Maaga akong nagising para sa byahe ko ngayong araw pauwi ng probinsya. Buti nalang talaga at pumayag si Clifford sa pag-uwi ko. Apat na araw lang naman akong mawawala kaya susulitin ko ang araw na iyon para mamasyal sa probinsya namin. Na mimiss ko ang pagtitinda ng mga sariwang gulay at isda sa palengke. Lalo na ang dagat at puting buhangin. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. May halong lungkot at saya. Lungkot? Dahil hanggang ngayon ay wala paring paramdam si Matteo siguro ay kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan kong tanggapin na isa lang ako sa nilalaruan niya. Nagagalit at naiinis ako sa kanya. Kagabi ko pa ito iniisip, pagbalik ko dito sa Manila ay hindi na ako lalapit sa kanya muli. Masaya? Syempre madadalaw ko ulit si Nanay at Tatay sa simentery

