Pangalawang araw na ito at hanggang ngayon ay wala paring paramdam si Matteo. Hindi ko narin nakikita si Clifford at Robi sa bar. Bawat t***k ng aking puso ay nagpapakaba sakin. Sana ay mali ang kutob ko sana ay walang nangyaring masama sa pamilya niya. Bumalik kami sa childrens park na pinasyalan namin noon. Nagyaya silang kumain narin ng ice cream kaya naiing-ganyo akong sumama. Bawat ngiti nila sakin ay binabalikan ko rin ito ng ngiti. Ayaw kong mag emote at malungkot sa harap nila, ayaw kong pawiin ang mga ngiti nila sa labi. Sa pagkakataong ito ay ayaw ko munang pag-usapan si Matteo sa harap nila. Kailangan kong sumabay sa tawanan nila para naman maibsan ang pag-aalala ko kay Matteo. "Night out tayo sa susuod na sabado," Sambit ni Ivony. Bilib na bilib ako sa kanya dahil nagagawa

