Chapter 3

3034 Words
Mabilis kumalat sa media ang mga pictures ni Jacob sa Punta Fuego kung saan may yakap siyang babae sa tapat ng kanyang sasakyan. Hindi kita ang mukha ko dahil sa yakap ni Jacob. Habang tinitingnan ko ang pictures na nagkalat sa social media ay takot at mangha ang naramdaman ko. Takot dahil sa mga nagseselos niyang mga fans na pilit inaalam ang babae sa larawan. Mangha dahil sa sobrang ganda ng kuha ay para talaga kaming magka-sintahan na magkayakap sa gitna ng gabi. Nakaupo ako sa hood ng kanyang mamahaling pulang sasakyan habang nakabukas ang headlight, at yakap ni Jacob. Sa dami ng babaeng nahuhumaling sa kanya, ay talagang magkakagulo sa litratong ito. Jacob never commented about the issue. Magaling niyang naiiwasan ang mga tanong ng reporters. "I am one hundred percent sure, it's you!" Gulantang na bungad sakin ni Jane ng pag buksan ko siya ng pintuan. Tinapat niya sa akin ang cellphone niya na may larawan namin ni Jacob. "This is you! That's your clothes in Punta Fuego! I swear to god!" Nilagpasan niya ako at pumasok sa loob. Muli niya akong hinarap para lang ulit may maalala "And wait... sa school! Ikaw din ang pakay niya hindi ba?" Pahisterya niyang sabi at halos hindi na ito tunog patanong. Pailing pa lang ako ay may kasunod na siyang tanong "Tell me honestly. What u's up with you and Jacob?" "Wa-wala!"agad kong sagot "Then, what's the meaning of those events? Seems like he's following you around! Please enlighten me." Pabagsak siyang na-upo sa sofa at humalukipkip. Huminga ako ng malalim at na-upo rin sa kanyang harapan. The reason why I did not tell her this, is because I thought no one will know of my existence, the girl who owns the ring hanging on the chest of the famous Jacob Rye Lucre. But the time is the real truth teller and after three years he found me. "You owned the ever controversial ring? Sabi ni Jane sa mabagal na salita, pagkatapos kong sabihin ang dahilan. Nalaglag ang kanyang panga at tinakpan ng kanyang dalawang palad ang bibig. "I- I can't Tasha" iling iling ni Jane habang hindi parin makapaniwala. I really can't! You- you're that girl!?" Sa wakas ay nabuo din niya ang gustong sabihin. Nalungkot ako para sa aking kaibigan, alam kong marami akong lihim sa kanya, lahat iyon ay pinalampas niya, pero parang ito ay hindi. "Jane, wala lang ito at-" "Wala lang?" Hindi makapaniwala niyang singit sa sagot ko. "You really don't have any idea, do you?" Dagdag pa niya na nagpakunot ng aking noo. "Have you done your research? Hindi ba ay gusto mo si Jacob? Siguro naman kahit papaano ay may alam ka sa kanya?" Muling nagbalik sa akin ang alaala ang tagpo namin ni Jacob sa ospital na iyon. Hindi ko na alam kung paano ko nawala ang singsing at siya ang nakakuha "Nakuha niya ang singsing na iyon sa pinakamadilim na panahon ng buhay namin Jane." "What do you mean?" Naguguluhang tanong niya "My parents and his mother.. died on the same day, three years ago in the same hospital." Nawala ang lahat ng pagtataka sa mukha ni Jane at napalitan ito ng gulat at simpatya. Pumikit siya ng mariin at muling dumilat. "I'm sorry to hear that." Sambit niya "And that's where I lost my mother's wedding ring, and Jacob found it." Patuloy ko sa aking kwento. Dinig ko ang pagsinghap ni Jane sa huli kong sinabi. "We-wedding ring?" Jane asked to confirm. Tumango ako bilang sagot, ngayong alam na niya ang lahat ay inaasahan ko na mas marami pa siyang follow up na tanong, naiintindihan ko iyon at handa ko naman sagutin ang lahat, after all she is my friend, no... My bestfriend. Umupo ng maayos si Jane sa sofa na para bang hindi nya masasabi ng maayos ang kung ano mang sasabihin niya kung hindi siya naka puwesto ng tama. "Jacob never answers question about the ring, and that makes the media more intrigued-." Nag lean forward sa akin si Jane bago ituloy ang sasabihin just to prove a point "Then one day, he finally answered Tasha." Huminto sandali si Jane sa kanyang kuwento at naghintay naman ako kahit sa tingin ko ay binibitin niya ito. "He said that if the time is right he will find you.. the girl he wants to spend his life with." Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumango tango siya na para bang pinatutunayan na wala nga akong ka alam alam sa lahat. Biglang walang tigil na tumibok ang puso ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, para akong nasa kalagitnaan ng tag-araw at hindi alintana ang init sa aking balat dahil sa ganda at liwanag na ibinibigay nito. Hindi ko alam ano ang naging dahilan para sabihin ni Jacob iyon, ang tagpong iyon na tanging kaming dalawa lamang ang nakakaalam ay akala ko'y nakalimutan na niya, pero hindi.. It is fresh in his memory like it was yesterday. "That's the first and the last time he answered question about the ring. After that, they hear nothing from Jacob." Patuloy ni Jane kahit natulala na ako at nilunok na lang lahat ng salitang gusto kong sabihin. Alam ni Jane na gusto ko si Jacob, pero hanggang paghanga lamang iyon dahil alam nating lahat na imposibleng mahuli ang puso ng lalaking nasa kalagitnaan ng tugatog ng kanyang tagumpay. Kung sinasabi niyang, ako ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay, ang masasabi ko lang ay hindi ako aasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan lalo na sa mga salitang walang laman. Kahit pa talagang hindi ko maiwasang... umasa "Bakit niya sasabihin iyon? Ni hindi niya nga ako kilala. Paano pala kung pangit ako?" Sabi ko sa mahinang boses. "My god Tasha! You really don't know anything?" Sumandal sa pagkaka-upo si Jane at hinawakan ang sentido na para bang ang sakit na ng ulo niya. "Ang sabi niya, you make him feel not alone, even if you are not around." Nanikip ang aking dibdib matapos niyang sabihin iyon. Muling bumalik sa akin ang alala three years ago. I really did make him feel not alone. He really did.. lean on me. Masaya ako na nasasaktan ng sabay. Hindi ko akalain na ganito ang mararamdaman ko kay Jacob. Nakikala ko siya at nalunod ako sa mga kanta niya, slowly, I get by because of his music. Kung nakatulong sa kanya ang sing-sing. Nakatulong sa akin ang kanyang boses at musika. It's a give and take situation, at ni wala siyang idea doon. "Kaya naman.." Pag tuloy ni Jane." Maraming fans na nainggit sa babaeng iyon, maraming naging impostor, at sinabing sila ang may-ari Ng hanapan ni Jacob ng partner ng sing-sing, nagka idea sila na kailangan pala may maipakita silang isa pang katulad nun. Maraming nag-pagawa katulad niyan." Turo niya sa dibdib ko. "At nagpanggap kay Jacob, pero isang tingin lang ni Jacob sa sing-sing , alam niya agad na fake. hindi alam kung paano niya nalalaman. Basta sigurado lang siya na hindi iyon." Kibit balikat niyang sabi. I.am.shocked. At paano nalaman ni Jacob na may partner ang singsing na nawala ko? It must be really obvious that it was a wedding ring huh? At isa pa hindi ko alam ang kwentong yan! Maraming nag-pagawa? Napalunok ako at hinawakan ang nakasabit na sing-sing sa dibdib ko. It must be the engraved! Iyon ang patunay. Hindi ko kailanman narinig ang issue na ito halos hindi ako nanonood ng t.v and at that time, and up to now I am so vague, gusto kong pagbutihin ang pag-aaral at makatapos agad para hindi na ako alalahanin ni auntie Noemi, Kaya ni hindi ako nagbababad sa social media. "It's like another version of Cinderella right? Even ako noon sobrang curious and... because the curiosity is coming back to me now, ano nga ba ang palatandaan?" Itinagilid niya ang kanyang leeg habang nakatingin sa sing sing. "May naka engrave sa loob. Iyon ang palantandaan." "Ohh.. interesting. So nakita na ba niya ang engrave at nalaman na totoo yan?" Umiling ako bilang sagot. "Weird.. dapat ay icheck niya to make sure, right?" Kunot noong tanong niya. Come to think of it, Oo nga, wala akong natatandaan na sinuri ito ni Jacob para malamang ito ang totoong partner ng sing-sing. Basta nagtiwala nalang siyang ako iyon. Paanong sa akin ay hindi siya naging maingat? "Ano pala ang naka-engrave?" Basag niyang tanong sa pag-lipad ng utak ko. Yumuko ako para hawakan ang sing sing at ibinalik ang tingin kay Jane habang hindi iyon binibitawan. "My strength." Sagot ko Dahan dahang nalaglag ang panga ni Jane habang nakatingin sa akin, pero saglit lang iyon at nakabawi rin agad. "You know what? If you guys end up together? You really have the best love story to tell.." Seryosong at walang halong birong sabi niya. It's a whirlwind emotions I felt that week dahil sa usap-usapan sa media and it's almost hard to take. It was like a fantasy that turned into a nightmare. Ang nalaman ko sa Punta Fuego tungkol kay Auntie, at ang biglang pag-sulpot ni Jacob. I'm not even sure if that's a reality.. Ang kawalan ko ng cellphone ay dahilan ng pag-aalala ni Auntie kaya nandito ako ngayon sa mall malapit sa aking condo para bumili. Ang maliit na cellphone na may matigas na keypads ang napili ko dahil mura lang, at yun lang ang abot ng aking budget. Nakabili na rin ako ng sim card. Sa mall kung saan ako bumili ay nadaanan ko ang isang poster na nagsasabi na ibinebenta na ang tickets para sa nalalapit na concert ng The Chase. All of them wearing black shirts in that poster, in retro vintage red bricks wall as backdrop. Si whayne nasa kanan nakasandal sa wall nakatingin sa langit ng nakapikit, si James nasa kaliwa, nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa, nakatingin sa gilid at kita ang earing niyang cross. Si Nate at Jacob ay nasa gitna, Nate holding a guitar habang ang isang paa ay nakasandal sa brick wall, then there's Jacob naka-upo sa sahig, ang isang tuhod ay naka-taas at naka-patong ang isang braso doon. Siya lang ang nakatingin sa camera ng kunan ito. His stone cold eyes gives me chill. Huminga ako ng malalim, sana maka-ipon agad at makabili ako ng ticket. Kinuha ko ang bago kong cellphone at tinawagan na lamang si Auntie para ibalitang may cellphone na ulit ako at malaman niya ang aking bagong numero. "Mabuti naman at nakabili ka na, Ipadadala ko ang pera ngayon sa account mo para hindi mabawasan ang allowance mo." "Auntie.. hindi na, may ipon naman ako, hindi mababawasan ang allowance." Sabi ko sa mababang boses Sariwa pa sa isip ko ang nasaksihan na away nila ni Uncle, bumalot muli ang awa ko kay Auntie Noemi, palaging ako ang iniisip niya, totoo bang halos masira ang marriage niya dahil sakin? And worst.. nalaglag ang bata na dinadala niya? "Ikaw Auntie? Kamusta ka po?" Nasasaktan kong tanong. After all ito lang ang kaya kong gawin, ang kamustahin siya. "Maayos ako dito Tasha, huwag mo ako masyadong alahanin." Agad niyang sagot. Tulad ng lagi niyang sinasabi. Wala na akong hinangad pa kung hindi bumilis ang panahon at makatapos na ako. Para hindi na niya ako intindihin pa. At mag-simula na siyang isipin ang sarili niya at si Uncle. Nag-simula na ang part time ko sa Chapters at tulad ng dati ay marami paring customers doon, karamihan ay ang mga students na may summer class, at mga professors. Naging busy si Jane sa kung anong bagay, pero di natatapos ang linggo ng di siya pumunta sa Chapters para mag kape. "Same order po ba Ms. Jane?" Tanong ni Rix ng nasa counter na ang kaibigan ko. Si Rix ang pumapalit kay Thea sa kaha kapag break nito. "Yes Rix, please." Jane flash a very beautiful smile at kinuha ang pera sa wallet inabot kay Rix, namumula ang mukha ni Rix ng kunin iyon at hindi makatingin kay Jane. Pumasok ako sa aming locker room at naabutang mapang-akit na nakangiti si Thea kay Tam na agad ding nawala ng makita ako. "Tasha, sorry! Natagalan ako mag bihis. Sige mag break ka na, palabas na rin ako." Nagmamadaling binuhol ni Tam ang kanyang black na apron. Kita ko kung pano padabog na binuksan ni Thea ang kanyang face powder at nag-pahid sa mukha. "Okay lang, mag-papaalam lang ako kay Thea na sa book lounge area ako mag break, sa table ng kaibigan ko." Sagot ko. Tumango naman agad si Tam at lumabas na. Right after lumabas si Tam ay binugahan na ako ni Thea. "Kailangan pa ba ipaalam yan everytime na darating kaibigan mo? Next time wag ka na mag-paalam! Istorbo ka eh." Pabulong ang huling sinabi niya habang patuloy na nagpa-powder, pero narinig ko parin iyon. Pinigilan kong malaglag ang panga at huminga na lang ng malalim. Ayaw ko ng patulan pa siya, dalawa lang kaming babae dito sa Chapters pero hindi kami magka-sundo, she's very distant at ayaw niyang malapit ako kay Tam. Siya ang tumatayong Manager ng Chapters kapag wala si Yas ang may-ari nito "Mag break na ako." Sabi ko at umalis na ako at tinalikuran na siya. Pumunta ako sa counter at ginawa ko ang aking kape na libre tuwing break time. Pinuntahan ko na si Jane. "Ano to?" Nakatingin ako sa isang maliit na itim na ticket na inabot niya sa akin. Tanging barcode lang ang mayron doon at wala ng iba. "That's an exclusive party, samahan mo ako." Humalakhak siya habang sinasabi iyon. "Party ng?" Kunot noo kong tanong habang hawak parin ang ticket. "That's a surprise, at hindi ka pwede tumanggi." Aniya Nanliit ang mga mata ko at walang tiwala siyang tinignan. "What? That's an exclusive party, hindi yan kasing ingay ng iniisip mo, kalma." Natatawang niyang sabi ng mabasa ang iniisip ko. "Kailan ito?" Tanong at ininom ang lumalamig ko ng kape. "Week after next." Kibit balikat niyang sagot at sisipsip na sana sa frappe niya. Natigil ako sa pag inom at nanlaki ang mata ko. "When exactly?" "It's on Saturday, definitely not on the day of the concert." Mapanukso niyang sagot. Nagkatinginan kaming dalawa, at naalala ang eksena sa Panawa Cove, naroon si Whayne, may kasamang babae at hindi siya masaya doon. "Manonood ka rin ba?" Agad nawala ang ngiti niya at hinalo halo ng straw ang kanyang frappe. "Huh?" Walang interes niyang tanong "Hindi ba ay gusto mo si Whayne?" Walang filter kong tanong. Tumigil siya sa paghalo at pailalim akong tiningnan. "That's the point. I might kill someone who will call his name on that event! That's the reason I never come." Halos pabulong ang mga huli niyanh sinabi. Kumunot ang noo ko at kinagat ang labi para mapigilan ang pag tawa. Hindi ko alam na ganiyan siya ka possessive. "What?!" Pinanlakihan niya ako ng mata, at hindi ko ka napigil pa ang tawa. Naging madalas ang pagtawag sa akin ni Auntie upang kamustahin ako. Sinabi niya rin ang araw ng kanyang pagbisita sa akin sa Maynila. At sumang-ayon naman ako sa kanyang mga plano sa araw na iyon. Marami mang bumabagabag sa akin ay hindi ko iyon ipinahalata. Kung sa tingin ni Auntie na hindi pa oras na malaman ko ang lahat ay matatanggap ko, pero hindi ko mapapangako na hindi ko hahanapin ang mga kasagutan. Isa-isa kong ibinalik sa shelf ang ilang libro na naiwan sa lamesa na binasa ng mga customer habang nagkakape. Kitang kita ang sikat ng araw sa labas mula sa floor to ceiling window ng Cafe. Alas- tres na ng hapon at isang oras nalang ay tapos na ang aking shift. "Ako na yan Tasha." Marahang kinuha ni Tam ang mga libro na nakayakap sa isa kong braso. "Kaya ko naman Tam, pero salamat na din." Sa bilis ang pagkuha niya kaya hindi na ako nakatangi. Kapag ganito ako na. Mabigat to para sayo." Nakangiti at nahihiya niyang sabi sa akin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti din, agad siyang umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa pagbalik ng libro. "Mas mabigat pa diyan ang mga libro ko sa school." Dagdag ko. Sandali niya akong tinapunan ng tingin bago muling nagpatuloy sa ginagawa. "Kung ganoon, dapat pala kitang ihatid at sundo sa school mo, para di ka magbuhat ng mabigat." Hindi niya ako tiningnan habang sinasabi yun, patuloy lang niyang inaayos ang mga libro sa shelf habang ako ay gulat na nakatingin sa kanyang mga sinabi. "Uh.." I am lost for words. Binalingan niya ako at nahihiyang ngumiti. Sa sikat ng araw ay nagreflect ang mga mata niyang itim na itim, matangos ang ilong at ang kayumanggi niyang kulay ay mas lalong nagdepina ng pagiging lalaki niya. He's a senior in other university near mine. Ang alam ko ay Engineering ang kanyang kurso at maraming babae ang may gusto rin sa kanya. Sabi nila ay gusto daw niya ako, pero sa tingin ko ay hindi naman. Sadyang magalang lamang siya sa mga babae at alam kong ginagawa niya rin ang mga bagay na ito sa iba. "P-pwede ba kitang maayang kumain sa labas?" Maingat niya tanong. "Uh.." Still don't know what to say. Natagalan sa pagsagot kaya inunahan na niya ako. "O-okay lang kung, kung ayaw mo, masyado akong naging mabilis." Kinamot niya ang kanyang batok. Since mag start ako sa Chapters ay naging mabait na sa akin si Tam, at halos siya ang nagturo sa akin ng lahat. Parang ang sama ko kung hindi ko siya paunlakan. "Tam! Patulong please!" Sabay kaming napatingin kay Thea na halos sumigaw sa pag tawag. Marahan siyang tumango sa akin bilang pag excuse. Paalis na siya ng sumagot ako. "P-pwede ako sa sabado." Nalaglag ang kanyang panga at hindi makapaniwala akong tinignan. "Saturday then." Masaya niyang sabi at Pinuntahan na niya si Thea sa counter. Isa-isa kong inayos ang mga libro at sinigurong pantay pantay ang pagkakalagay noon at inayos mula sa malaki hanggang maliliit na libro. Abala ako sa aking ginagawa ng mapukaw ng pansin ko ang isang pulang sasakyan sa kabilang bahagi ng Cafe. Naiwan sa ere ang aking kamay na may hawak na libro. Kumalabog ang puso ko, sobrang bilis ng pintig nito. Bumigat ang aking bawat paghinga. Imposible..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD