Chapter 61 : Ang pagpaparusa kay Reyna Avilako Nanlalaki ang mata ng mga taga Chimera Town nang makita nila na bihag ni Prinsipe Sekani ang reyna ng mga taga Killen Town. Taas-noong kinulong ni Prinsipe Sekani sa kulungan na gawa sa apoy si Reyna Avilako. Sabay-sabay na pumalakpak ang mga kataw sa ginawa niya. Hudyat ito na wala nang mangugulo sa kanila dahil hawak na ito ni Sekani. Agad na kumalat sa buong Chimera Town ang pagkahuli kay Reyna Adelinda kaya dumami ang mga kataw sa tapat ng palasyo nila Sekani. “Ginulat mo ako, apo,” sabi ng lola niya nang lapitan siya nito. Titig na titig si Reyna Adelinda sa nakakulong sa apoy na si Reyna Avilako. “Lola, kinuha po kasi ng anak niyang si Avilar sina Wasuna at Dominic. Bilang kapalit sa ginawa nito ay binihag ko rin si Reyna Avilako.

