Pagkatapos sabihin sakin iyon ni Nard ay para bang nakaramdam ako ng galit at inis saking sarili. May tao rin palang patagong nagmamahal sakin. Sa libo-libong tao sa mundo, bakit umaasa pa tayo sa iisang tao. Bakit kaya ganon? Nahihiya na ako kay Nard simula nong isinayaw niya ako sa maraming tao. Hindi ko alam kong pano maniwala dahil diretsahan niyang sinabi sakin iyon. Isa-isa naring umuwi ang mga bisita at ang mga kaibigan ni Nard. Tanging mga kapitbahay nalang nila ang naiiwan. Nag kakasiyahan sila habang nag bi'videoke. Minsan ay napapasulyap ako kay Nard habang kumakanta sya. Hanggang ngayon ay sobrang ganda parin ng boses niya. Nasa iisang mesa kami habang naglagay ng iilang matamis na pagkain si Ante Marta. Lasing na si ninong Jimmy kaya nauna itong natulog. Kasama ko si Ante,

