Pinagbuksan niya ako ng pintuan. A manly scent welcomed me, napalunok ako sa kanyang bango, hindi niya agad sinarado ang pintuan, tinapunan ko siya ng tingin, he smoothly avoided my stare.
"Seatbelt." Malamig niyang sabi. Agad kong kinuha yun sa gilid ko pero nauna na siya at ng lingunin ko ay halos kaunti nalang ang distansya naming dalawa.
Parang tambol ang aking dibdib sa bilis ng t***k ng mapagtanto kung gaano siya kalapit sa akin ngayon. Dinig ko ang paghinga niya. Never in my life, I imagine we can be this close.
Kinagat ko ang aking labi, bumaba ang mata niya roon, agad akong umiwas bago ko pa tignan din ang sa kanya. Tinapunan niya ako ng tingin bago isarado ang pintuan. Bumuga ako ng hangin habang sinusundan siya pa-ikot ng sasakyan para sumakay. Is this okay? Kakalamig lang ng issue sa Punta Fuego. Tapos ito ulit? Tumingin ako sa paligid bago kami umandar, baka may nakakita o nakasunod sa amin?
Nilingon niya ako habang nakahawak sa manibela.
"I 'm sorry about the issue in Punta Fuego." Panimula niya na para bang nababasa nya ang iniisip ko.
Nilingon ko sya at sinalubong ang kanyang titig habang naghihintay ng isasagot ko doon.
Awang ang aking labi at iniisip mabuti kung ano ba ang dapat isagot doon, ayos lang? kahit naging malaking usapin ito?
Bago pa ako makasagot ay tuluyan nyang pinaandar ng mabilis ang kanyang sasakyan. Tahimik kaming umuusad ng muli nyang basagin ang katahimikan sa gitna namin.
"Did someone bother you since the news came out?" Tanong niya habang nakatingin sa daan.
Nilingon ko siya at umiling "Wala naman, maayos mong natakpan ang mukha ko doon, kaya walang nakakilala."
Ipinunas ko ang dalawang palad sa aking hita at naalala ang gabing iyon ng niyakap niya ako. Uminit ang aking mukha at ramdam kong namumula ako. Hindi ko makalimutan ang gabi na iyon, na kahit sa pangarap ay hindi ko akalain na mangyayari.
"I made sure of that. Hindi ka nila pwedeng makita"
Basag niya sa binubuo ko palang na pangarap. Nawala ang nag-babadyang ngiti sa akin at yumuko. Oo nga naman. Hindi siya pwedeng makita basta, lalo na kung may kasamang kung sino lang. I mean, sino ba ako? I am nobody, masakit sa mata para sa iba na makita siyang may kasama. Lalo na at hindi naman kilala.
Tumigil kami ng maging pula ang ilaw ng traffic light. Tahimik lamang siyang nakatingin sa daan, tanging makina lamang ang maingay sa gitna naming dalawa, naramdaman ko ang biglang pag vibrate ng maliit kong cellphone na nakatago sa bulsa ng pants ko.
Naagaw nito ang atensyon ni Jacob at mula sa aking telepono ay lumipat ang mga mata niya sa akin. Natataranta ko itong tinignan at nakitang may mensahe ako mula kay Tam.
Tam:
Tasha? Where are you? andito na ako sa Cafe.
Nalaglag ang aking panga ng maalala ang aming labas ngayon! Bakit ko ba iyon nakalimutan? minutes before our plan Jacob showed up at nakalimutan ko ang lahat! Ngayon ay malayo na kami sa Chapters. Agad akong nagreply.
Ako:
Tam, Im so sorry.. may nangyari lang, pwede bang ituloy natin ito ulit next week? pasensya na talaga..
Umandar ang sasakyan hudyat na nagbago na ang kulay ng traffic light. Automatic na ni lock ko ang aking telepono at tumingin sa daan na para bang ako ang nagda-drive pero hindi pa nagtatagal ay muling nag vibrate ito.
Tam:
Is everything okay? Emergency?
Magtitipa na sana ako ng reply pero hindi ko na natuloy ng isang buntong hininga ang pakawalan ni Jacob. Nilingon ko siya at agad nilagay sa bulsa ng itim kong back pack ang cellphone.
Oo nga naman. I am being rude, kasama ko siya tapos ay busy ako sa pag text. Pero mahalagang replyan ko na si Tam dahil gumawa siya ng oras para sa araw na ito pero sa huli ay nakaligtaan ko lang. kinagat ko ang aking labi, kailangan ko ring galangin ang presensya niya.
Ng muli kaming abutan ng stop light ay kinagat ko ang aking labi at nilingon ko siya.
"Uh" Ngumuwi ako at hinintay na maayos niyang mahinto ang kotse "Sorry kung nagtext ako, importante lang kasi." Halos di ko makilala ang sarili kong boses, itinikom ko ang aking bibig at yumuko.
"You should reply, if it's.. important" Tumaas ang kanyang kilay at nilingon ako.
Bumuga ako ng hangin at marahang ngumiti, nagpatuloy ang takbo ng kotse ng hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero ng marating namin iyon ay namangha ako sa lugar.
Pinasadahan ko ng tingin ang mamahaling restaurant kung saan niya ako dinala. I feel so out of place habang papasok kami doon. Ang simple kong itim na fitted shirt at denim pants ay hindi bagay sa lugar. Ang mga guest na mukhang mamahalin ang mga suot ay may hindi maiwasang mapang-husgang tingin, kahit nakangiti naman.
Nakangiti kaming sinalubong ng babae na nasa mid-thirties, pormal ang suot nitong black coat and skirt, iba sa suot ng ibang empleyado, halatang mas mataas ang posisyon nito sa kanila. Sa gilid nito ay ang isang lalaki na sa tingin ko ay waiter.
"This way Mr. Lucre."
Pumasok kami sa isang kwarto na kami lang ang naroroon. Ipinaghila ako ng upuan ng waiter, saka lang na-upo si Jacob ng naka-upo na ako. Pinagdikit ko ang aking binti ng maka-upo na, kung sana ay sa simpleng lugar na lang kami. Pero hindi pwede hindi ba? Dahil hindi naman siya simpleng tao lang, kung hindi ganito ka ekslusibo ay hindi pwede, baka makilala pa siya at pagkaguluhan ng mga fans.
Tanaw sa gilid namin ang mga maiilaw na building sa labas. Ibinigay ng waiter ang menu, para kunin ang aming order. Napalunok ako sa mahal ng mga pagkain. Tinapunan ko siya ng tingin at agad ding inilipat sa menu ng mahuli niya ako.
"Ah.. pineapple juice lang ang sa akin." Pinanood niya akong isinasara ang menu. Nahihiya akong ngumiti. Gusto kong magtanong kung ano ang pag-uusapan namin at bakit kami naririto, pero hindi ko magawa, masyado akong nai-intimidate sa kanya at sa lugar.
Sinabi niya ang order sa waiter ng hindi inaalis ang tingin sa akin, umorder siya na tila ba matagal na siyang kumakain dito. Yumuko ako at hindi maalis ang kaba sa aking dibdib. I think I will never get used to those hazel brown eyes of him.
Ng umalis ang waiter ay halos makarinig nanaman ako ng kuliglig sa gitna naming dalawa. Sana ay nagtagal pa ang waiter ng hindi sana ganito nakakakaba.
Hindi ko alam kung ako ba dapat ang unang mag salita o hahayaan ko siyang umpisahan ito. Sa huli ay ako din ang nauna.
"Uh.. ano ang pag-uusapan natin?
Bumuka ang kanyang bibig para sagutin ako pero muling nag vibrate ang aking telepono sa loob ng aking bag. Nagkasalubong ang aming mga mata Tinapunan ko ng tingin ang aking bag pero hindi ko ito kinuha kahit pa tila tawag iyon, hindi simpleng mensahe lamang.
"You can get that. It might be important." Sabi niya habang nakatingin sa bag ko.
"Uh.." ngumiwi ako at tumango. Halos hindi ko mapindot ng maayos ang answer button dahil mataman niya akong pinapanood. s**t! ano ba itong nangyayari sa akin? Maingat akong nakatingin sa kanya bago ko pindutin ang answer button. Tam is calling!
"Hello Tam.."
"Hello? Tasha?" Nagaalalang boses ni Tam ang narinig ko.
"Ayos ka lang ba? you did not reply."
"Ayos lang ako, pasensya na hindi ako naka reply." Buong sinseredad kong sabi, nahihiya ako sakanya dahil hindi kami natuloy ngayon. Ayokong isipin niya na hindi ako magandang kausap.
"Ayos lang, ang mahalaga maayos ka. Akala ko ay emergency na." Isang buntong hiniga ang kanyang pinakawalan. Alam kong mali ang paglimot ko sa aming usapan. Naghanda siya para sa araw na ito tapos ay hindi matutuloy kung kaya kailangan kong bumawi.
"I'm really sorry.." Ulit ko.
"Naiintindihan ko. Nextweek then?" Muli niyang tanong.
"Yes, next week."
Nahihiya akong nagpaalam. Mabuti naman at hindi siya nagalit sa akin. Babawi na lang ako next week at hindi kakalimutan
ang usapan namin.
"Your boyfriend?"
Lumipad ang tingin ko sa kanya sa gulat. Agad akong umiling at sumagot.
"Hindi ko siya boyfriend!" Lumiit ang boses ko sa huling sinabi.
Ininom niya ang tubig sa gilid at inilipag iyon bago nagsalita.
"A suitor then?" Taas kilay niyang tanong.
Hindi ako agad nakasagot at nagisip. Bago lang ako sa mga bagay na ito, alam kong may dahilan kung bakit ako inaaya ni Tam na lumabas kami. Pero hindi ko masabing oo dahil wala namang sinabing ganon si Tam. So I really don't know how to answer that.
Dahan dahan kong sinalubong ang mga matang niyang naghihintay ng sagot sa tanong. Napalunok ako.
"Uh.. walang siyang sinabi, basta inaya lang niya akong lumabas."
"I'll change my question then." Aniya ng may matalim na mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman, para siyang isang panganib na hindi ko maiwasan.
"Do you like him?" Pagpapatuloy niya.
Napasinghap ako, hindi na alam kung bakit namin ito dapat pag-usapan, wala pa akong karanasan sa pag-ibig. Pero pagdating sa taong gusto ko ay sigurado ako. kaya kong bilangin kung ilang beses na akong nasaktan ng mga libro na aking binabasa at napaluha ng mga palabas na aking napanood.
Pero kung ilang beses na akong nahulog sa mga kanta niya? at nawala sa kawalan dahil sa boses niya? hindi ko na alam. Pero isa lang ang sigurado ko. Alam ko kung sino ang gusto ko.
Umiwas ako ng tingin at sinagot siya. "May iba akong gusto." Nahihiya kong sagot.
Silence.. wala akong narinig na kasunod na tanong pa, sa sobrang tahimik ay nagtataka kong binalik ang tingin sa kanya. Nanginig ako ng makitang seryoso siyang nakatitig parin sa akin habang nakahalukipkip.
Natutunaw ako sa kanyang mabibigat na tingin, hindi ko alam, para akong palaging nawawala sa matalim niyang titig at guwapo niyang mukha.
There is a reason why he is, what he is Tasha... The Jacob Rye Lucre.
"Why give him a chance, if you like someone else?"
Napaawang ang aking bibig, hindi alam ang isasagot. Ang pagpayag ko sa labas namin ni Tam ay hindi ibig sabihin na gusto ko na siya, nagpaunlak ako dahil naging mabait siya sa akin , at... Paano ko sasabihin na imposible namang maging kami ng gusto ko hindi ba?
"You left your phone in my car." Sabi niya at inilatag sa lamesa ang telepono kong nawawala. Nalaglag ang aking panga.
Sinundan ko ito ng tingin habang itinulak niya ito papunta sa akin. May napindot siya na kung ano para umilaw ito at tumambad ang home screen at makita ang wall paper.
Jacob in a black and white side view portait, face tilted upward while eyes are closed.
Agad kong itinikom ang aking bibig, natataranta kong kinuha iyon sa lamesa at itinago sa aking palad kahit alam kong huli na para gawin pa iyon. Isang linggo ng wala sa akin ito at nakita na niya iyon!
Nagpapasalamat ako ng dumating ang waiter dala ang mga pagkain, inilapag sa akin ang white sauce pasta na may hipon sa ibabaw kahit pineapple juice lang ang order ko. Mataman parin niya akong pinapanood.
Kung nakita na niya iyon ay wala na akong magagawa.. sikat siyang tao at pwede niyang isipin na isa akong taga- hanga, kalat sa internet ang mga pictures niya at sigurado akong hindi ako ang nag-iisang babae na ginawa siyang wall paper ng cellphone.
Wala sa sariling itinabi ko ang mga hipon na nasa pasta bago ko pa makain sa kakaisip.
Nawala ang iniisip ko ng ilapag niya ang baso na ininuman, sumulyap ako sa kanya at natagpuan siyang nakatingin sa aking plato tapos ay lumipat sa akin. Natigilan ako sandali, napalunok ako at pinagpatuloy na ang pagkain.
I don't know what's happening inside of me. Parang may mumunting ulan sa aking tiyan na nangingiliti sa buo kong pagkatao. It's a funny feeling.. I don't know.
"Sino pala ang gusto mo?" Pabigla niyang tanong sa gitna ng katahimikan.
Naubo ako ng kaunti at halos hindi malunok ang kinakain. Kinuha ko ang puting table napkin sa gilid at ipinunas sa aking bibig, ng sa tingin ko ay nakalimutan na niya ang usapan kanina, ay heto siya ngayon at nangugulat!
"Uh.. hindi mo rin naman kilala." Nakangiwing kong sagot.
"Ako hindi ba?" Sabi niya ng may kasiguraduhan.
Nanlaki ang aking mata hindi pa ako nakakabawi sa unang tanong niya ay may isa pa siyang pasabog na tanong!
Unti-unting nalaglag ang aking panga, hindi alam ang isasagot. Napakabilis ng pangyayari at naaasar ako sa sarili ko na hindi ako makasagot at hindi ko kayang itanggi!
Bumuntong hininga siya at humilig sa upuan. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng kasagutan.
"I want my chance too." Umigting ang kanyang panga, Inilapag ang kanyang kubyertos sa lamesa bago inilipat ang matalim na tingin sa akin pagkatapos sabihin iyon.
Para akong nalulunod sa sunod-sunod na alon ng kanyang mga tanong, never gave me a chance to breathe. Itong huling tanong niya ang papatay sa akin.
Chance saan? Paunlakan ko rin siyang lumabas kami katulad ng kay Tam? Hindi ba ay ito na ang ginagawa namin ngayon kaya kami narito?
"A-anong ibig mong sabi-" Tanong kong hindi na nya pinatapos.
"That means I want you too." Sigurado at walang kurap na sagot niya sa akin.
Tuluyan ng kinain ng alon ng dagat ang katawan ko sa kanyang sinabi, at wala ng pagkakataon na makita pa! He wants me? Imposible, kailan lang kami nagkita tapos ganito?Pero hindi ko maitago ang pag-asa, may parte sa puso ko ang na excite ng marinig ko iyon. Kahit alam kong hindi mangyayari.
"Imposible" Ang tangi kong nasambit, nakatungo at hindi makatingin ng deretcho sakanya.
He must be joking.. right?
Ang mga mumunting patak ng ulan sa tiyan ko ay naging isang malakas na ulan, pinagiisipan kung susuungin ba ito.
Simula ng malaman ko na napasakanya ang singsing nung araw na iyon, wala akong ibang inisip kung sino siya, na sana kahit papaano ay natanong ko manlang ang pangalan niya. Pero naging mabait ang tadhana at nalaman kong sya iyon.
Sikat siya at nagpapasalamat ako doon dahil hindi ko na siya kailangan pang hanapin. Araw araw kong pinapanood sa social media ang mga tungkol sa kanya. Ang pagkanta niya at ang boses niya na tumatagos sa aking kaluluwa.
Ang taong may suot ngayon ng sing sing ni mama ay unti unti kong hinangaan at nagustuhan. Kaya tama siya ng sabihin niyang... siya ang gusto ko.
Pero hindi ko kailanman akalain na darating ang araw na maririnig sa kanya na gusto nya rin ako. Maaring pinangarap ko, oo. Pero ang magkatotoo? Hindi. Isang kalabisan at kahibangan na asahan iyon.
Sinundan ko ng tingin ang pag lean forward ni Jacob sa lamesa papalapit sa akin. Halos mapatid ang paghinga ko ng halos ilang pulgada nalang ang layo ng aming mga mukha.
"Now tell me, gusto mo ako hindi ba?"
Halos pabulong nyang tanong sa akin, halos mapapikit ako sa mabango nyang hininga na humaplos sa aking mukha sa sobrang lapit naming dalawa.
Napalunok ako at hindi makatingin sakanya, wala akong ibang nagawa kung hindi ang yumuko para umiwas pero hinawakan nya ang aking baba para itaas ang tingin sa kanya.
"You don't have to answer." Para akong hinihele sa kung paano ka sensual nya sinabi iyon.
Naglakas loob akong salubungin ang kanyang mga matang matamang nakatingin sa akin.
"You want me, and I want you too.." The corner of his lips rose after saying that.
Lumipad ang tingin ko sa kanya sa huli niyang sinabi. He wants me too, iyon ang sinabi niya.
"What are we gonna do now Tasha?"
The first time he say my name. Hindi ko alam na ganoon pala kasarap pakinggan ang aking pangalan.
Kinagat ko ang aking labi at,