"Get in." Malamig niyang utos.
Hingal na hingal ako galing sa pag takbo, habang puno ng luha ang mata ko. Tuliro akong umiling at tumanggi, gulat man sa bigla niyang pag-sulpot ay tumakbo ulit ako at hindi pinansin ang kanyang sinabi.
Ang tangi ko lang iniisip ngayon ay makalayo. I need to get out of here! Hindi ako pwedeng makita ni auntie dito!
Tumakbo ako ng mabilis palayo, tumakbo ako hangga't sa makakaya mo, pero ilang sandali lang ay dinig ko ang malakas na pag- preno ng sasakyan. Bago pa ako makalingon ay may humablot sa aking braso at idiniin ako sa gilid na pader, halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan sa lakas noon, basa padin ang pisngi dahil sa luha.
Sa isang madilim na bahagi ng daan na wala halos dumaraan na tao o sasakyan, mula sa malayong lamp post ay kita ko ang matatalim niyang matang nakatingin sa akin. Nakakulong ako sa dalawang braso niyang nakalapat sa pader. Parehas ang marahas naming paghinga.
Ilang sandali na ganoon ang posisyon namin ng marahas na nag vibrate ang aking cellphone na nasa likod na bulsa ng aking pantalon.
Naglakabay pababa ang kanyang mata at tumigil ito sa aking dibdib, nakita ko kung paano nagbago ang kanyang ekspresyon. Nanlaki ang kanyang mga mata, his jaw dropped. Tumingin siya pabalik sa akin.
"Fuck.." Halos hangin niyang sambit. Unti unti niyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa pader at tumalikod habang inihihilamos ang dalawang palad sa gwapo niyang mukha. Ilang hakbang ang kanyang ginawa palayo ang akala ko ay aalis na siya.
Inayos ko ang iilang hibla ng buhok ko na dumikit sa aking pisngi dahil sa luha. Inayos ang damit na nagulo at aalis na sana, pero muli siyang bumaling sa akin, mula sa aking mga mata ay ibinaba niya ang tingin sa aking mga paa bago ko pa masundan ang kanyang tinitignan ay binuhat niya ako!
Napatili ako sa gulat at bago pa ako maka protesta ay isinandal niya ako sa hood ng sasakyan pumunit siya ng kapirasong tela sa puti niyang damit lumuhod siya at ipinulupot ito sa aking paa
His face illuminated by the car's headlight. Unti unting bumagal ang mundo at huminto..
I am stunned. Seeing him wrapping that piece of his cloth around my feet. He is so beautiful.
Saka ko lamang napansin na nagdurugo pala ito. May sugat ako!
And I am nothing but a disaster.
Laglag ang aking panga sa kanyang ginawa, Tumayo siya at nag lebel ang aming mga mata. Pakurap-kurap kong itinikom ang aking bibig at napalunok.
Umiwas ako sa kanyang mata na hindi ko matagalan. Bakit nga ba siya ulit nandirito?Bakit palagi siyang nariyan sa di inaasahang pagkakataon?
Gulat kong sinundan ang kamay niyang pumunta sa aking dibdib. Nanlaki ang aking mata ng mapagtantong nakalabas ang naka-kuwintas kong singsing sa aking damit.
His hazel brown eyes now looking at mine, and I think it sparks, or just my imagination? I don't know.. Maybe I'm just dreaming.
"It's.. you" Bulong niya na halos hindi ko na marinig, para akong hinehele, para akong muling ibinabalik sa mga panahong buo pa ako.
Ngayon ay malinaw na sa akin ito kung bakit siya naririto. He's looking for that girl three years ago and found me.
I licked my lips and forgot the reasons why I didn't show up. I don't know what will happen next after this. Ang makita siya at marinig na kumakanta ay sapat na noon. Kaya parang panaginip parin na nandito siya sa harapan ko. Ngayong kilala na niya ako ay hindi ko na alam ang susunod pagtapos.
Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman ang paghanga ko sa kanya. Na para bang may tulay na nagdudugtong sa akin papunta sa kanya. Siguro dahil nasa kanya ang isang bagay na may mahalagang parte sa buhay ko.
"Why are you running and bleeding?" Nabasag ang aking iniisp sa tanong niya.
"Uh." Hindi ko masagot ang kanyang tanong.
"Ang auntie ko." Tipid kong sagot.
"Why are you running from her? Siya ba ang may gawa nito?"Matigas na boses niyang tanong, sabay turo sa sugat ko.
"Hindi!" Agad kong sagot at umiling. Mapanuri niya akong tinignan.
"Ayaw niya akong pumupunta sa punta fuego, kaya magagalit yun kung makikita niya ako dito." Dagdag ko sa mahinang boses
Nanliliit ang kanyang mata sa sagot ko. Yumuko ako para iwasan iyon.
"Even visiting your parents grave?" Gulat ko siyang nilingon. Kumunot ang aking noo. Paanong alam niya na dito nakalibing ang mga magulang ko?
Siya naman ang nag-iwas ng tingin at bumuntong hininga. "Sinundan kita sa cemetery." Lumunok siya bago muling magsalita."I'm sorry." Tinignan niya ako.
Talaga bang hinahanap nya ako? Kung ganoon nga ay naiintindihan ko na kung bakit siya narito ngayon, at bakit din siya napadpad sa school noon.
"Paano mo ako nahanap?" Mapangahas kong tanong, sa huli ay nakaramdam ako ng hiya.
Napaawang saglit ang kanyang bibig pero agad ding nakabawi.
"I have my ways." Simple niyang sagot.
Alam ko, he's famous and powerful, wala siyang hindi kayang gawin. Natagalan man ng tatlong taon, narito siya ngayon at nahanap ako. Pero gusto kong malaman kung paano.
"Sa paanong paraa-"
Hindi ko na natapos ang aking tanong ng biglang siyang lumapit akin. Nanlaki ang aking mga mata ng hinawakan niya ang aking batok at itinago ang aking mukha sa kanyang balikat.
Biglang may nagkislapan sa kung saan. Hindi ko man nakita ng maayos ay alam kong mga flash ito ng camera kasunod nun ay dinig ko ang sunod sunod na click nito.
Nanigas ako sa aming posisyon na halos yakapin na niya ako, ang matigas niyang braso at dibdib ay nakaka- panghina, ang bango ng kanyang katawan ay dahilan para malimutan kung nasaan ako ngayon.
Ngunit hindi rin nag-tagal ay mabilis niya akong ipinasok sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito habang mas dumami ang mga kislap sa paligid.
Malayo na ang tinakbo ng sasakyan ay shocked parin ako sa nangyari. Hindi niya alam kung saan ako dapat ibaba, pero nasa tama siyang daan.
Ng huli ko siyang nakita malapit sa school namin ay kumalat ito sa media agad. Tumingin ako sa likuran para siguraduhing wala ng nakasunod sa amin. Kung bababa ako dito ay walang makukuhang report ang mga paparazzi.
"Dito nalang ako baba." Mula sa daan ay kunot noo niya akong tinapunan ng tingin
"What?" Tanong niya.
"Kung baba ako, hindi mo na kailangan tumakas sa kanila, kung wala kang kasama ay wala silang mapapala." Paliwanag ko.
"No, ibaba kita sa Panawa." Matigas niyang sagot.
Nalaglag ang aking panga ng malamang pati ang resort kung saan ako nag-stay ngayon ay alam niya. Talagang sinundan niya ako.
Nagpatuloy siya sa pag drive at wala na akong nasabi pa. Sa gilid ay makikita ang malalaking puno papunta sa resort, mabagal narin ang takbo namin dahil wala ng sumusunod.
Tahimik ang kanyang sasakyan at hindi nakabukas ang stereo. Tanging ang paghinga lang namin ang naririnig.
Saka ako nakaramdam ang hiya sa nangyaring pag-yakap niya sa akin. Tinapunan ko ng tingin ang braso niya at agad iniwas ng mapansin niya iyon.
May init na dumaan sa aking leeg papunta sa aking mukha, hindi parin makapaniwala na si Jacob ang naghatid sa akin sa Resort, hindi ko alam kung paano siya after nito, anim na oras ang layo ng Punta Fuego sa Maynila.
Binuksan ko ang pinto ng villa gamit ang key card at naabutan si Jane na inaayos ang gamit sa kama. Naka suot siya na black one piece na malalim ang likuran, at pinatungan niya ito ng denim short. Nakahanda na mag night swimming.
"Hi!" Nakangiting salubong niya sakin ng pumasok ako, na agad ding nawala ng mapansin niya ang paika kong lakad.
"Oh..my.. ano nangyari sayo?" Nag-aalala siyang lumapit habang nakatingin sa paa ko na nakabalot ng piraso ng damit.
Na-upo ako sa aking kama, at tinignan yun ni Jane "Malalim ba? May pilay? What happened?"
Magka-kasunod niyang tanong.
"Sugat lang. May nabasag akong paso kila auntie, nahiwa doon." Ngumiwi si Jane at pumunta sa telepono at may tinawagan.
"Hello, I need first aid kit.. no, everything's okay, I just need the kit. Thank you!"
Muli niya akong pinuntahan pagkatapos ng tawag at sinipat ang nakabalot sa sugat.
"Kaninong damit galing ito?" Kuryosong tanong niya habang tinatanggal iyon paikot sa paa ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang tungkol kay Jacob.
"Hindi nga malalim ang sugat." Patuloy niya ng makita iyon ng tuluyan. Mukhang nakalimutan na rin niya ang unang tanong, kaya hindi ko na rin sinagot
Dumating na rin agad ang first aid kit at kinuha ko iyon kay Jane.
"Kaya ko na ito. Mag swimming ka na doon." Mabilis siyang umiling at naupo naman sa kanyang kama kaharap ko at nakatingin sa sugat.
"I'm not that evil to ignore my injured friend and besides-"
"Hindi na Jane, ayos na talaga ako. Kaya ko na ito." Putol ko sa kanya.
Nilunok na lamang niya ang mga susunod pa sana niyang sasabihin at umirap.
"Okay, fine!" Kinuha niya ang tote bag sa kama. "Just call me if you need anything." She said while waiving her phone. Tumango ako at pinanood siyang umalis.
Ginamot ko ang sariling sugat mula sa kit na pinadala ni Jane. Ng matapos yun ay na-isip kong tawagan si auntie, kinapa ko ang aking telepono sa likurang bulsa ng pants ko, pero wala ito doon. Maigi kong hinanap sa katawan ko pero wala talaga. Nawawala ang cellphone ko!
Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at na-isip na mahihirapan akong palitan iyon. Kailangan pag-ipunan at higit sa lahat ay baka mag-alala si Auntie kung hindi niya ako matawagan.
Hindi ko na alam kung anong oras dumating si Jane. Nakatulog ako kakaisip ng gabing iyon.
Sa dalawang araw pa na pananatili namin sa Resort na iyon ay nakapag-relax din ako kahit papaano, kahit na hindi ako naligo sa pool or sa dagat ay naka-upo lang ako sa sun lounger, nagbabasa habang siya ang nagsi- swimming at enjoy na enjoy.
"You nerd!" Natatawa niyang kantyaw ng minsang daanan niya ako pagka-ahon ng pool.
May oras na hiniram ko ang kanyang cellphone para matawagan si Auntie at ibalita ang pagkawala ng aking telepono.
"Ilang beses akong tumawag at halos pumunta na ako diyan!" Dinig ko sa boses niya ang pag-aalala tulad ng aking inaasahan.
"Pasensya na po Auntie, sa susunod ay babalitaan kita agad." Sagot ko.
Pinilit kong maging normal ang aking boses at wag ipahalata na may gumugulo sa akin sa narinig at nakita ko sa kanila ni tito.
"Ikaw po Auntie kamusta diyan?
Sumasakit ang lalamunan ko sa pagpigil kong maiyak. Masyado niya akong kilala para mahalata ito kung kaya naging maingat ako.
"Maayos ako dito Tasha, wag mo ako masyadong alalahanin."
Iniirap ko ang nagbabadyang luha at nagpaalam na agad. Dahil kung hindi ko pa gagawin iyon ay bibigay na ako.
Sa araw ng aming paguwi sa Manila, dalawang lalaki na staff ng resort ang nagbuhat ng aming gamit at dinala hanggang sa sasakyan ni Jane.
"Hope to see you again ma'am." Nakangiting paalam ng dalawa at bumalik na sa Resort.
Nauna akong umupo sa passenger bago si Jane, binuksan niya ang pintuan ng driver's para sumakay narin ng maagaw ang kanyang atensyon ng isang gumagalaw na sasakyan na naka-park malapit lang sa amin.
Kita ko ang paglaglag ng panga ni Jane at pag tikom din nito sa galit.
"You wait here" Seryoso niyang utos at bago pa ako makapagsalita ay sinara niyang muli ang pinto.
Agad ko siyang sinundan habang papalapit sa kotseng gumagalaw. Heavy tinted ang isang itim na mamahaling sedan. Walang makita sa labas.
Ibang iba sa galit na ipinakita niya ay marahang kinatok ni Jane ang bintana ng driver's seat habang plastik na nakangiti.
"Babe, open it!" Malambing na sabi ni Jane.
Kumunot ang aking noo. Sa pagkakaalam ko ay wala siyang nobyo kaya kuryoso akong naghintay kung sino ang nasa loob nito.
Ilang katok pa ang ginawa niya bago ito bumukas para lang bumungad sa akin ang walang emosyong mukha ng isang lalaking pamilyar sa akin.
Kasama niya sa loob ang isang magandang babae na may mapulang lipstick.
Yumuko si Jane at idinantay ang dalawang braso sa bukas ng bintana.
"Sino nanaman itong bagong mong laruan?" Nakangising sabi niya sa lalaki at bumaling sa babaeng naguguluhan sa nangyayari
"Jane stop it-" Napatigil ang lalaki ng biglang pasadahan ng hinlalaking daliri ng aking kaibigan ang mapulang labi ng lalaking si Whayne Alzaga.
I remember him! Isa siya sa myembro ng The Chase.
"Let me wipe this cheap reds here.."
Ang kunot kong noo ay lalo pang nalukot. Kita ko kung paano nalaglag ang panga ng babaeng kasama nito.
May nag-sasabi sa akin na dapat ay wala ako dito pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang kaibigan ko kahit mas mukha namang nanganganib ang buhay ng dalawa sa kanya.
Marahang iniwas ng lalaki ang kanyang labi sa daliri ni Jane at mula sa manibela ay siya na mismo ang nagbura.
"Maglaro ka lang ng maglaro hanggang mag-sawa ka. Pagkatapos ay umuwi ka na sakin." Tumuwid na ng pagkakatayo ang kaibigan ko, tinapik ang bubungan ng sasakyan at nakapamaywang na hinintay umalis ang sasakyan.
Umiirap na isinara ni Whayne ang tinted na bintana at mabilis itong umalis.
Nakangiti pang kumakaway ang kaibigan ko, ng unti unting nawala sa aming paningin ang sasakyan ay humarap na siya sa akin.
Sinalubong ko sya ng nagtatanong na tingin. Ang ngiti niya ay napunta sa ngiwi at mabilis akong nilagpasan.
"Ano iyon?" Tanong ko habang sinusundan siya. Pero hindi niya ako sinagot at tumuloy umupo sa sasakyan, pumasok na rin ako at hindi siya tinigilan.
Inabala niya ang sarili sa pag start ng sasakyan umaasang kakalimutan ko ang nangyari.
Hinawakan niya ang manibela bago ako sinagot.
"That guy is.. in love with me." Kibit balikat niyang sabi. "He just can't admit it." Sagot niya na para bang nabibili na parang candy ang feelings.
Shocked ako sa kanyang sinabi. Ang akala ko ay ako lang ang malihim sa aming dalawa.
Nakangisi akong nagsalita "So.. may iba ka pa bang pasabog? like your-"
"Oh shut up Tash." putol niya sa akin ng matantong ibinabalik sa kanya ang tanong na iyon. Nagpatuloy na lamang siya sa pag drive at hindi na ako pinansin
Natatawa akong umiling at ibinaling sa daan ang tingin.
Jane can get any man she wants maganda siya at mayaman. Yung tipong it's not a question kung bakit siya ang nagustuhan.
Unting unting napawi ang ngiti ko at may napagtanto na mas masakit pa sa sugat ko ngayon.