Papunta kami ng hospital. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kong anong itsura niya at kong kamukha ko ba sya. Bawat pintig ng aking puso ay nagpapakaba sakin. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Rocky sa kamay ko saka niya iyon hinawakan ng mahigpit. "Im here dont worry," Sambit niya saka ako dahan-dahang tumango. Natatakot lang kasi ako dahil baka hindi sya maniniwala at hindi niya ako kayang tanggapin. Sana ay mali ang kutob ko na kanina ko pa naiisip. Sana ay maling tao lang ang napagkamalan ko. Nang makarating kami sa Ching Hospital ay mas lalo akong kinabahan. Ang pintig ng puso ko ay mas lalong bumilis ang t***k nito. Halos hindi ko maramdam ang sahig dahil sa pamamanhid ng aking tuhod. nagtungo kami sa information desk. "Excuse me miss. Can you please check the room

