Chapter 4

2113 Words
Tam: I'll see you later.. Ito ang mensahe na bumungad sa akin pag-gising ko, ito ang araw na pinaunlakan ko si Tam para kumain sa labas. Nakahiga pa ako sa aking kama at parang hinihila pa ako nito pabalik sa pagtulog. Tumayo na ako bago pa ako muli hatakin ng antok. Binuksan ko ang puting kurtina sa gilid ng aking kama at sinalubong ako ng init ng araw, hindi pa ito nakakapaso dahil ala-siyete pa lang ng umaga. Mula rito ay kita ang matataas na building at iba pang condo na nakatayo sa paligid. Tiniklop ko ang kumot at inayos ang bedsheet. Pagkatapos ayusin ang kuwarto ay dumeretcho ako sa cr para mag hilamos at toothbrush. Sa kalagitnaan ng aking pagsisipilyo ay naalala ko ang nakitang sasakyan malapit sa Chapters. Sinabi kong imposibleng si Jacob iyon, pero pagkatapos ng Punta Fuego ay parang wala ng imposible pa. Huminga ako ng malalim at muling inabala ang sarili sa ginagawa. Umiling ako at natawa sa aking sarili para isiping mapapadaan siya doon. Nababaliw na siguro ako. Pumunta ako ng kusina at nagtimpla ng kape, habang naka-upo sa dining at humihigop nito ay hindi mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Jane tungkol sa kwento ng singsing kay Jacob. Ganoon na ba ako ka-busy sa pag-aaral at wala akong nabalitaan? Ng malaman ko na si Jacob ang nakapulot ng singing, I never search his past, The Chase's past, I only search the present. I only watch their performances and concerts. Lumipad ang tingin ko sa aking laptop na nasa ibabaw lamang ng dining table. Matapos kong makipagtitigan doon ay nagpasyang buksan na ito at hanapin lahat ng balita na sinabi sa akin ng kaibigan. Huminga ako ng malalim bago umpisahang mag-type.. Jacob Rye Lucre's ring. Then I pressed enter. Naglabasan doon ang mga article, videos ng formal at ambush interview. 'Jacob! This will be very quick, can you please answer who gave you the ring?' Mabilis na tanong ng isang reporter, hinihingal sa paghabol sa nagmamadaling si Jacob palabas ng isang building. Napapalibutan ng body guards si Jacob, maraming media at panay ang ilaw ng mga camera, lahat ay gustong malaman ang kasagutan ngunit walang nakuhang sagot hanggang makasakay na ng sasakyan si Jacob. Sa isang tila grand ball party naman ay isang babaeng reporter ang nakalapit kay Jacob habang papasok pa lamang ito ng party, sa gitna ng lobby habang napapalibutan ng maraming ilaw ay mabilis niya itong nilapitan. 'Hi Jacob, are you finally answering the question that has been hanging for a while now?' Buong pag-asang tanong nito, ngunit matipid lamang siyang nginitan at umalis ng walang sagot. May mga article naman akong nabasa na mga gawang kwento lamang at hindi sigurado, umaasang tama ang kanilang hinala. Mayroon naman doon na galing daw ang sing-sing kay Maureen.. 'Maureen Buenavista is his childhood friend after all, at marami naring balita na mag-papatunay na gusto ni Jacob si Maureen. Walang dudang kay Maureen galing ang sing-sing dahil kung hindi rin lang galing sa kanya, hindi ito iingatan ni Jacob ng ganito.' Mabilis kumalat ang article na ito, na pati si Maureen Buenavista ay kinulit narin ng media, ang hindi pag sagot at hindi din pagtanggi ni Maureen sa espikilasyon na ito ay lalong lumalim ang paniniwala ng mga tao. Sigurado na silang kay Maureen Buenavista galing ang sing-sing. Until Jacob break his silence.. Then I click that video. Guesting ito sa isang sikat na late night talk show. They will perform first before proceeding to the interview. Napigil ang aking paghinga ng ipinakita na ang grupo ng maghati ang malaking pader na tumatakip sa etablado. Hindi ko pa napapanood ito. Napako ang mata ko kay Jacob. He's all in black, wearing a see through brown shades enough to see his eyes, with messy hair that really suits him with his guitar. He looks so cool at... Ang gwapo niya.. Umikot ang camera at pinakita kung paano nagtilian ang mga babae sa audience, ang iba ay nagtaas pa ng banner na halos mapunit sa pagpupumiglas sa katuwaan. Ngumuso ako at pinagdikit ko ang aking mga tuhod at niyakap ito habang nanonood. Muli kong naalala kung gaano sila kasikat, at kung gaano kalayo si Jacob sa isang katulad ko. Nagsimula ang tugtog, I bite my lips in anticipation. "You walked into the room and now my heart has been stolen." Sa unang mga linya ng kantang iyon ay halos maputol ang mga litid ng kababaihang naroon. Ngunit agad ding tatahimik kapag muling kakanta si Jacob. "You took me back in time to when I was unbroken." Kinilabutan ako sa kanyang malamig at magandang boses. Ang pagtingin niya sa camera ay isa sa nagpapahina palagi sa akin. Mas lalo kong naalala ang tagpo namin noong gabing iyon. "I swear that every word you sing, you wrote them for me Like it was a private show, I know you never saw me When the lights come on and I'm on my own Will you be there, will you be there? Can I be him?.." Hinawakan ko ang singsing na naka kwintas sa akin habang kita sa tv na suot din niya iyon dahil sa suot niyang button down shirt. When he sings, I feel everything he say. How can he look so good, feel good and sound wonderful while singing at the same time? Nakatingala si Jacob at nakapikit bago matapos ang tugtog. Tumalikod habang pumapalakpak ang mga tao. Ininom niya ang bote ng tubig na nasa gilid niya at nagpasalamat. Ng mag simula ang interview ay puro patungkol lamang sa concert nila noon, paano ang kanilang paghahanda at ano ang aasahan. Sa mga huling banda ng interview ay isa-isa silang tinanong sa estado ng kanilang buhay pag-ibig na lalong ikinabaliw ng mga kababaihan na nanonood sa studio. Syempre ay wala ring napiga ang magandang host sa bawat isa sa kanila. They can have all the girls they want. Pero wala pa akong nabalitaan na seryosohang relasyon na involved ang isa sa kanila. Napangiti ako habang ngumingiti rin si Jacob sa mga nakatatawang bagay na sinasabi ng magandang host sa kanya. His smile is contagious. Nawala na lamang ang kanyang ngiti sa isang tanong. 'Jacob wala ng paliguy-ligoy pa, Kay Maureen ba'- Hindi pa natatapos ang tanong ng babaeng host ay nagtilian na ang mga kababaihan na audience. 'Galing ang singsing? Iyan ang gustong malaman ng lahat.' Patuloy nito sa naputol niyang tanong. 'No.' Direstong sagot ni Jacob na nagpatahimik sa mga audience, may iba pang napasinghap, hindi inaasahan ang simple niyang sagot. Pati ang host na babae na saglit na nagulat pero nakayanan paring magtanong. 'Then are you ready to answer all your fans now?' 'The reason why I'm finally answering this is because, I don't want to mislead you guys.' Isang mahabang katahimikan ang nangibabaw sa studio, ng handa ng bumato ng isa pang tanong ang host ay muling nagsalita si Jacob. 'The truth is.. I'm still finding her.' umalingawngaw ang bulungan ng mga audience sa kanyang huling sinabi at halatang naguguluhan. 'What do you mean by, you're still finding her?' Sa wakas ay muling tanong ng host. 'The girl who owns this ring makes me feel not alone even when she's not around.' Katahimikan, walang gustong bumasag noon kahit isa, now that Jacob is opening up, they don't want to interrupt. Nanikip ang aking dibdib, iba padin pala kapag kay Jacob ko narinig, kahit nasabi naman na sa akin ito ni Jane, iba padin pala kapag sa bigbig niya nanggaling. 'This is more than just a ring to me. Maybe she's the girl I want to spend my life with.' Kinagat ko ang aking labi, parang may punyal na tumusok sa aking dibdib, gumuhit ang sakit sa aking puso ng marinig ko ang mga salitang iyon. I can't explain this feeling right now. How can this pain, feels so good at the same time. 'When the time is right, I'll find her.' Tiniklop ko ang aking laptop at huminga ng malalim. He did really find me, and then what Tasha? Umaasa ka sa mga salitang iyon? Kailangan mong alalahanin kung gaano kayo kalayo sa isa't isa. Those are just words, it means nothing until he proves it. Pero paanong sa salita pa lamang niya ay nahuhulog na ako sa pinakamalalim na balon ng pag-asa. Walang hagdan o lubid na pwedeng magsalba. I am falling, and I know no one will catch me there. Tumunog ang aking telepono at nawala ang lahat ng aking iniisip, ng tignan iyon ay si Jane. "What are you doing? let's watch a movie after your shift?' Panimula niya. "Inaya akong lumabas ni Tam ngayon Jane." Halakhak ang kanyang sinagot sa akin sa kabilang linya. "Sinasabi na at gusto ka nga ng lalaking iyon. Kawawa naman siya" Sabi niya sa mapaglarong tono. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong. "Isa nanaman siya sa mababasted mo! Alam ko naman na may iba kang gusto! Nasa banda.." pabitin niyang sabi at tinuloy din."Banda riyan" Muli siyang humalakhak. Nanlaki ang aking mga mata at may sasabihin pa sana pero naunahan niya akong magsalita "Anyway, enjoy your date!" Itinikom ko ang aking bibig at pumikit. I guess she really knows me well, at hindi ito date Jane! "Baka magselos si Jacob niyan." Dagdag pa ng mapang-asar kong kaibigan, bago pa ako maka-react ay ibinaba na niya ang linya. Ibinaba ko sa lamesa ang maliit kong cellphone, at naka-pamaywang na nag-isip. Speaking of Jacob ay may naalala ako, agad akong nagpunta sa aking study table, kinuha ko ang box na nakapatong doon at Itinaob, ito ang pinaglalagyan ng aking ipon. Ng bilangin ko ang pera ay kulang pa talaga para sa ticket sa concert, binilang ko ang araw at malapit narin ang aking sweldo sa Chapters. Kung hindi ako bumili ng cellphone ay wala na sanang problema, pero mas mahalaga ang may kumunikasyon kay Auntie. Kailangan mauna ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan.. Ng naka-adjust na ako sa manila at nagkaroon ng tutoring at part time job, nangako akong hindi na gagalawin pa ang ang allowance na ibinibigay ni Auntie, na hindi ko alam kung saan galing. Lahat ng kita ko ay sapat sa aking baon, pagkain at pamasahe papunta ng school, kung kaya kailangan ko talagang mag-ipon sa mga bagay na tulad concert. Nakarating ako sa tamang oras ng aking shift sa Chapters, naging mabilis ang oras dahil sa dami ng customer, kapag wala namang order sa kaha ay lumalabas si Thea para mag-serve din ng mga ready na orders na gawa nila Rix and steven. Natapos ang araw at naglilinis na ako ng mga lamesa. Ang dalawa pang regular na taga gawa ng kape na sila Steven at Rix ay hinuhugasan ang mga gamit nila. Habang sa kaha si Thea ay nagbibilang ng pera. Natigil ang pag-punas ko sa lamesa ng mag vibrate ang aking telepono na nasa bulsa ng aking apron. Tam: On the way na ako. Nagreply agad ako. Ako: Ingat :) Itinago kong muli sa bulsa ng aking apron ang telepono at nagpunta na sa likod upang itapon ang itim na plastik ng basura. Nung una ay ayaw akong hayaan ni Steven gawin yun, at sinabing siya na ang gagawa dahil patapos na rin daw ang kanyang ginagawa. "Hayaan mo nga siya, hindi naman disabled yan no." Maarteng sabi ni Thea. Sa huli ay ako parin ang nagtapon at ayos lang din naman. Sumalubong sa akin ang kulay kahel na langit, nagbabadya na ang dilim dahil sa pagbaba ng araw. Inilagay ko ang itim na plastik sa trash bin, babalik na sana ako sa loob ng muli kong makita ang isang pulang sasakyan. Muling kumalabog ang aking puso. Hinawakan ko ito na para bang mapipigilan ko ang pagtibok kapag ginawa iyon. Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga ng bumaba siya mula roon. My heart beating so fast that it hurts. He looked straight at me. When he took his first step towards me ay naging mabibigat aking bawat paghinga. Itinikom ko ang aking bibig at dinilaan ang nanunuyo kong mga labi. Nagliparan ang mga tuyong dahon sa paligid. May iilang buhok na tumakas mula sa aking pagkakatali dahil sa hangin. Sinabi kong imposible, pero narito siya ngayon sa aking harapan. Nahanap niya ako at hindi ko na alam ang mga susunod na pwedeng mangyari, pero isa lang ang alam ko. Gusto ko siya.. alam kong masasaktan ako dito, pero hindi ko pwedeng itanggi ang totoo kong nararamdaman. "Can we talk?" He said coldly ng tuluyan niya akong malapitan. Pakurap kurap ang aking mga mata habang marahas na lumunok. His question is not yet sinking in when he asked again. "Somewhere... private"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD