(A/N) WARNING SPG: Panay punas ko saking luha. Bakit nga ba ako sinasaktan ng ganito ni Matteo. Hindi ba sya marunong maawa. Hindi niya ba napapansin na nasasaktan ako sa ginagawa niya. Ang hirap at ang sakit. Bumalik ako sa trabaho pero hindi ko pinapahalata na nasasaktan ako ngayon.Ang kirot at pamamanhid ng aking puso ay pinapawalaan ako ng ganang kimilos. Yung feeling na ang hina-hina ng katawan ko pero pilit kong gumalaw ng normal. Sana ganon lang kadali, sana ay mauntog ang ulo ko saka ko makalimutan ang lahat-lahat ng nangyari. "Maey," Napatindig ako ng tayo ng hinampas ni Grace ang pwet ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi na ito bago dahil palagi niyang ginagawa sakin iyon. "Nakita ko si Matteo kanina, nagkasalubong ba kayo?" Nakagat ko ang labi ko. "Hindi....hindi ko sya naki

