Chapter 1

2456 Words
"Miss Ricio got the highest point. Second is Miss Levisque!" Tumili si Jane sa aking gilid, agaw eksena iyon, kaya lahat ng classmates namin ay nakatingin sa kanya. Abot tainga siyang nakatawa at nag- peace sign sa ingay na ginawa. " Parang ikaw pa ang highest Jane ah!" Komento ng isang lalaki naming classmate, nagtawanan ang lahat. "Kung wala ka rin lang sa top 10 ay wag mo ako kausapin." Ganti ni Jane habang naka talk to the hand sign siya sa classmate namin na iyon. "Eeeeeeeyyyyy!" Sigaw naman ng isa kong classmate na lalaki din. Muling gumawa ng ingay ang sagot ni Jane. Ang iba ay kinalampag ang mga arm chair nila at nagtawanan. "That's enough! Listen now." Saway ni ma'am sa ingay. Umiling ako kay Jane na panay ang irap at ibinalik ang tingin sa harapan at nakinig ng huling litanya ni miss Zacarias bago ang bakasyon. Ng sa wakas ay ideklara na dismiss na ang klase ay naghiyawan na ang mga classmate ko at nagmamadaling lumabas ng room, isa na doon ang kaibigan ko na agad akong dinala sa Chapters Coffee shop na malapit lang sa aming paaralan. Kahit bakasyon ay maraming din naman ang tao sa Cafe na ito, kapag naman may pasok ay halos walang pwesto dahil puno ng estudyante na nagrereview pagkatapos ng klase. "May plano ka ba ngayong bakasyon Tasha?" Agad niyang tanong sa akin habang inilalapag ni Tam: Isa sa mga crew ng coffee shop, sa lamesa ang inorder naming dalawang kape at dalawang cake na magkaiba ang flavor para sa amin. "Tulad ng dati. Part time dito." Tipid kong sagot. Nabitin sa ere ang kinuha nyang straw para sana sa frappe niya dahil sa sagot ko. "What? again?" Padarag siyang inilagay ang straw sa kanyang kape at hinarap ako. "look.. It's not like you need this job, you are well provided." "Na hindi ko alam Jane kung saan nanggagaling." Napaawang ang kanyang bibig at mabilis ding itinikom at huminga ng malalim. "Don't you trust your Auntie Noemi?" Maingat niyang tanong. Just when I thought na tapos na siya ay ibinabato niya sa akin ang napakahirap na tanong na ito. Yumuko ako at pinaglaruan ng tinidor ang cake na para sa akin. Simula pa lang ng dinala ako ni Auntie dito sa Maynila iisa lang ang hiling niya sakin, na pagkatiwalaan ko siya at wag ng magtatanong pa. Basta mag-aral daw ako ng mabuti at makapagtapos. Parang ang dali lang pakinggan noon at gawin, pero habang dumadaan ang taon mas lalo lang dumadami ang tanong sa utak ko. Sana pagkatiwalaan din niya ako na maiintindihan ko na kung ano man ang dahilan niya. Tatlong taon na din ang lumipas, I am old enough to understand. Mula sa cake ay itinaas ko ang tingin ko sa kanya "Ikaw? Saan ka naman pupunta ngayong bakasyon?" Pagiba ko ng usapan. Her face expression shifted into excitement at tuluyang nakalimutan ang topic kanina. "I'll go to the beach this time." She nodded. Sigurado ang kanyang plano na parang walang makakapigil. "Na magisa ulit?" Dugtong ko. "Ano pa nga ba?" She rolled her eyes. Alam kong pagod na siya sa ganitong usapan. Aayain niya ako tapos hindi ako sasama. "Why? are you coming this time?" Subok padin niya sa akin. Umiling ako tulad ng dati. I took a sip on my hot coffee. Dito sa Chapters na ito ako palagi nagpa-part time kapag bakasyon dito naman ako kumukuha ng extra income para makabili ng mga gusto ko at ng mga ticket... bukod sa pag tutor ko kung saan ko kinukuha ang allowance pang araw-araw. Iba ang kalagayan ko kay Jane, mayaman siya at hindi siya katulad kong ni hindi alam kung sino ang nagpa-paaral. "Whoever he or she is, siguro naman gusto ka din niyang mag enjoy no! You aced all the exams! you deserve to atleast unwind." Ang dalawang palad niya ay nakatungo sa akin, just to prove a point. In the end, she feel defeated at tumigil narin sa pag aya sa akin. Hinahalo halo niya ang frappe gamit ang straw nito bago muling nagsalita "Anyway sa Punta Fuego ang punta ko." Kibit balikat niyang balita. Nabitawan ko ang tinidor na aking hawak. Lumikha ito ng ingay ng bumagsak ito sa coffee table. Kunot noo akong nilingon ni Jane at tinignan ang nahulog na tinidor. Mabilis niyang tinawag ang waiter at pinapalitan iyon. "Thank you." Sabi ni Jane sa waiter na nagasikaso sa amin. "I'm sorry Tam." Umiiling akong humingi ng paumanhin sa katulad ko na part timer din na si Tam "Ayos lang yon Tasha." Ngumiti ito at lumabas ang maganda nitong dimples. Malisyosong nagpalipat lipat ang tingin ni Jane sa aming dalawa. "Tawagin niyo lang ako kapag may kailangan kayo." Tumango ako, tumingin siya kay Jane at tumango bago umalis, pinanood ni Jane si Tam papunta ng counter at ngiting asong bumaling sa akin. "May gusto ang isang iyon sayo." Mapanuksong deklara ni Jane habang itinuturo si Tam. "Shh Jane, wag kang maingay." Pigil ko sa kanya, natatakot na marinig iyon ni Tam, ayokong bigyan siya ng mga ideyang hindi naman totoo. Hininaan nga niya ang boses pero marami siyang binubulong na hindi ko na maintindihan dahil muli kong naalala ang kanyang pupuntahan. Punta Fuego... "Well, totoo naman ang sinasabi ko, manhid ka lang." Natatawa niyang sabi "Hindi yan ang priority ko ngayon, gusto ko makatapos." Sagot ko at uminom ng kape. "Sabagay, minsan distraction lang yan sila. Pero mas maraming inspired ha! Tulad ko!" She winked at me. Nanliit ang mga mata ko sakanya, wala akong alam sa nangyayari sakanya lately. Masaya siyang sumubo ng cake at wala ng balak dugtungan ang sinabi. "Sino?" Kunot noon kong tanong sa kanya. Isang nakakalokong ngiti lang ang binigay niyang sagot, at kahit anong pilit ko ay hindi niya sinabi. Natatawa lang siya sa tanong kong nagtataka talaga kung sino. Nakalimutan ko sandali ang Punta Fuego sa pabitin niyang deklara. Gusto kong sumama.. I want to visit my parents grave. Isang beses lang.. I will break Auntie Noemi's rule, kahit ngayon lang. "Good to know na magbabakasyon ka. It's fine kung next week ka pa magsisimulang mag part time." Sagot ni Yasmin ang may ari ng Chapters, ng minsang magpaalam ako ng leave. "Thank you Yas." I sighed in relief. Inayos ko sa aking di kalakihang back pack ang mga gamit na dadalahin ko. Kung mag swimming si Jane ay panonoorin ko na lamang siya. Isa lang naman ang pakay ko doon kaya mga damit pamalit lang ang dadalhin ko. Ng matapos kong maayos ang mga kailangan ay kinuha ko ang cellphone ko at nag text kay Jane. Ako: Sasama ako. Wala pang isang minuto ay tumutunog na agad ang telepono ko sa pagtawag niya. Bumuga ako ng hangin bago ito sinagot. "Hello?" "OMG! totoo ba?!" napangiwi ako at Inilayo ang distansiya ng cellphone sa tainga ko. Ang lakas ng boses niya! Halos mabingi ako. "If it's true, you have to bring your bikinis, your cover ups and sun block too! para kapag-" "Jane." Putol ko sa excitement niya "May iba akong pakay doon." Ayaw ko mang basagin ang kasiyahan niya ay kailangan kong maging tunay. "Oh. and what is that?" mababa na ang tono niya ngayon at dinig ang dissapointment. "Ang boring naman niyan Tasha kung-" "Dadalawin ko ang puntod nila Mama." Ang di maubusan ng sasabihing si Jane ay natahimik sa kabilang linya. "I-in Punta Fuego?" Tanong niya ng makabawi. "Oo, doon ako lumaki.." I never tell her about this. "Oh, okay..." Mahaba niyang sabi, halos makaraning ako ng panunumbat doon. "May iba ka pa bang pasabog? like you're a terrorist or something?" Dinig ang tampo sa boses niya. Huminga ako ng malalim "Jane.. please." Hirap akong mag bukas ng mga bagay sa sarili ko pero alam kong alam niyang unti-unti ay natututunan ko ng mag open up. "Alright, alright.. Susunduin kita diyan bukas ng umaga." "Salamat" Ibinaba ko ang linya at nagpasalamat na hindi na ako kinulit ng kaibigan. Kinabukasan ay dumating sa tamang oras si Jane, inilagay ko sa likuran ang kakaunti kong gamit na agad niyang nilingon, tinignan ako na parang may sasabihin pa siya pero nagtuloy na lang sa pagmamaneho ng maka upo na ako ng maayos. Malayo ang byahe pero hindi kita ang pagod kay Jane. Ganoon siya kasaya sa kanyang pupuntahan. Sa limang oras na pagmamaneho ay tatlong beses kami na huminto para mag toilet at bumili ng makakain. Malakas ang patugtog niya ng music kung kaya hindi kami aantukin. You know I want you It's not a secret I try to hide. Malakas na sinabayan ni Jane ang music na kanyang pinili sa kalagitnaan ng kanyang pagddrive, natatawa akong umiling at kinuha ang aking cellphone. You know you want me So don't keep saying our hands are tied. Sa kaalagitnaan ng kanyang pagkanta ay nakangiti niyang kinuha ang phone na kasalukuyan kong ginagamit at itinapon sa likuran ng sasakyan. Napairap ako sa kanyang ginawa. Alam ko ang gusto niyang mangyari. "Come on Tash sing!" Pahalakhak niyang sabi. You claim it's not in the cards and fate is pulling you miles away and out of reach from me but you're here in my heart so who can stop me if i decide That your my destiny. Tinuturo turo ako ni Jane habang kinakanta ang linyang iyon. Hinahamon ako na sumabay. Tuluyan na aking natawa at sumabay na rin sa kanta. What if we write the stars say you were made to be mine nothing could keep us apart you'd be the one I was meant to find. We sang our hearts out sa kalagitnaan ng pagdaan namin sa Mabalato bridge, senyales na malapit na kami sa Punta Fuego. "Good afternoon miss Levisque, this way please." Isang unipormadong babae ang sumalubong sa amin pagdating sa Panawa Cove Resort na kahit kailan ay hindi ko napuntahan noon dito. Ekslusibo ang lugar na ito at halatang uubos ng malaki sa pag stay kahit isang araw lang. Tinanaw ko ang dagat habang naglalakad kami papunta sa aming villa. Para akong hinihila sa ganda ng kulay asul na dagat at puting buhangin, ang buhok ko ay inililipad ng sariwang hangin. Mas lalo lang akong namangha ng pumasok na kami sa villa na, na-book ni Jane. Dalawa ang kama, parehas may nakapatong na puting towel na hugis swan. Sa gilid ay isang malaking sliding door kung saan kita ang magandang dagat ng Punta Fuego. Sa labas ay may dalawang sun lounger na puti at table sa gilid. Ang mahabang byahe kanina ay gusto kong ipahinga sa magandang lugar na ito. Pero may mas mahalaga akong kailangan gawin. "Gusto mo bang samahan kita?" Alok ni Jane sa gitna ng pagaayos namin ng mga gamit sa closet na mayron sa room. Agad akong umiling "Hindi na Jane, kabisado ko dito. Babalik ako agad." Ngumuti ako upang di siya magalala. Alangan siyang ngumiti at tumango. Ng matapos kami ay agad na akong nag-pasya na puntahan na ang sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko. Paglabas lang ay sinamahan ako ni Jane sa paghihintay ng tricycle na pwedeng sakyan. Malapit lamang dito kung saan nakalibing sina Mama at Papa. Ng makakuha ng sasakyan ay kumaway si Jane sa akin. "Ingat ka!" paalala ni Jane sa akin. Tumango lang ako at tumingin na sa daan. Ng marating ang puntod nila ay agad akong umupo at kinuha ang dalawang kandila at posporo na dala ko sa aking back pack. Ng masindihan at matirik ko iyon ay bigla na lang bumuhos ang aking mga luha. I miss you ma, pa.. Ilang taon na ang lumipas pero parehas parin ang sakit na nararamdaman ko. Sana ay nandito parin po kayo. Para sana hindi ganito kagulo.. Yumuko ako at inilabas ang singsing ni papa na natatakpan ng aking damit, ginawa ko din itong pendant sa aking kwintas tulad ng ginawa ni Jacob. Humikbi ako, patuloy ang pagpatak ng aking mga luha. Ng makabawi ay maingat kong inalis ang mga iilang tuyong damo sa paligid ng kanilang puntod. Hindi naman ito napabayaan tulad ng laging sinasabi ni Auntie. Natigil ako ng may narinig na mga tuyong damong mukhang natapakan, agad akong lumingon at wala namang nakitang tao. Dumidilim na at kailangan ko ng umalis. Tulad ng aking plano ay dumaan ako sa bahay nila Auntie, sisilip lang at hindi magpapakita. Alam kong hindi siya matutuwa kung makikita niya ako dito. Pagbaba ko ng tricycle ay dinungaw ko ang isang bintana ng kanilang bahay kung saan hindi ako makikita, mula sa kusina ay kita ko si Auntie na nagaayos ng hapag kainan. Malungkot ang kanyang mukha at sa tingin ko ay malaki ang nawala sa kanyang timbang. Mula kung saan ay dumating si Uncle Samuel. "Itapon mo yan! hindi ko kakainin yan! dalhin mo na lang yan sa kabit mo!" Nanlaki ang mata ko sa inasal ni Uncle, mukha itong lasing at wala sa huwisyo. Pagod siyang nilingon ni Auntie. "Samuel.. ano ba-" Bago pa matapos ang kanyang sasabihin ay agad siyang hinawakan ng mahigpit ni Uncle sa braso. "Oh bakit? hindi ba tama ako?! Sino ang palagi mong kausap, at saan ka kumukuha ng pera para doon sa pamangkin mo?" Halos mag echo sa bahay ang boses niya. "Nasasaktan ako Samuel." Naiiyak si Auntie. Inilagay ko sa aking bibig ang aking palad. Pinigilang gumawa ng ingay sa aking pag iyak. Nalilitong binitawan ni Uncle ang kanyang braso at ginulo ang buhok. Naiiyak itong tumitig sa kanya. "Pati ang anak natin nawala dahil kakaisip mo sa Tasha na yan!" Itinumba niya ang isang kahoy na upuan bago ito tumalikod at umalis sa harapan ni Auntie. Naestatwa ako at pati ang aking paghikbi ay natigil. Anak. nawala. dahil sakin? Kita kong walang lakas na naupo si Auntie habang walang tigil ang mga luha nito, unti unti akong humakbang patalikod. Nasasaktan ako. Nagdalang tao si Auntie? kailan? At nawala? kailan?.. Umiiling ako at hindi makapaniwala. Natabig ko ang isang paso sa kung saan sa aking pag atras. Narinig iyon ni Auntie at akma ng sisilip kung nasaan ako kung kaya agad akong tumakbo palayo. Nagagalit ako sa aking sarili pero hindi ko maiwasang magalala kay auntie Noemi. Kinalimutan niya ang sarili niya sa pag protekta sa akin. Hindi ko alam na ganito na sila ni uncle habang ako ay matiwasay na nakatira sa isang magandang condo. Nasasaktan ako para sa kanya. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ang lahat ay ako na ang maghahanap ng kasagutan. Lumuluha akong pumapara ng tricycle ng huminto sa harapan ko ang isang pamilyar na pulang sasakyan. Bumukas ang bintana nito at bumungad ang mukha ng taong hindi ko inaasahang mapupunta dito. He looked at me intensely, at ako din sakanya. His brown eyes peirced through mine. At isang baritonong boses ang kanyang pinakawalan. "Get in."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD