Chapter 68 : Ang paghahanda ni Luela sa pagbabalik ng totoo niyang katawan Malaking paghahanda ang ginagawa ng mga taga Killen Town sapagkat mamayang gabi na magaganap ang pagpula ng buwan. Halu-halo na ang mga kataw sa paligid ng Killen Town. Naroon ang mga nahuling kataw sa Chimera Town at ang mga taga Killen Town. Nagsama na ang mga mabubuti at ang masasama. Lahat ay takot at sumusunod na lang sa pinag-uutos ni Luela. “Anong balita? Maayos na ba ang lahat? Wala bang problema?” tanong niya sa mga alagad niya. “Nagluluto na po ang mga alipin,” sagot ni Dominic na nakatoka sa kusina. “Nag-aayos na rin po ang alipin ng mga lamesa at upuan,” sagot naman ni Sarjento na nakatoka sa pag-aayos ng paligid. “Ang mga asawa ko, Zarina? Nasa kani-kanilang kuwarto pa ba ito?” “Opo, Panginoong

