Brother

2079 Words
"Bibili sana ako ng coffee, pero iba ang naabutan ko." Kibit balikat niyang sagot tapos ay uminom ng mainit na kape. Nag letter 'o' ang bibig ko sa kanyang sinabi, nakita at narinig niya lahat iyon?! Umiling ako sa dissapointment at tinignan ang hawak niyang kape. "Enjoy your coffee then, sana ay na enjoy mo ang palabas." Sarcastic kong sabi at naglakad na palayo. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya akong nakikita sa alanganing sitwasyon. Para niya akong pinaglalaruan. "Wait up!" Hinabol niya ako at hinawakan ang aking braso para pigilan. Matalim kong tinignan ang kamay niya sa braso ko, nag-angat ako ng tingin sa kanya at agad naman niyang binitawan iyon at nag kamot ng batok. "I'm sorry, I didn't mean to eavesdrop, I should have leave earlier, but.. I was stunned so.." he said sincerely. Huminga ako ng malalim at tuluyang bumaling sa kanya. "Anong ginagawa mo dito Nate?" Tanong ko. "Like I said, I was craving for coffee then-" "No.." putol ko sa kanya habang umiiling "Bakit ka nandito at naglalakad kasama ako? Wala ka bang gagawin na mas importante pa dito?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay at ngumuso, tinignan ang coffee na hawak niya. "Well.. mas masarap pa lang magkape ng may kasabay? Habang.. naglalakad at may kausap?" Lito niyang sagot. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sagot. Pumikit ako ng mariin at ng buksan ko iyon ay pagod ko siyang tinignan. "Look Nate, I just turned someone down, someone important to me, at hindi ako nandito para i-entertain ka at ma-enjoy ang coffee mo."  Mariin kong sabi. Natigil siya sa aking sinabi at naging seryoso. Magsasalita na sana siya pero hindi pa ako tapos sa mga sasabihin ko. "Alam kong sikat ka at normal lang sa katulad mo ang mag turn down ng tao araw-araw, pero sa simpleng tao na katulad ko. Mahirap iyon." Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "Whoah! wait there, people like me?" "Oo, katulad mong importanteng tao." Agad kong sagot. "Well I guess that's the price I have to pay for being famous huh?" Tango niya at inilagay ang dila sa gilid ng kanyang labi. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan iyon. Matagal ang katahimikan sa gitna naming dalawa, at sa parang may narinig pa akong kuliglig sa paligid ng magsalita siya ulit "Being judged unfairly everyday is hard too Tasha. We're also human, our hearts are not made out of stone." Paliwanag niya ng natatawa. Wala akong maisagot doon, hindi ko maikakailang tama siya. Masyado ko ata siyang nahusgahan. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. "Sana ito na ang huli na pagkaka-aliwan mo ako." Sabi ko. "Hey, I'm sorry alright.. About the concert, and now. I am not making fun of you okay?" Malambing niyang sabi. Napapikit siya at nagmura ng mahina. Atleast alam niya kung saan ang mga mali niya sa akin hindi ba? Huminga ako ng malalim para kumalma, tumango ako ng mahimasmasan. Mukha rin namang totoo siya sa mga binitawan niyang salita. "Pasensya rin, nadala lang ako ng emosyon ko." Nahihiya kong sabi habang nakatingin sa baba. Dinig ko ang buntong hininga niya. Inangat ko ang tingin ko at naabutan ko ang kanyang titig. Ngumiti siya sa akin, tipid naman akong ngumiti at naglakad na, sumunod din siya. Sabay naming ininom ang aming mga kape habang naglalakad sa gabi. Tanging ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag at may mga puno sa paligid. Malapit na sa sakayan ng muli mag salita si Nate. "Can I ask you something?" Basag niya sa katahimikan. "Tungkol saan?" Tanong ko ng di siya nililingon. "About what happened in parking, sinabi mong privileged fan ka lang." Hindi pa siya natatapos ay napangiwi na ako. "It's okay, I will not ask-" "Okay lang, ituloy mo." Putol ko ng makitang natataranta siya sa pag ngiwi ko. "The way Jacob look at you, I think you are more than that." Maingat niyang sabi na para akong bomba na iniingatan niyang sumabog. Huminto kaming dalawa ng nasa waiting shed na kami ng sakayan. Hinarap ko siya at inilabas ko ang tagong kuwintas na may sing-sing sa loob ng t-shirt ko at ipinakita sa kanya. Bumaba ang tingin niya doon at kita ko kung paano dahan dahang malaglag ang panga niya, saka mabilis na inangat ang mga mata sa akin ng gulat. "Ako ang nagbigay ng kotrobersyal na sing-sing kay Jacob." Hindi pa nakakabawi si Nate at gulat lang na tulala sa akin, hanggang dumating na ang hinihintay kong bus. "Ayan na ang bus na sasakyan ko. Aalis na ako." Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na. Dumating ang araw ng exclusive party na sinasabi ni Jane. Sabado at bukas pa sana ang off ko sa Chapters, mabuti at pumayag makipag palit ng off si Tam sa akin. Bukas sunday, ako ang naman ang duty. "I will put light make up lang, kasi pink ang dress mo. Do you want me to do your hair or lugay lang?" Tanong ni Jane habang busy'ng binubuksan ang make-up kit. "Lugay ko na lang, ako na ang mag-aayos." Sagot ko habang naka-upo sa maliit kong dresser na puti. Hindi ito katulad ng dresser ni Jane na engrande at may mga ilaw pa sa paligid ng salamin. Tumango lang si Jane at sinimulan na ang pag pahid ng primer sa mukha ko. Sinimulan ko na rin ayusin ang buhok ko. Sabay kaming napatingin sa cellphone ko ng may mag text doon. Kinuha ko at tinignan kung kanino galing ang mensahe. Jacob: Are you still going to that party you're talking about? Kumalabog ang puso ko, nag-angat ako ng tingin kay Jane, na walang pakialam kahit mahuli ko siyang binabasa iyon. Walang emosyon niyang nilipat ang tingin sa mukha ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Mapanuya ko siyang tinignan. "What?" Painosente niyang tanong Natatawa ko siyang inirapan at nagtipa na ng isasagot. Ako: Yes, nagaayos na ako. Naalala ko na tinanong niya noon ang araw na ito kung may gagawin ako, ng sinabi kong aalis para sa party ay hindi na niya sinabi ang dahilan. Ngayon huling minuto ay sinisigurado niyang tuloy ako. Mula ng nagpunta siya ng condo ay nadadalas na ang mga mensahe niya, minsan naguugulat parin ako kahit ganoon. Hindi parin malinaw kung ano ang mayron sa amin. Pero tulad ng sabi ko ay hindi na ako aasa ng higit pa sa kaibigan. Ibinaba ko sa dresser ang phone ko at inayos ulit ang buhok. "Are you guys still at it?" Taas kilay na tanong ni tanong Jane. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi namin napag-uusapan ni Jacob iyon, wala din akong lakas ng loob linawin kung ano ang mayron sa amin. "You don't deserve a confusing love Tash. Kaya ayusin mo yan." Sabi niya tapos ay tumalikod para may kuning kung ano sa make-up kit. I know Jane.. i know Seven thirty daw dapat ay nakaalis na kami, kaya sinuot ko na ang pink wrap dress v-line na pinahiram sa akin ni Jane. Dahil v-line ang suot ko, kitang kita ngayon ang sing-sing sa dibdib ko. Aalisin ko na lang iyon sa kwintas at isusuot na lang muna sa aking daliri para hindi masyadong pansinin. Kakalasin ko na sana ang lock ng kwintas ng kumatok si Jane sa pintuan. "Tash! Let's go!" Aniya. "Lalabas na." Sagot ko, mamaya ko na lang aalisin sa sasakyan. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at kitang kinukuha na ni Jane ang susi ng kanyang kotse at kanyang purse sa coffee table. Kinuha ko din ang purse ko at susi ng condo at lumabas na kami papuntang parking. "Anong party ba yung pupuntahan natin?" Kuryuso kong tanong habang pumapasok ako sa kanyang sasakyan. Agad kong isinuot ang seatbelt. "Birthday party." Sagot ni Jane habang binubuhay ang makina. "Birthday nino?" Tanong ko at nilingon siya. Bumaling sa akin si Jane. "Ni Whayne." Iyon lang at umandar na ang sasakyan. Laglag ang panga ko at hindi agad nakabawi sa sinabi niya. Kung birthday iyon ni Whayne, malamang nandoon lahat ang The Chase! Hindi ako makapaniwalang nilingon ang madaya kong kaibigan. Alam niya. Alam niyang hindi ako sasama kung sinabi niya ito ng maaga. Kaya sinasabi niya lang ngayon ay dahil nasa sasakyan na ako! Natatawa na lang si Jane sa mga pag-irap irap ko sa kanya. "Mahilo ka diyan." Halakhak niya. Siya naman ngayon ang good mood at ako ang hindi. Kanina lang ay seryoso siya nung piagsasabihan niya ako kay Jacob. Umiiling na lang akong tumingin sa daan sa gilid ng bintana. Dumating kami sa isang malaking mansion, sa isang exclusive na village, ng makita si Jane ay agad inalis ang harang at binuksan ang malaking double door para sa amin. "Good evening Miss Jane." Bati ng malaking katawan na security na nakasuot na all black. Jane si wearing black sequins tube dress with high slit and red lipstick. Hindi ko maiwasang mangiti ng maalalang pinunasan niya noon ang labi ni Whayne na may naiwang red lipstick ng babaeng kasama sa kotse. Bumungad sa amin ang grand staircase at ang napakalaking crystal chandelier sa gitna, may tamang dilim lang ang mansion, kalat ang mga bisita sa mga sulok, habang may mga unipormadong waiters na may hawak na  tray ng mga alak, ang isa naman ay pagkain. dinig mula dito ang malakas na tunog na galing kung saan. May bumating dalawang babae kay Jane, pinakilala naman niya ako sa kanila, kita ko ang pagtataka nila kung sino ako at bakit ako narito, yung isang babae na laman ng commercials at billboards ay hindi naiwasang tignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi pansin ni Jane iyon dahil may hinahanap agad. "Let's go!" Nagpaalam si Jane sa mga babae, at hinila ako papasok pa lalo ng mansion, may nakasalubong kaming waiter na may dalang margarita, kumuha si Jane ng dalawa doon at ibinigay sa akin ang isa. Tinikman ko iyon at nalasahan ko kaagad ang tamis alat at pait pero masarap na lasa. Hinila ako ni Jane palabas ng patio kung nasaan ang maingay na sounds, sa gilid ay may isang malaking swimming pool na may ibat ibang ilaw, nasa kabilang gilid naman ang mga pagkain na magarbong nakaayos sa lamesa. Mas maramong bisita dito. Kita kong halos maubos na ni Jane ang margarita, naalala kong magddrive pa ito pauwi. "Hindi na ako iinom, ako na ang mag drive pauwi." "Drink! Papasundo na lang tayo sa driver." Sagot ni Jane at kinindatan pa ako. Talagang gusto malasing ha? Umiling ako at naalala kung gaano kasakit ang ulo namin sa hangover. Kahit ganoon pala, uulit at uulit ka paring uminom. "Jane you came!" Sabay kaming napalingon sa lalaking palapit sa amin. Napasinghap ako ng makita siya ng ganito kalapit. Ang cross na hikaw na nasa kaliwang tenga niya ay gumagalaw kada lingon. "Ofcourse pupunta ako! Bakit naman hindi?" Masayang sagot ni Jane Binaling ni James ang tingin sa akin at agad akong pinakilala ng kaibigan ko sa kanya. "This is my friend Tasha, Tash this is James." Mabilisang pakilala niya sa aming dalawa, siguro dahil alam naman niyang kilala ko ito. "Where's the birthday boy hmm?" Tanong ni Jane kay James. "I have no idea, we're still not complete." Umiiling na sagot ni James sa kaibigan kong parang giraffe na kakalingon. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa, matagal ko na gustong itanong ito eh. Bakit parang malapit si Jane sa The Chase? Dahil kay Whayne ba? Paano nga ulit sila nagkakilala ni Whayne? Itatanong ko na lang sa kanya mamaya kapag hindi na siya busy kakahanap sa hinahanap niya. Napansin ni James ang tingin ko at bumaling siya sa akin. Nakangiting niyang inilahad ang kamay para mag shake hands kami, agad ko naman iyong inabot. "I'm Tasha Ricio, nice meeting you." Pag-ulit ko sakaling hindi niya naintidihan yung pakilala ni Jane sa amin. Natigil si James sa pag hand shake at inangat ang tingin sa akin. "Ricio?" Ulit niyang tanong. Nakakunot ang noo. "Oo Ricio." Sagot ko habang nakangiti Taka siyang sumulyap sa gilid na parang may inaalala, tapos ay natigil at agad ibinalik sa akin ang tingin ng gulantang. Hindi ko alam kung ngingiti ako sa kanya o ano. Marahan niyang tinanggal ang kamay niya sa kamay ko at tumayo ng maayos, tapos ay mataman akong tinignan. "There's my brother! Let's go, I'll introduce you. Excuse us James" Singit ni Jane sa amin at hinila na ako papunta sa tinawag niyang kuya. Ni hindi na kami nilingon ni James at kita ko ang likuran niyang parang naestatwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD