Tumakbo ako agad papasok ng bar. Hindi ko na hinintay na magsalita si Manong. Ang sakit ng aking nararamdaman ngayon ay hindi maiibsan na kahit ano mang bagay. Si Matteo lang ang minahal ko ng ganito. Si Matteo lang ang nagparamdam sakin ng kasiyahan. Pinaglaban ko sya sa mommy niya, pinaglaban ko sya sa lahat pero ito lang pala ang mang-yayari? Ang hirap magmahal ng mayaman dahil wala kang mapapanghawakan. Parang sinampal sakin ng tadhana na hindi ako nararapat kay Matteo. Para lang akong nanga-ngarap nang tulog. Minahal ko sya at alam niya yun. Hindi ako nagkakamali minahal niya rin ako. Hindi ko alam kong maniniwala ako sa kanya kanina. Pero sa nakita ko kanina ay unti-unti ko lang niluluko ang sarili ko. Magkasama sila sa isang kwarto at ano pa ba ang iisipin ko? May nangyari sa kan

