Chapter 6

2348 Words
Nagising ako sa araw na tumatama sa aking mukha mula sa higaan. Tinignan ng naniningkit kong mata ang orasan sa side table. It's seven o'clock in a Sunday morning at off ko ngayon. Katabi ng orasan ay ang dalawa kong cellphone, ang maliit na bago at ang iPhone ko na isinoli ni Jacob kahapon. Bumangon ako sa kama at na-upo sa gilid. Dahil nasa bagong cellphone ang ipinakalat kong bagong number ay iyon ang tinignan ko. Alam kong wala ng magtetext sa dati kong number. Una kong nakita ang text ni Auntie, Auntie Noemi: Hindi ako makakapunta ngayon Tasha, may mga kailangan lang akong tapusin, next week ay tuloy ako diyan. Agad akong nagreply. Ako: Okay po Auntie. Mag-ingat po kayo diyan ni Uncle. Ang sumunod kong binuksang mensahe ay kay Jane. Jane: Next week na ang party ha. Don't forget! Do you need a dress? Magta-type palang akong ng reply ng tumawag siya, alam na alam niya oras ng gising ko. "Hello?" "Good morning! Ano? Nabasa mo ang message ko?" Hingal niyang tanong, alam kong sa ganitong oras ay tapos na siyang mag jogging. "Oo nabasa ko, wala akong dress e." Sagot ko Hindi ako mahilig sa dress puro plain shirts at denim pants lang ang meron ako. "I know right!" Natatawa niyang sabi "Marami ako sa bahay, are you free today? dadalhin ko diyan sa condo mo para masukat at makapili ka." Aniya Exclusive party daw iyon, mayaman si Jane at madalas high end na bar o restaurant ang kanyang pinupuntahan. Kaya kilangan naka-dress talaga. Ayokong ma-out of place ulit dahil sa suot ko. Ayoko ring bumili para sa isang gabi lang na suotan. Kaya tamang pahiramin nalang niya ako. "Pwede naman ako mamayang gabi. Pagkatapos ng mga gagawin." Sagot ko "Okay, I'll message you kapag papunta na ako." Iyon lang at binaba na niya ang linya. It's sunday morning at off ko. Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla na ng kape, nag-toast ako ng bread at nag fried ng egg. Matiwasay akong kumain at tumulala sandali ng matapos, bago hinugasan ang pinagkainan. Itinali ko ang aking buhok at ginawa ang routine. Naglinis ako ng buong condo. Bawat sulok ay siniguradong kong malinis. Ganoon din ang cr, bawat gilid ay kinuskos ko ng brush habang may gloves sa kamay. Sobra ang pawis ko ng matapos doon. Pagdating naman sa aking kwarto ay tinitigan ko ang mga libro ko sa school at mga novel books ko na hindi na nagkasya sa aking study table. I need book shelf here. Yung naka-hang sa wall sa ibabaw nito. Kumuha ako ng tape measure at sinukat kung gaano kahaba at kalaki ang dapat kong bilhin na slab wood. Balak kong gumawa ng hanging book shelves sa susunod na sunday para lumuwag ang lamesa ko sa mga libro. Nanood ako sa iPhone ng youtube kung paano gagawin yun. Mukhang madali lang naman pero kailangan ko ng electric drill. Hook ako sa tutorial na pinapanood ng mag text si Tam sa maliit na phone. Tam: Good morning. Ingat ka today, papunta na ako ng Chapters. Nagreply ako sandali bago ituloy ang video na pinapanood. Ako: Good morning! Marami akong gagawin ngayong araw. Ingat sa byahe. Pinagpatuloy ko ang video, at may reply siya agad. Tam: If you need help, hindi na ako tutuloy sa shift ko. Natawa ako at at hindi na nagreply pa sa biro niya. Pinidot ko ulit ang play at nanood, malapit ng matapos ang video ng sa iPhone ng may nagtext. Tumigil ang mundo ko ng makita ang lumabas na notification sa itaas. Hindi ko na nasundan ang pinapanood. Binuksan ko ang message at binasa. Jacob: Morning.. l saved my number in your phone. Halos mabitawan ko ang telepono, tumagal ang tingin ko doon at hindi alam ang gagawin. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat isagot doon. Sariwa pa sakin ang kanyang sinabi nung huli namin pagkikita, at inisip na isa lamang iyong panaginip, pero heto sya at pinapaalalang totoong nangyari ang lahat ng iyon. Jacob: What're you doing today? Isang text pa ang dumating at talagang hindi ko na alam ang dapat gawin. Totoo ba? We are really communicating now. Halos hindi ko ma-type ng maayos ang. Binuksan ko ang mata ko at ng makitang sent na ay binaba ko ang iPhone at hindi na pinagpatuloy ang video tutorial dahil paniguradong wala akong maiintidihan. Hinitay ko ang kanyang reply pero sampung minuto na ay wala parin. Nagpasya akong bitawan na ang iPhone at kinuha ko ang isang pink na box kung saan ko iniipon ang pera para makabili ng mga concert tickets ng The Chase, naroroon din nakalagay ang mga tickets sa previous concert nila na napanood ko rin. Ng bilangin ko ang pera ay sapat na para sa upper box premium, iyon lagi ang seat na binibili ko, sapat ang layo nito para makita at marinig sila ng maayos. Ng matapos ang routine ko sa condo ay naligo na ako. Pupuntahan ko ang mall na malapit para bumili ng ticket at para narin mag grocery. Tinignan ko ang iPhone at wala paring reply doon. Mula sa silent mode ay ni-loud mode ko ito bago inilagay sa aking sling bag. Totoong nababaliw na ako para umasa at totohanin ang lahat. Pag bukas ko ng pintuan ay kasabay kong lumabas ang isang lalaki at babae sa katapat kong unit. Sandaling nagulat ang babae na nakatingin sa akin habang ang lalaki ay may ineexplain sa kanya patungkol sa unit. "We will take it." Sabi ng babae na mula sa akin ay tumingin sa lalaki. Sa tingin ko ay nasa mid-twenties ang babae maganda siya at pormal, mukhang nagtratrabaho sa malaking kompanya, ang kulay beige niyang high heels ay halatang mahal, ang suot niyang pencil cut na skirt na itim at long sleeves na kakulay ng kanyang sapatos ay tamang tama sa kanyang katawan na parang ginawa talaga para sa kanya. "Okay great Miss Pam, so how about the papers that needs to be signed?" "I will update you when and where he will sign it." Sabi ng babae at nagsimula na itong maglakad paalis. Agad naman sumunod ang lalaki. Tinignan ko ang pintuan ng katapat na unit. Mula ng tumira ako dito ay walang tao doon ngayon ay mukhang magkakaroon na, ang sucessfull siguro ng babaeng iyon at ng asawa niya kahit bata pa ay kaya na nilang bumili ng unit sa mamahalin na lugar na ito. Muli kong naalala si Auntie at kung paano niya na afford na dito ako patirahin. Ayokong husgahan ang kakayahan niya pag dating sa pera, pero alam kong malaking halaga ang kailangan para magkaroon ng isang unit dito. Huminga ako ng malalim at hindi na nag-isip pa. Tumuloy na ako sa aking pupuntahan. Nakatingin ako sa bintana ng shuttle bus na aking sinakyan papunta sa mall. Halos hindi ko ginagamit ang kotseng honda na bigay din ni Auntie, ginagamit ko lang iyon kapag kailangan at kapag alam kong gagabihin ako sa aking lakad. Biglang tumunog ang iPhone at alam ko na agad kung sino iyon. Nag-iisa nalang siyang nakakaalam na gumagana pa ang number na ito. Jacob: Kinda tired of rehearsals, but I'm okay. What are you doing now? This.. is.. really happening, we are really communicating now. Agad akong nag type ng irereply. Ako: Papunta ako ng mall para mag grocery. Kinagat ko ang aking labi pag tapos isend iyon. Hindi ko na sinabi na bibili rin ako ng ticket. Katulad kanina ay wala ulit siya reply, kahit agad naman akong naka sagot. Bumuga ako ng hangin. Siguro ay bumalik na siya sa rehearsals.Nalalapit na ang kanilang concert at syempre busy sya. Nauna akong pumunta sa booth kung saan nakakabili ng ticket, hindi maalis ang ngiti ko, malapit ko na ulit marinig ang boses ni Jacob ng personal. Ang maalala siyang kumakanta ay nagpapabilis ng t***k ng aking puso. Muli kong naalala ang sinabi niya kahapon. "Ito miss oh." Sabi ng babaeng nasa kabilang window habang inaabot sa akin ang ticket. Nakangiti ko itong kinuha. "Thank you." Dahan dahan akong naglakad palayo para bigyan daan ang nakapila sa likuran ko para bumili rin. April 11. Iyon ang nakalagay na date Nakangiti ko na itong ilalagay sa aking bag ng bigla akong mabunggo ng isang lalaki na naka itim na jacket, ang hood nito ay naka suot sa kanyang ulo at may suot pa itong itim na cap sa loob. Nahulog ang ticket, natapakan niya ito at dumikit sa sapatos niyang suot. Laglag ang aking panga habang nabibiglang sinundan lang ang papalayo kong pinagipunan na ticket. "Sigurado ka ba siya yun? Sabi nung isang babae na may kasama pang lima na babaeng nagmamadaling sinusundan ang lalaking naka itim na jacket. "Sigurado ako! hindi ako pwedeng magkamali." Gigil na sagot pa ng isang babae. Ng matauhang hindi na ako ulit makakabili ng isa pang ticket ay Inunahan ko ang mga babae at patakbong sinundan ang lalaki. "Sandali lang!" Sigaw ko, Pero hindi ako pinansin ng lalaki kahit alam kong dinig niya ako. Halos kasabay kong humahabol ang anim na babaeng pigil na pigil ang tili. Kailangan kong makuha ang ticket! Mas binilisan ko pa ang paghabol halos makabunggo na ako ng tao sa loob ng mall, naiwan ko na ang anim na babae na kasabay ko lang sa paghabol. Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya, kailangan ko talagang makuha ang ticket! Hindi ko na alam kung saan siya papunta basta biglang nawala ang mga tao at puro sasakyan ang nakita ko, nasa parking na kami ng mall! Nilingon ako saglit ng lalaki at patakbong pumasok sa sasakyan na puti. "Sandali!" Wala sa sarili akong pumasok din sa sasakyan. Laglag panga akong tinignan ng lalaki na ngayon ay nasa driver seat. Nakarinig ako ng iilang bulong na mura mula sa kanya. Deresto kong inabot ang kanyang sapatos para kunin ang ticket pero agad niyang pinigilan ng dalawa niyang kamay ang aking balikat para pigilan akong yumuko Nagkasalubong ang aming mga mata. Halos natatakpan ng hood ang kanyang mukha. "This is too much miss, you have to get out." Maawtoridad niyang utos. Ang matatalim niyang tingin sa akin ay hindi bagay sa maamo niyang mata. "May kailangan lang akong makuha." Muli akong yumuko para abutin ang ticket sa sapatos niya, kapag nakuha ko iyon ay aalis na ako! "Miss! what the hell do you think you're doing?" Muli niya akong pinigilan at napagtantong masagwa ang aking pwesto, nasa sasakyan kami, yuyuko ako, mula sa labas ay iba ang iisipin ng makakakita.. Nanlaki ang aking mata ng maisip kung ano ang inaakala ng lalaki. Agad akong dumeretcho ng upo at kinagat ang labi at napapikit. s**t! Deretcho ang tingin ko sa labas, hindi ako makatingin sa kanya at naisip na bigla na lang ako sumakay sa sasakyan ng isang lalaking hindi ko kilala! Nanigas ako sa upuan ng maramdamang hinubad ng lalaki ang hood sa kanyang ulo. "Ma-mali ang iniisip mo." Sabi ko ng hindi parin makatingin saa kanya. Nagbuga ng hangin ang lalaki, dinig ko ang frustration doon. "Ganito ka ba ka desperada?" Mapanuya niyang tanong. Agad ko siyang nilingon. Unti-unting umakyat ang galit sa aking sistema. "Sabi ng mali ang iniisip-" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin. Kumunot ang aking noo ng mapagtanto kung sino ang lalaki. Is this Nate? Nate Arce of The Chase? Ilang sandali pa at nakumpira ko na! Siya nga si Nate! Kaya pala abot ang habol ng mga babae kanina, nakilala siya. Nakita ko ang galit niyang mukha, and still, hindi bagay ang galit sa maamo niyang features. "You are not a good fan for invading my privacy this far. Now get out!" Halatang pinipilit niyang maging mahinahon. Nakakatakot naman talaga ang ginawa kong ito, inakala niyang isa akong agresibong fan, at harrasment na itong ginagawa ko sa kanya. Aalis naman talaga ako, pero paano ang ticket ko?.. Tinapunan ko saglit ang sapatos niya bago siya hinarap. "Hindi kita hinahabol, at hindi ikaw ang gusto ko sa The Chase." Walang preno kong sabi. Unti-unting nalaglag ang kanyang panga habang binibitawan ko ang mga salitang iyon. Wala na akong choice, i have to say what i have to say. "Kasabay ko lang humabol sayo yung mga babaeng iyon, pero iba ang pakay ko." Tuloy tuloy kong paliwanag. "Nata.." Tumingin ako pababa para malaman nya. "pakan mo kasi yung ticket." Napalunok kong sabi ng mapagtantong masyadong naging deretcho ang mga binitawan kong salita. Ito lang ang tangi kong naisip na paraan para kumalma siya. Kunot noong tinignan ni Nate ang kanyang sapatos at natagpuan doon ang aking ticket. Hindi ko inalis doon ang aking tingin. Hawak niya iyon at hindi pa inaabot sa akin. Ilang sandali pa niyang tinitigan sa ere ang itinaas niyang ticket bago bumuga ng malakas na tawa. Siguro naman ay naintindihan na nya ang sinasabi ko. Kita ko ang pamumula nya sa walang tigil na pagtawa. Kanina lang ay galit siya. Pati ata siya ay nababaliw na? Ituro kita sa mga babaeng humahabol sayo kanina diyan eh! Kung ibinibigay na lang niya sa akin ang ticket at ng makaalis na ako dito tulad ng gusto niya. "Akin na." Inabot ko pero agad niyang iniwas, hindi na maipinta ang mukha ko. Habang siya ay wala paring tigil sa kakatawa "Ibigay mo na ng makaalis na ako." Mariin kong sabi. Mula sa pagtawa ay unti unti naging ngiti nalang iyon at isang nakakakilabot na ngisi ang kanyang pinakawalan, titig na titig siya sa akin na para bang kinakabisado ang aking mukha. "Hindi nga ako ang gusto mo." Bumuntong hininga siya at may kinuha sa kanyang gilid. Nakita kong ballpen iyon, pinirmahan niya ang likod ng aking ticket at iniabot sa akin pagkatapos. "Ano ito? Autograph?" Sarcastic kong tanong. Hindi parin nawawala ang amusement sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Nakasimangot ko syang inirapan ko at agad ng lumabas ng kanyang sasakyan habang bumubulong "Sinabi ng hindi sya ang gusto ko sa the chase" Dinig ko padin ang mapanukso niyang halakhak. Akala niya ata lahat ng babae may gusto sa kanya! "Thank me later." Nalunod ang boses niya sa ingay ng pagsara ko ng kanyang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD