Chapter 67 : Ang pagluluksa ng pamilya ni Sekani Habang naglalaba si Gustava ay hindi siya mapakali. Kabado siya kahit wala naman dapat pinoproblema. Nabitawan niya tuloy ang hawak niyang sabon at saka siya pumasok sa kusina para uminom ng tubig. “Binibining Gustava?” tawag sa kaniya ni Tulya na hindi rin maipinta ang mukha. “Ikaw rin ba?” tanong ni Gustava. “Opo. Pakiramdam ko ay may kung anong masamang nangyayari sa Chimera Town,” sabi Tulya. “Akala namin ay kami lang. Kanina pa kami hindi mapakali,” sabay namang sabi ni Daing at Dilis. Pumunta tuloy sa likod na mansyon si Gustava. Tumuloy ito sa maliit na batis na mayroon doon. “Ano pong gagawin niyo?” tanong ni Tulya sa kaniya. “Kailangan nating silipin kung ano ang nangyayari sa Chimera Town,” sagot niya. Hinawakan niya ang t

