon at walang emosyon na nagtungo ng CR.  Pinihit ko ang doorknob at sumandal sa pintuan. ‘Tapos ay itinukod ko ang mga kamay sa gilid ng lababo, pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Buhaghag ang buhok, may mga muta at nakababa pa ang strap ng lingerie ko.  Thanks, God at walang tuyong lawak sa mukha ko! I shivered at that thought.  Tuyong laway? Err.  Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang sarili at biglang naisip na ikumpara sa babaeng nakasama niya sa kanyang kotse nang isang araw.  Hubog ang katawan ko pero mas maganda ang sa babaeng iyon. Hmm . Totoo nga siguro ang sinabi ni Yana. Mas mature lang ang babae katulad ni Kuya Allen. Kaya nadepina na ang kanilang mga katawan. Nainggit tuloy ako.  “Gusto ko na tuloy mag-mature!” himutok ko saka ginawa na lang ang morning rituals.  Paglabas ko ay kinuha ko ang hair brush sa tokador at napansing nakaupo pa rin si Kuya Allen sa sofa ng kwarto ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinimulan na ang pagsuklay sa buhok.  “Mag-usap tayo, Trixie,” malamig na saad niya. Mula sa salamin ng tokador ay kita kong tumayo siya at marahang lumapit sa direksyon ko. Kinakabahan ako at pansin kong namumula na rin ang pisngi ko habang nakatingin sa salamin.  Hindi ko alam, pero hobby ko na ang tingnan ang sariling repleksyon. Naghahanap ako ng mga mali sa katawan ko o sa sarili. Marahil ay naghahanap ng kasagutan kung bakit hindi niya ako magustuhan? Ganoon na nga. I feel insecure.  Hinila niya ang siko ko kaya napaharap ako sa kanya.  “Iniiwasan mo ‘ko.” Now, that's a statement, sounded so sure.  “Bakit?”  Pinilit kong palamigin ang titig sa kanya saka iniwas din agad ang mga mata. Natatakot akong mabasa niya ang katotohanan, ang nararamdaman ko. Dahil alam ko, kapag umamin ako tulad ni Yana, wala akong mapapala. Ayokong marinig na nire-reject ako ng taong matagal ko ng gusto. Kasi, mas masakit iyon.   Mas masakit kaysa sa tinitingnan mo siya sa malayo kasama ng iba.  “Hindi kita iniiwasan. Wala namang dahilan para gawin ko ‛yon. Wala lang akong oras dahil. . . priority ko ang pag-aaral.” Ngayon, may pagkakataon na akong tingnan siya nang diretso sa mga mata.  “Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi? Na kailangan, pag-aaral muna ang atupagin bago ang kung anong pansariling kagustuhan? Dahil sabi mo. . . nakadepende roon ang magiging kinabukasan ng isang tao."  Yes, I got that advice from him. Kaya nga mas lalo ko siyang nagustuhan. Lalo pang lumalim. Matiyaga siya at may prinsipyo. I was proud of him dahil akala ko, nagsisipag siyang mag-aral para sa pangarap niya. Iyon pala, may inspirasyon siya.  Ang masaklap, hindi ako iyon. Hindi ako ang inspirasyon niya habang siya ang dahilan kaya lumalaban pa ako at pilit inaabot din ang pangarap.  “You're lying.”  Iwinaksi ko ang brasong mahigpit niyang hinawakan.  “I'm not! Paano mo nasabing nagsisinungaling ako? Wala ng iba pang dahilan, Kuya Allen. . .”  “Kilala kita, Trixie. Magkababata tayo kaya bakit ko iisiping nagsasabi ka nang totoo? Sabihin mo, ano pang ibang dahilan, huh?”  Really? He know me? Eh, bakit manhid pa rin siya? Hindi niya napapansin iyong mga effort ko. O talagang wala lang sa kanya ang mga ginagawa ko kasi hindi niya ako type? Hindi niya ako magugustuhan kahit kailan.  May kumatok sa pintuan kaya nakahinga ako nang malalim at inayos ang sariling kama. Si Kuya Allen naman ay tinungo ang pinto at sinalubong doon ang pumasok na si mommy.  “Oh, Allen? Gising na ba si Trixie?” tanong ni mommy. Ngunit nang nakita niyang nakatayo na ako ay lumapit siya sa akin. She kissed my cheek. “Good morning, sweetie. Breakfast is ready. C'mon!”  Parehas naming binalingan si Kuya Allen na nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib. Mula sa suot niyang puting long sleeves ay nakatupi iyon hanggang siko at kita ang mga muscles niyang lalong nadepina. Naka-jeans lang siya na hapit na hapit sa kanya. Habang ako. . .  Ibinaba ko ang tingin sa sarili. Bwisit! Naka-lingerie pa rin pala ako?  “Let's eat. Sumabay ka na sa amin, Allen,” said mom.  “Mauna na ho kayo. M-Magbibihis lang ako,” sagot kong naiilang.  “What?” Nagtaka si mommy at iginala ang tingin sa buong katawan ko. “Ano ba, Trixie! Nakakahiya. May lalaki pa rito tapos ganyan pa ang suot mo? Lagi kitang pinapaalalahanan na mag-pajama, ‘di ba?”  Napairap ako.  “Bakit ba kasi siya nasa kwarto ko? Tss.”  “Manners, Beatrix Isabella," my mom warned in an authoritative voice. “Mas matanda ‘yan sa ‘yo.”  Rinig ko naman ang pilit na tawa ni Kuya Allen. Huminga ako nang malalim habang ikinukuyom ang mga kamao. Tuwing napapahiya ako, lagi siyang tumatawa! But still, I can't hate him for that. Napailing ako. Grabe naman itong nararamdaman ko! Gusto ko na itong tapusin!  “Sorry, mom. Magbibihis na ho ako.”  Dumiretso ako sa walk in closet at naghanap ng iilang komportableng damit sa umaga. Hindi ko na sila inintindi kung umalis na ba o hindi. Bahala na.  Sa loob ng walk in closet ko ay naka-display ang iba't ibang koleksyon ko ng mga sapatos, mamahaling damit at ibang beauty products. May isa pang tokador dito sa loob at minsan ay dito ako nag-aayos. Peach ang theme ng buo kong kwarto.  Pakiramdam ko kasi, ang peach ay malamig sa mata tulad ng nude lipstick na mas tipo ko.  Sa huli ay pinili ko ang sleeveless floral dress. Sa bahay lang naman ako at ayos lang siguro na ganito ang damit sa loob. Not so revealing, I guess?  Paglabas ng kwarto ay wala ng ibang tao kung hindi si Manang Loleng na isa sa mga maid at nakatokang maglinis ng kwarto ko. Nginitian ko siya at binati ng  “Good morning” bago tuluyang lumabas at bumaba sa main staircase.  Malayo pa lang ay dinig ko na ang tawanan ng mga magulang ko kasama si Kuya Allen. Ito talaga si dad, botong-boto sa kanya, eh, wala namang kami! At hindi rin ako type ng manok niya. Tss .  “Good morning,” I greeted all of them and went to dad's side, kissing him on the right cheek.  “Good morning, hija. Nandito na naman ang Kuya Allen mo. . .” Sa paraan ng titig niya ay tila nanunukso kaya napairap ako nang palihim.  Hindi nga ako type niyan, dad! Iba ang gusto niyan. Iba ang mahal niyan.  Imbis na mag-isip pa ng negatibo ay dire-diretso akong naghain para sa akin. Dinamihan ko na. From fried rice, bacon, hotdog and fried egg.  “Hindi ka yata diet ngayon?” ngising tanong ni Kuya Allen kaya binalingan ko siya ng tingin.  Tumaas ang magkabilang kilay ko. “Gusto ko na lang tumaba! Tutal naman, walang silbi ang pagpapa-sexy ko,” anas ko at mahinang bumulong.  “Para kapag tumaba na ‘ko, dadaganan ko na lang ‛yong babae mo nang mawala sa landas--"  “What?” putol niya.  Mula sa kanya ay ginala ko ang tingin sa kanilang lahat. Naabot ng mga mata ko ang chandeliers mula sa ceiling ng kusina at mamahaling muwebles na naka-display. Mukha na akong baliw dito.  Hindi ko na siya kinausap at umiling na lang.  Matapos ang umagang iyon ay umalis na rin siya. Nahirapan pa kaming pauwiin siya kahit na magkatabi lang kami ng bahay dahil ang gusto niya, ako ang maghatid! Syempre, para mapanatag ang loob niya, ginawako na. Kumaway-kaway pa nga siya na parang nang-aasar sa isang nakababatang kapatid. na babae.  Panira talaga ng araw.  Panira nga ba talaga, Trixie? O baka nabuo ang araw mo dahil sa wakas ay nagkita kayo at ikaw pa ang pinuntahan?  Err.  Saka lang ako nakahinga nang maluwang nang mawala siya sa paningin ko. Pagsapit ng gabi ay ipinatawag ako ni dad sa library. Papasok na sana ako sa kwarto para magpahinga pagtapos mag-dinner e.  Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang puntahan siya. Modern style ang buong bahay. Ngunit hindi tulad ng sa kwarto ko na  peach ang theme. Sa buong bahay ay dark and cream lang na may naka-display na mamahaling furnitures.  Nang makarating sa kwartong katabi ng sa magulang ko ay kumatok muna ako. Ito na library.  “Dad?” Saka binuksan ang pintuan.  “Pinatawag niyo raw ho ako?”  Mula sa sarili niyang table na may mga papeles na nakalapat dito sa loob ng library, tumayo siya mula sa swivel chair at iminuwestra ang upuan sa tapat.  “Have a seat, hija.”  Sinara ko ang pintuan at agad na ginawa ang gusto niya. Naglakad ako patungo sa sofa na katapat ng table niya. Pinagsalikop ko ang mga kamay pagkatapos.  “Yes, dad?”  He patted my head.  “Anak, siguro naman aware ka na sa ‛yo namin ipamamana ng mommy mo ang ari-arian at negosyong pinaghirapan namin. And for that thing to happen, kailangang Business Ad ang kuhanin mong course. Do you have your chosen course already?"  Umiling ako.  “Wala pa naman ho. And, okay. If that's what you want, dad--”  “Hindi naman kita pinipilit na piliin ang course na ‛yon kung iba ang gusto mo. It's up to you, anak. I just want you to be happy for your decision.”  “Wala pa naman ho akong napipili dahil grade 10 pa lang ho ako. Maybe, makatulong po ang suggestion ni’yo sa pagpili ko ng track sa senior high school years ko. And I think ABM will be fine.”  “Okay, it's your choice. You may now go.”  Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi. Nang palabas na ako sa kwarto ay tinawag niya ang pangalan ko.  “And Trixie, hija?”  Muli akong lumingon. “Yep?”  “Just like what I'm always telling you, strengthen your heart. Your Kuya Allen can do both things. Having a relationship while studying. Pero anak, ikaw ang unica hija namin. And I don't want you to see hurting just because of someone you don't deserve. Please, use your brain this time, okay? Maybe I'm spoiling your feelings because it's your decision I’m supporting. And. . . I’m always here to be your shoulder."  Nginitian ko siya saglit at tumango.  “Thank you, dad. You're always the best. I love you.”  “I love you too, princess.” Then we bid goodbyes and goodnights to each other.  Tumungo ako sa sariling kwarto nang mabilisan. Dad is right. Brain before your heart this time. Pero ang hirap kasi lalo na kung  pangalan ni Kuya Allen ang nakasalalay sa puso ko. At ang matindi pa rito, nakabaon na rin siya sa utak ko.  Kabisadong-kabisado ko na ang lahat sa kanya. And I hope I can control this feeling before it ruins myself and the others. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD