I will never forget how painful this day was. 'Dead on arrival' yan ang hatol ng doktor.
“Hindi, hindi totoo!” Walang tigil ako ng umiiling in denial. Then my hands felt numb. Ni hindi ko maramdaman ang mga sarili kong paa, naninikip ang aking dibdib, the feeling of having an heart attack is the only reason I am sure that I am still alive.
Sa tabi ko ay si Auntie Noemi, niyakap niya ako sa gitna ng pag-iyak habang siya ay nanatiling matatag sa aking harapan. Pero alam kong pinipigilan niya ang mag breakdown, ayaw ipakitang bumibigay na siya, dahil siya lang ang tangi kong sandalan ngayon. Siya ang nag-iisang kapatid ni mama. my papa was the only child. My grandparents on both sides are already dead too. Siya nalang ang natitira kong pamilya. Both of my parents are dead. I'm only seventeen years old.
“Shh.. Nandito ako sa tabi mo, hindi kita pababayaan.” Auntie Noemi assured me with her words habang hinihimas ang likuran ko. Halos hindi mag sink in sa akin ang mga nangyayari, at niloloko ko ang sarili ko na paguwi ko sa bahay ay naroroon sila at sasalubungin ako ng mga tanong ni mama ng 'kamusta ang school?' 'Kumain ka na?' At aasarin ako ni papa ng 'bakit medyo late ka? may nobyo ka na ba?' Nanghihina akong tumalikod kasabay nito ay ang paghikbi na hindi ko na mapipigilan pa. Tinakpan ng dalawang palad ang aking bibig, para hindi lumabas ang nagbabadyang malakas na iyak. I need to get out of here! Hindi ko matanggap. Bakit kailangang mangyari sa kanila ito?!
Magulo ang utak ko, parang kahapon lang ay masaya kaming kumain ng breakfast, nagtatawanan sa hapag kainan. Hindi ko alam yun na pala ang huling agahan namin.
Papunta sila sa ng tagaytay ng umaga ng mangyari ang aksindente, ang sabi ay nawalan ng preno ang ang kanilang kotse, tumama sa barrier, malakas ang impact kaya total wreck ang aming sasakyan.
Ngayon tumatagos sa aking pagktao ang mga salitang 'love your parents while they are still alive' kahit alam kong hindi ako nag kulang na ipakita sa kanila ang love and respect that they deserve.
Tumakbo ako palayo “ Tasha!” Pigil ni Auntie Noemi na hindi ko pinansin, Hinanap ko ang fire exit. Hindi ko ginamit ang elevator dahil sa tingin ko ay lalo akong mauubusan ng hangin sa katawan. Halos hindi na ako makahinga sa pagpipigil ng hikbi sa aking pag iyak.Habang bumababa ng hagdan ay kinuha ko sa bulsa ng aking jacket ang ibinigay sa akin ng nurse kanina. My parents wedding ring. Simpleng round gold plain lamang ito. Napansin ko ang naka engrave sa loob nito. 'My strength' lalong nanghina ang tuhod ko at tuluyan ng inilabas ang hagulgol na kanina ko pa pinipigilan. Naupo ako sa hagdan. Inilagay ko sa aking dibdib ang aking kamao kung saan nakapaloob ang dalawang singsing.
Ngayon ay tahimik na lamang akong nakaupo, isinandal ko sa gilid ng hagdan ang aking ulo, naubos ko ang lahat ng lakas ko sa pag iyak at sa tingin ko ay maraming araw pa akong magiging ganito. Siguro ay hindi lang araw. Maaring buwan, o taon. Hindi ko alam. This is my first and biggest heart break.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng isa pang pintuan sa itaas na palapag kung nasaan ako ngayon. Kasabay nun ay ang pagtunog ng isang telepono.
"Maureen." Malamig na boses na sagot ng lalaki. Ni hindi niya alam na nandito ako sa ibabang palapag niya lamang
"Yeah. She's.. She's gone. Mom's gone." Mula sa malamig na boses ay naging garagal ito. Narinig ko din ang lalim ng kanyang paghinga halatang pinipigilang maiyak at tuluyang bumigay.
"Hey, can't really talk right now. I'll call you when I can. Thanks Maureen. " Yun lang at ilang sandali pa ay narinig ko na ang mga pigil na hikbi sa itaas. Hindi ko mapigilang pumikit, maluhang muli at napagtantong parehas kami ng pinagdaraanan.
Napadilat na lamang ako ng marinig ang isang malakas na kalabog, wala sa sarili akong tumayo, nakiramdam at nagiisip kung ano ang gagawin.
Ng tanging hingal at mahihinang hikbi na lamang ang aking narinig ay dahan-dahan akong umakyat papunta sakanya, ni hindi ko nagawang punasan muna ang mga sariling luha.
Pagakyat ko ay nakita ko siya sa unang hakbang ng hagdan paakyat ng floor na iyon, nakaupo siya at nakasubsob sa kanyang braso, unang tumambad sa akin ay ang nagdudugo niyang kanang kamao. Ito ang dahilan ng kalabog kanina, sinuntok niya ang pader!
Taas baba ang kanyang balikat sa paghikbi habang nakayuko, hindi alintana ang aking presensya sa kanyang harapan. Isang hakbang pa at nakita niya ang aking mga paang lumapit sakanya.
Ang kanyang hikbi ay naging malalalim na paghinga na lamang, dahil sa muling pagpigil nito. Agad niya akong tiningala ng malamang hindi siya nagiisa. Puno ng luhang nagbabadyang pumatak ang kanyang mga mata.
Inilabas ko ang puting panyo sa aking bulsa at iniabot ito sa kanya, bumaba ang tingin niya doon sabay ng kusang paglaglag ng luha sa kanyang mga pisngi.
I know your pain, I know exactly how it feels.. The least I can do is this, so let me.
Ang kabilang kamay ko na walang hawak ay aabutin sana ang duguan niyang kamao, pero nabitin sa ere ng may pagaalinlangan niya itong tignan, tapos ay itinaas ang tingin sa akin. Ilang sandali pa kaming nagtitigan, ng tuluyan ko ng abutin iyon, ramdam ko ang bahagya niyang pagkagulat, binalewala ko iyon at lumuhod para magpantay kami at binalutan na ng panyo kong dala upang mapigil ito sa pagdurugo.
Nagpaubaya siya at habang itinatali ko sa kanyang kamay ang panyo ko, tears fall down again on my face realizing that, today.. we both lost someone we love, someone who's there when we are weak. Someone who taught us to be strong.
Tahimik niyang pinanood ang pagtakip ko sa kanyang sugat habang tanging paghikbi ko ang naririnig, Ibinuhol ko ang dulo ng panyo na nagtapos sa kanyang palad, ng makitang maayos na iyon ay tumayo na ako. Mula sa kanyang palad ay sabay na umangat ang tingin niya sa aking pagtayo, habang ako ay nakatingin parin sa kanyang mga kamay.
Mabagal akong umalis pababa at lumabas sa pintuan ng fire exit. Bumuga ako ng malakas na hangin. Para akong nakahinga ng maayos ng makalabas ako doon, tila ba nag-aagawan kami ng lakas sa isa't isa dahil sa bigat ng nararamdaman naming dalawa.
Naging mabilis ang panahon pero walang araw na hindi ko sila naaalala. Their death was the darkest time of mylife. Naging abala ako sa pagaaral madalas akong tawagan para kamustahin ni Auntie Noemi, pero madalang niya akong puntahan dito sa Maynila. Naalala ko noon nung mag prisinta akong uuwi sa Punta Fuego.
"Auntie bakasyon ngayon at wala akong masyadong gagawin, uuwi ak-"
"Hindi na Tasha, hintatyin mo na lang ako diyan at ako ang dadalaw sayo" Agap niya sa naisip kong plano.Madalas ganito ang kanyang sinasabi. Ayaw niya akong umuuwi ng Punta fuego simula ng ihatid niya ako dito sa Maynila para mag aral.
Hindi na ako bata at alam ko na may itinatago siya, ang marangyang buhay na tinatamasa ko ngayon dito sa maynila ay isang malaking kuwestiyon parin sa akin pero iisa lang ang palagi niyang sagot.
"Basta mag-aral kang mabuti Tasha. Wala ng maraming pang tanong." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pera sa pagaaral ko.
Ayokong magisip na may masamang ginagawa si Auntie pero I trust her. Siya nalang ang pamilya ko at alam kong hindi niya ako hahayaang mapahamak. Pero siya ba ay hindi? I don’t know, she don’t wanna answer all of my questions.
Tulad ng sinabi niya ay nag-aral akong mabuti ng walang tanong. Mahal ang aking tuition sa University sa Maynila kung kaya pinagbubuti ko, ang mga pinapadalang pera sa account ko na ibinigay sakin ni Auntie ay halos hindi ko ginagalaw. Kumikita ako sa pag tutor sa mga classmate ko na may mga hindi maintindihan na subjects.
"Thank you Tasha! Hay nako, hindi ko talaga kasi maintindihan to giiiirl!” Mapilantik niyang hinawakan ang noo sabay ng kanyang reklamo. “ Mas magulo pa to sa utak ng Jowa ko e, promise!” Natawa ako sa maarte niyang rants. Si Marco ay isa sa classmates ko na nagpapa- tutor sakin. He’s gay but not out of the closet, moreno, matangkad at maganda ang kanyang katawan, kaya maraming babae parin ang may gusto sa kanya, at diring diri siya doon.
Andito kami sa condo niya ngayon kung saan lagi ang venue ng tutoring namin. Every thursday ang schedule at malapit lamang ito sa aming school. Malaki din ang bayad niya sakin at ng iba pa kaya nakakaipon ako.
"Walang ano man babalik na ako sa paaralan."
“Okay go!” Nakangiti siyang tumango mapilantik na kinuha ang susi ng pintuan at inihatid na ako haggang sa lobby kahit na hindi naman na kailangan.
“Ingat Tasha.” Matigas na boses niyang paalam, ibang iba sa pagiging malambot niya kanina Dahil nasa labas na kami at maraming taong pwedeng makakita. Kinagat ko ang aking labi, pinipigilang matawa. Pinanlakihan niya ako ng mata.
“Salamat, see you next thursday.” Paalam ko, na lingunin ko ay wala na siya sa lobby, marahil sumakay na yun ng elevator.
Masaya akong tumawid ng pedestrian papuntang entrance ng school ng may sobrang bilis na pulang sasakyan. Nag slow motion sa akin ang lahat, napako ang paa ko sa aking kinatatayuan hindi ako makatakbo sa bigla. Mariin akong pumikit at nabitawan ang mga libro. Dinig na dinig ang ingay ng gulong sa biglaang pag preno.
Taas baba ang dibdib ko sa takot. Nanginginig ang aking katawan sa trauma. Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at nakita ang papalapit na mga paa na may suot na itim na boots. Sa gitna ng panghihina ng aking katawan ay nagawa ko pa ding itaas ang tingin ko para lamang mas lalong magulat.
Jacob Rye Lucre is here! Wearing all black pants, shirt and cargo high neck jacket. Biglang bumagal ang lahat. Hindi ako makapaniwala, he appear just like a dream in this place! Ano ang ginagawa niya dito? Ang mga magaganda niyang mga mata ay nakatingin sa akin ng matalim na titig, or is it just my imagination? Kinilabutan ako at hindi alam ang mararamdaman, ito ang pangalawang pagkakataon nakita ko siya ng personal at nakatapak sa pantay na lupa, madalas ay palagi akong nakatingala sakanya habang nasa stage siya at kumakanta.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib, napa-singhap ako, There it is! my mother's ring! Isinara ko ang bibig at lumunok, I need to calm myself. Pinanood ko siya habang pinupulot ang mga libro kong nag-kalat. Tuliro at hindi ako makagalaw, ang mga estudyante ay kuryosong nakatingin sa kanya, ang kulay pula niyang Mustang ay talagang kapansin-pansin, habang siya ay kinikilala pa ng mga tao.
“I.. Am sorry.” Unang salita na sinabi niya para sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, may kakaibang enerhiya ang kanyang presensya na ibinibigay sa akin, hindi ko maipaliwanag, it's like.. he's a thunder I would pick over anyone's sunshine.
Ipinilig ko ang aking ulo para pigilan ang iniisip, ng makabawi ay agad kong kinuha ang mga libro at niyakap, kinagat ko ang aking mga labi, hindi ako makatingin ng derectho sakanya, kahit pigilan ko ay bumabagsak parin ang mga mata ko sa sing-sing na ginawa niyang kwintas.
“Sa- salamat.” Sabi ko
Katahimikan.. Wala akong narinig na kahit anong sagot, kaya naman mula sa baba'y dahan-dahan kong inangat ang tingin sa kanya para lang salubungin ang matalim niyang tingin, marahan siyang umiwas sa aming titigan at nang ibalik niya sa akin ang mga mata'y wala na ang animo'y galit na nakita ko kanina.
“Si Jacob ba yan?!” At nangyari na nga ang inaasahan, nakilala na siya ng mga estudyante at iba pang dumaraan! “Aaahh si Jacob nga!” Halos mapatid ang litid ng isang babae na pamilyar sa akin, nagkagulo na at hindi mo malaman kung saan bigla nanggaling ang ganoong kadaming taong, masakit akong nabangga ng mga nagkakagulong babae para lang makalapit sa kanya, mabilis akong umalis habang yakap ng mahigpit ang aking mga libro, hindi naging madali yun dahil parang stampede na dito.
Ng makalabas ako ay nilingon ko ang pinaggalingan, pinalibutan na ang kanyang sasakyan ng mga tao at hindi ko na siya makita.
Walang hindi nakakakilala sa Jacob Rye Lucre ng Pilipinas. The ever famous vocalist of The Chase. Sila ang pinakasikat na banda ngayon. Isang karangalan na marinig ang malamig at maganda niyang boses habang umaawit, bukod pa sa katotohanan na ang kagwapuhang taglay niya ay nakapanlulumo, dahil alam mong habang buhay mo lang siyang pangangarapin. He's like a dream that will never come true. He's for someone who is equal to him.
Hindi ko maitatanggi na sa kanilang apat, nangingibabaw siya sa akin, siguro ay nagiging bias ako, but even without meeting him first in that very hospital, and having that ring on his chest.. Siya parin ang magugustuhan ko sa grupong ito.
Hindi ko maiwasang balikan ang alaala noong malaman ko na siya ang nakapulot ng nawala kong singsing ni mama.
Dalawang taon na ang nakakaraan ng hatakin ako ni Jane sa isang bar somewhere in bgc. Samahan ko daw siyang manood ng gig ng The Chase, hindi pa sila ganoon kasikat nito, pero umiingay na ang kanilang pangalan. Hindi ko sila kilala at all, ni wala akong idea na may banda palang ganito.
But when Jacob went on that stage, wearing the ring on his chest with the same ring as my mother's, they got my attention.
Lost and insecure
You found me, you found me
Lying on the floor
Surrounded, surrounded
Why'd you have to wait?
Where were you? Where were you?
Just a little late
He's singing his heart out habang nakapaloob sa kanyang kamao ang singsing na ginawang pendant. Every word of that song brings me back to the place where I once saw a weak and helpless man one year ago.
Hindi malinaw sa aking alaala ang kanyang mukha dahil sa mga luha kong pinalabo ang aking mga mata ng panahong iyon.
It can't be him right? Kaparehas lang ito ng singsing ni mama. Pagkumbinsi ko sa aking sarili dahil ayokong mabigo at masaktan. Matagal kong hinanap ang singsing noon, at nawalan ng pagasa ng hindi na ito nakita ng tuluyan sa ospital.
"That ring must be his mother's, who died last year." Narinig kong bulong ng isang babae na katabi naming lamesa.
Napalingon ako doon. Namatay last year? kaparehas na taon kung kailan namatay ang aking mga magulang, at ina ng lalaking...
Umawang ang aking labi ng may mapagtanto, mabilis kong nilingon ang lalaki na ngayon ay pababa na ng stage.
"Tsss.. These girls think they know everything." Mapanuyang sabi ni Jane sa tabi ko na medyo lasing na.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang sinusundan ang pagalis ng banda sa aming harapan.
"Jacob has been obsessing about finding this girl who owns that ring." Medyo madulas na ang dila ni Jane sa kalasingan.
"Babae? may-ari ng singsing? Paano?" Naguguluhan kong tanong habang sinusundan parin ang banda hanggang sa pintuan ng exit.
"It's just a random girl he met in the hospital where his mother died last year."
Doon na nakuha ni Jane ang buong kong atensyon. Laglag ang aking panga sa kanyang sinabi at agad nilingon muli ang exit, pero tanging ang pagsara na lamang ng pintuan ang nakita ko. Wala na sila, wala na siya..
I knew in that moment that I'll be watching this guy from this moment on.
And just like that, just like the sunset.. umusbong ang aking kagustuhan na makilala siya. Noon kapag inaalala ko ang aming tagpo sa ospital ay wala siyang mukha, ngayon ay nasinagan na ito ng araw at malinaw na sa aking alaala.