Chapter 53 : Sino ang traydor? Palalim na ang gabi kaya naghanda na si Reyna Avilako. Mag-isa lang siyang umalis sa Killen Town dahil sa tingin niya ay kayang-kaya na niyang gawin ang plano niya. Wala na kasi itong tiwala sa mga tauhan niya dahil puro palpal at mga tanga lang ang mga ito. Dahil sa nangyari kagabi sa teritoryo niya ay hindi siya papayag na hindi magulo ang Chimera Town. Hindi muna siya gumamit ng portal dahil alam niyang malaking kabawasan sa lakas niya kapag gumagamit siya niyon. “Lalala…lalala…lalala!” pakanta-kanta pa ito dahil plano niyang tindihan ang pagganti sa Chimera Town. Ini-inagine nitong mabuti ang gagawin niya. Nakikita niya sa isip niya na maraming kataw sa Chimera town ay iiyak at masusugatan mamaya. Ilang minuto ang dumaan ay nakarating na rin siya sa C

