Chapter 47 : Sekani Squad Pagkatapos maghapunan nila Sekani ay naisip niyang pag-trip-an ulit sina Daing at Dilis. Sinabi ni Sekani kay George na bumili ng alak at iinom sila ngayong gabi. Sinunod naman siya nito. Sumama pa nga ang dalawa kay George na bumili sa labas. Gusto raw kasi nilang makita kung ano ang itsura ng tindahan na tinutukoy nila. “Ano na naman ba ang binabalak mo sa mga iyon?” tanong ni Wasuna habang naghahanda na ng mga baso si Sekani. “Pampatulog lang. Hindi ko naman sila lalasingin ng todo. Buong-buhay kasi ng mga ito ay wala silang ibang ginawa sa Chimera Town kung ‘di ang manilibihan doon. Gusto ko naman iparanas sa kaniya ang maging malaya at masaya. Hindi ba’t maganda ang naisip ko?” “Maganda nga pero parang may halong panti-trip,” sagot ni Wasuna kaya napat

