Chapter 54 : Ang pagkikita ng prinsesa at ng prinsipe Nagulat si Sekani dahil umagang-umaga ay hiniling ni Dominic na dumalo siya sa isang sikretong pagpupulong na gaganapin sa dulo ng Chimera Town. Pag-ahon niya sa tubig ay nakita niyang kakaahon lang din ni Wasuna kasama ni Zarina. “Inaya rin ba kayo ni Dominic?” tanong niya sa mga ito kaya sabay na tumango ang dalawa. “Opo, Prinsipe Sekani,” sagot ni Zarina. “S-sumabay ka na sa amin,” aya ni Wasuna na hindi makatingin ng diretsyo sa kaniya. Tila nahihiya pa ito dahil sa nangyari sa kanila kahapon. “Sige, mauna na kayo at narito lang ako sa likod,”sagot niya kaya tumalikod na ang dalawa. Hinayaang niyang mauna ang mga ito. Habang naglalakad sila ay hindi maalis ang tingin niya kay Wasuna. Napapangiti siya dahil alam niyang mahal d

