Prologue
I am the Jacob Rye Lucre, the greatest vocalist of The chase. That's what they say.. I am now in front of this University kung nasaan ang babaeng matagal ko ng gustong parusahan.
Isa.. dalawa.. tatlo.. bawat hakbang niya ay siyang pag andar ko ng sasakyan. Yes, I've been following her for weeks now, mula ng malaman ko ang tungkol sa kanya I have decided to go with my plan, hindi siya mahirap hanapin at sa tingin ko, magiging madali ang lahat ng ito.
"Tasha Elizabeth Ricio. Your father sponsored her in the university, he's also providing her allowances, a car and.. also the condo where she lives right now."
Umigting ang aking panga, pinili kong maging kalmado habang nakikinig pero sa ilalim ng lamesa ay nakakuyom na ang dalawa kong mga kamay. Every information leads me to hate my father more! Paano niya nagawa 'to? My parents always fight and I got used to it, to the point that it is not a normal day kung hindi sila magaaway. Ganoon kalala.
Habang tumatagal ay alam kong unti-unting nasisira ang aming pamilya. We have a lot of money pero hindi nito kayang buuin ang pamilya namin. I guess it’s true that money can’t buy us happiness huh.
"But you told me dad started seeing this Noemi Garland, right after mom died?" Tumango si Jules bilang sagot sa aking tanong. She is my father’s secretary.
"She is Noemi Garland's niece."Dagdag niya.
Naguguluhan ang utak ko, Jules also told me that this Noemi Garland is living in a small town with her husband at wala siyang anak.
"Then why would she give Tasha such privileges kung pwede naman si Noemi ang makinabang?"
Pagod siyang nagkibit balikat "I don't know Jacob, your father's gonna kill me for this"
Alam kong naiipit ko na siya between her loyalty with my father and her relationship with me as a friend. At hindi madali para sakanya na ibigay sa akin ang mga impormasyon na iyon. There's still a lot of questions in my head. Hindi kayang sagutin ni Jules, ni dad. At lalong hindi kaya sagutin ito ng mistress niya!
That's why I'm here, Tatlong taon mula ng mamatay si mommy, at nakita ko ang hirap niya, nag-sasama sila sa iisang bahay, but the truth is, our family is dysfunctional because of my father’s number of women. I'll never forget how devastated my mom was. And I hate my father for that!
I respected my dad, I like the way he raised me, pero ng mag-simula ang problema at madalas ang away nila ni mom ay unti-unting lumayo ang loob ko sakanya. Tuluyan ng nauwi sa galit when my mom died. Nag-uusap parin kami, pero I am very distant. he’s the constant reminder of my mom’s pain.
“I want you to understand everything son. I wish I could tell you everything” Nanghihina niyang sabi in the middle of our huge fight.
“Trust me dad, I understand all of these more than you do! Sinira mo ang pamilya natin right in front of my face! Wala kang pakialam kung masaktan si mom o ako!” Umiling ako bago tapusin ang usapan namin. “ You are so damn selfish!”
Ito ang rason kung bakit ako nasa music industry at hindi kailan man inaral ang business na walang siyang ibang pag-iiwanan kung hindi ako lang, music is my only escape from all of these at the same time my revenge to him. Ang isipin niyang walang mag-mamana ng lahat ng pinaghirapan niyang malaking negosyo will frustrate him. Na sa huli ay walang makikinabang nito.
Pero yun ang inaakala ko, may ibang nakikinabang ng pera niya, may ibang Nagpapasarap. Akala ko noon malala na ang paiba-iba niyang babae, mas nakaka-alarma pala kapag sa tingin ko ay seryoso na siya sa isa.
Now that my mom's gone, natigil ang balita sa mga babae ni dad, but there's always this one woman na palagi niyang kinikita. Noemi huh! Maiisip ko na sana na ito na ang seryosong relasyon ni dad among them, but then this girl.. Tasha, siya ang dahilan kung bakit magulo parin sa akin ito.
All I know is, ulila na siya at ang Noemi nalang na iyon ang kanyang pamilya. Patuloy ang imbestigasyon ko kay Noemi, habang ako ang bahala sa babaeng Tumatamasa sa pera ni dad. Nag-hire ako ng magaling na tao para imbestigahan ang lahat ng kanilang kilos.
“She’s taking Communication Arts and top of her class. Maraming lumiligaw, pero focus siya sa pag-aaral. Every thursday ay pumupunta siya sa condo unit na yan, at hindi pa malinaw kung ano ang mayron sa schedule na ito, I have someone investigating the man she’s seeing in that unit, may mga iba pang akong inaalam na impormasyon at asahan mo na malalaman natin iyon sa lalong madaling panahon.”
Seryoso akong nakatingin sa mga pictures na ibinigay niya sa akin, mula sa pag pasok niya sa building ng condo unit, suot parin niya ang puting uniform galing sa klase, yakap ang makakapal niyang libro, hanggang sa pag-pasok niya sa condo unit at papasukin siya ng isang lalaki.
Seems like she’s like her Aunt, walang pinag-kaiba. I am positive na isa si Noemi sa sumira sa pamilya ko, so might as well hurt her through her niece. Mukha namang ito na ang itinuturing niyang anak. Maybe after this, after Tasha Ricio fall in love with me, leave her in pain, and see her bleed. Maybe we can call it quits.
People who caused me and my mother a lot of pain doesn't deserve to be happy. I want them to know the consequences of what they've done. I want them to feel my wrath. I've been planning this after my mother's death. I'm sorry mom, I am not a saint para palagpasin ito. I will be the biggest karma they will ever face!
“ It’s not a good idea man! Lahat ng iyan, it will only drag you down!.” Payo sa akin ni James: one of my band members, ng minsang aksidente niyang marinig ang usapan namin ng private investigator.
“I am already in the deepest part of hell.” I drink my whiskey, then put the glass on the table. “I need company.” Sigurado kong sagot sa lahat ng sinabi niya. I am determined.
“Up to you man.. I hope your not digging your own grave.” Iling niya at ininom narin ang whiskey sa kanyang kopita.
Yeah.. It’s all up to me now.
Habang patawid siya ng pedestrian lane ay siyang pag tapak ko ng gas, binilisan ko ang andar, tuloy-tuloy. Deretso ang tingin sakanya. Nakita ko kung paano tumakbo at tumabi ang iilang patawid din sa tawiran. Tinapakan ko ang break ng malapit na malapit na ito sa kanya.
Nahulog ang mga dala niyang libro sa lupa. Gulantang, naka-awang ang kanyang bibig at nakatingin sa mga libro niyang nagkalat. Mahigpit akong nakahawak sa manibela. Hindi niya kita ang matatalim kong titig dahil tinted ang aking sasakyan, But when her gaze directed at me, kitang kita ko ang takot.
You really have to be scared now, because I'll ruin you big time.
That angelic face can deceive anyone, that scared face will make all men want to protect her. Mariin akong pumikit at huminga ng malamim, to ease all my thoughts. Binuksan ko ang mga mata ng may mas matalim na titig sa kanya.
Game on!
Binuksan ko ang pintuan, at bumaba. Dahan-dahan akong lumapit sakanya. Sinundan ng gulat niyang mata ang paglapit ko. Even the crowd were shock and not moving, as if waiting for the next scene. Lumapit ako ng lumapit hanggang ilang pulgada nalang ang distansya namin dalawa.
Her skin is Rosy in pink, natural na mapula ang kanyang labi, hinihipan ng hangin ang maitim at makintab niyang buhok, I hate to say this, pero mas maganda siya sa malapitan. Tamad akong kumurap sa naisip. I don't have time for this s**t.
Mula sa akin ay bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Why? What is it huh? Are you practicing your reaction kapag nalaman mo na niloko lang kita? Save it for later. Dahil gusto kong marami pang matira niyan sayo sa mga susunod na buwan.. O taon.
She's looking at my necklace, na parang ngayon lang siya nakakita ng pendant na singsing. Kaya ipinaloob ko ito sa aking damit. Because I want all her attention. Sa akin lang.
At nangyari nga iyon, tumaas ang mata niya papunta sa akin. I smile at her devilishly. Yumuko ako, pinulot ko ang mga librong nagkalat sa kanyang paa. Pinanood niya ako habang ginagawa iyon.
This will be the start Tasha Elizabeth Ricio. After this you will be devastated, just like how my mom was.
"I.. am sorry." Buong sinseredad kong sabi habang ibinibigay sakanya ang mga libro. I should be awarded as best actor sa galing kong magpanggap. Pakurap-kurap at nataranta niyang kinuha iyon mula sa akin at niyakap ang makakapal at mabigat niyang libro. Muli siyang tumingin sa aking dibdib. Can't look at me straight now huh?. I smirked. I want that Tasha. I want all your attention from now on.
“Sa-salamat.” Malambing na boses ang kumawala sa unang salitang binitawan niya sakin. She looks so fragile and vulnerable. Parang sobrang daling gawin ang lahat ng plano ko sa kanya.
"Si Jacob ba yan?!" That caught my attention. Hindi ko napansin na marami ng nakatingin. At nakikilala na ako ng mga estudyante ng school na ito. This is not good!
“Aaahh! si Jacob nga!” Hysterical na sigaw ng isa pang babaeng estudyante na kaparehas din ng uniform ni Tasha.
"Oh my god! Jacob! Picturan mo kami!" Mabilis na dumami ang mga estudyante sa harapan ko. Nakita ko kung paano mabilis umalis si Tasha sa dagat ng tao. Hanggang sa hindi ko na siya nakita. Nagmamadali akong pumasok sa kotse at ni-lock iyon, gustuhin ko man umalis at paandarin ang kotse ay huli na! Hindi na ako makaalis dahil sa mga taong nakaharang paikot sa sasakyan.
“Jacob kahit isang picture lang please!” Pagmama-kaawa ng isang babaeng may hawak na cellphone habang kinakatok ang bintana ko.
“Ako Jacob isa hug lang! Mabilis lang 'to wag ka matakot!” Kalampag naman ng isang babae na galing kung saan at hindi naman naka uniform. She’s creepy.
Ang ibang sasakyan ay bumubusina na sa likuran, gumagawa na ng traffic ang nakaharang kong sasakyan, na hindi makaandar dahil sa mga pumipigil dito. Naghintay ako ng ilang sandali hoping na mapapatigil ng mga guard ng school ang gulo, pero habang tumatagal mas lalo lang dumarami ang nakikigulo.
Shit! Walang pag-asa kong kinuha ang cellphone ko at may tinawagan. Hinampas ko ang aking manibela at binato sa passenger’s seat ang cellphone matapos ang tawag. Hindi ko ito naisip! My fame will be the biggest hindrance in this plan. I need to lure her somewhere na hindi ako makikita or else ay palaging magiging ganito ang mangyayari.
Ilang sandali lang ay dumating na ang itim na van, unang bumaba ang mga unipormadong bodyguards na agad marahang hinawi ang mga tao para bigyang daan si Sanya, kalamado at poker face lang ang kanyang reaction, she’s the handler of The Chase since day one at, sanay na sa ganitong mga bagay. She’s wearing black heels in a beige suit and pants and just a plain black shirt inside,with a scarf.
She smoothly take off the scarf off her neck and put it on my head para matakpan, inilabas ako ng kotse at inilipat sa van, Mabilis akong naupo sa isang captain chair kasunod ay si Sanya.
“Let’s go Jeff, sa mustang na ang mga body guards.” Maawtoridad na utos niya sa driver, habang ini-slide niya pasarado ang pintuan ng van. Bumuga ako na hangin in relief ng makitang umaandar na kami palayo sa lugar.
"And you..” baling niya sa akin. “Are you out of your mind?" Mariing tanong niya ng makaupo ng maayos. Tamad akong sumandal sa upuan, bumuga ng hangin at tumingin sa bintana habang paandar na ang van palayo sa school na pinagkakaguluhan parin.
“I just check on something.”
"Sa U-belt really? Seventy percent of your fans are students! Talagang dudumugin ka dito, especially when there are no body guards around. Now you are telling me you just check on something?” Hindi makapaniwala niyang tanong.
I got nothing to say, lahat ng sinasabi niya ay tama.
“This is the first time you are pain in the ass, pero pinaka delikado ito so far.” Mariin niyang sabi habang naka-halukipkip. “If James do something stupid right now, I’m gonna kill him.” Bulong bulong niya at sumandal ng maayos sa upuan.
Isinandal ko ang aking ulo sa headrest at pumikit.
"Anong ginawa mo doon?" Umiling ako at nagpasyang wag sagutin ang tanong ni James. "It's all over the news. Bakit ka napadpad doon?" Sa itsura ng mukha niya alam kong hindi niya ako palalagpasin ng hindi ko siya sinasagot.
Nasa condo ako ngayon, just when I thought I can take a rest pero nandito ang isang ito para basagin ang katahimikan ko. Well wala namang maitatago dahil kumalat na ang balita.
"Just.. Nothing. Leave me alone James." Humalakhak siya sa aking sinabi. "Nothing? I know you man, hindi ka magsasayang ng oras." humalikipkip pa ito at umiiling habang mapanuyang sinasabi sa akin iyon
"Ibig ba sabihin goodbye Maureen na?" Napalingon ako sa binanggit niyang pangalan.
"Tanggap mo na, na si Nate talaga?" Natatawa padin niyang tanong. Umigting ang aking panga sa kanyang sinabi. f**k this guy! Dahan dahan kong inilapag sa bar ang baso at matalim siyang tiningnan.
"Wag mo siyang isama dito." Kumalas ang kanyang mga braso at tumayo ng tuwid.
"Easy man. I'm just asking. Ito ang unang may issue ka tungkol sa babae." Kibit balikat niyang sabi ng makita ang iritasyon sa aking mukha.
"That's the niece of Noemi Garland."Natigil si James, napawi ang kanyang ngisi at napaawang ang bibig sa aking sinabi.
"Wait? Garland?.." Kumunot ang kanyang noo na parang kay hirap alalahanin ng apelyidong iyon. Ilang sandali pa ay naliwanagan siya. "Oh no.. No you dont." Sabihin mo sa aking hindi.." Umiiling siya sa gitna ng pagsasalita.
Umalis ako sa bar ng kitchen at pumunta ng living room. "Yes James. I am still up for revenge." Sinundan niya ako. Kinuha ko ang remote at binuksan ang T.V.
"Walang kasalanan ang pamangkin Jacob. And revenge? Paano?"
Pinanood ko ang news about sa nangyari, at iba't ibang balita ang kumalat. Na sino ang babaeng pinuntahan ko doon. Good thing at hindi nasama ang mukha ni Tasha dito. Because I have a bigger plan for her.
Hinarap ko siya at tinitigan. Nagsimula muli siyang umiling na parang basa na niya ang nasa isip ko.
"You are obsessing about this revenge thing, ingat ka lang dahil baka bumalik lahat yan sayo.
I smirked and nod my head. Walang babalik sakin dahil sisiguraduhin kong wala ng matitira pa sa babaeng iyon.
"Don't tell me I didn't warn you" Tumayo na siya and ready to leave.” Anyway, Sanya bombarded me text messages, telling me not to do anything stupid. Bakit bigla ako nadadamay?” Natatawa niyang tanong as if hindi niya alam na siya ang pinakasakit ng ulo.
Kinuha niya ang scarf ni Sanya sa bar at winagay-way sa akin.
“Ako na magsoli, baka miss lang ako.” He said cockily. I watched him leaving my unit habang umiiling.
Nagpatuloy ang pagsunod ko sakanya. I take note of her schedules. Nalaman ko na lagi siyang may pinupuntahang condo after class. Sa condo unit na iyon ay isang lalaki ang may -ari. At hindi ko na alam kung ano pa ang nangyayari sa loob ng kwarto na iyon.
Maybe making out? Is that her boyfriend? Nagaaral ba ito ng mabuti? Mukhang sayang lang ang pera na nilulustay ng ama ko sakanya dahil sa kalandian niyang yan. But I don't care. Sisiguraduhin kong hindi magiging hadlang ang lalaking iyon sa akin.
"Masyado kang busy ha. Palagi kang late." Panunuya sa akin ni Nate. Humalakhak si Whayne, pero seryoso lamang nakikinig si James. Hindi ko na lang pinansin, kinuha ko na ang gitara at nagsimula na kami sa rehearsal. Nagiging abala ako sa pag sunod sa babaeng iyon. But I'll make more time. Para sa mga kailangan kong gawin sa kanya.
"This question is long overdue, but We will never get tired of asking you Jacob. Are you ready to answer who is the owner of that ring? sasagutin mo na ba ang katanungan namin Jacob?" Alam kong sa bawat interview ay hindi mawawala ang tanong na ito. Everytime..
Nagsigawan ang mga babae sa studio. Lahat sila ay naghihintay sa akin ng sagot. Paano ko sasagutin kung ako mismo hindi ko alam kung nasaan na ang nagbigay sa akin nito three years ago and... can't even remember her face.
All I know is that.. I am thankful to her that day.
Nagkaroon kami ng dalawang linggong bakasyon. Matagal na namin itong hinintay. Masyadong naging busy ang schedule ng The Chase dahil sa concert abroad. At paguwi ng pilipinas ay konting interviews about the concert at pahinga na.
And I really waited for this. She is my first schedule on my list.
That day I saw her drinking coffee somewhere near her condo. Nagbabasa siya ng isang libro. Nakasuot siya ng puting dress. Ni hindi niya alintana ang mga lalaking dumadaan na nakatingin sa kanya.
I admit, she's beautiful i will not be suprise if a lot of men are pursuing her. I am also pursuing her for other reason and i'll make sure I'll be the reason why she don't want to take chances on love again.
Alam kong nakakalinlang ang kanyang itsura, pero I'm glad na alam ko ang gawain nila ng kanyang tiyahin. This hatred will
never fade. Ang galit ko kay dad. Ang galit ko sa mga nagawa niyang kamalian kay mom. There's no way other than this. To make even.
Hindi ako papayag na hanggang dito lang ito. Na hanggang galit lang ako. I need to do something hindi pwedeng ako lang ang nasasaktan dito! Someone has to suffer too. Iyong mga taong naging dahilan kung bakit naging ganito ang pamilya ko.
I will never forget how my mother suffered. I will always feel her pain. I know this is not good for me. Anger will do me nothing but evil. My mom did nothing but good to my dad, pero san siya dinala ng kabutihan niya? They abused her kindness. And I don't have any plan to go that way. I know already what' s waiting for me on that path. And that path will only kill me in any form of pain.
No. Never! It will never happen again. It's time to turn the tables, it is my turn now! Sila naman ngayon ang masaktan at magdusa.
You wait for me Tasha Elizabeth Ricio. This road is gonna be hard for you this time.