Chapter 1
Tamara Angeleigh Samañiego, 17 years old.
Everyone knows her, sikat s'ya sa school dahil sa kabaliwan at kawirduhan niyang mga ginagawa. Lagi s'yang gumagawa ng kahit ano without even thinking about what would happen to her at ang laging ending nito ay napapahiya s'ya.
Angeleigh was a happy-go-lucky person. Magaling s'yang magdrawing at mahilig s'yang magbasa ng comics, kaya imbis mag-aral ito ay laging comics ang binabasa. Study? Good grades? She doesn't think about it.
Reading comics and dating Jefone are her main goal in life.
Simula kindergarten si Angeleigh ay may gusto na talaga ito kay Jefone ngunit hindi pinagtutuonan ng pansin ni Jefone si Angeleigh. She's like a wind to him. Alam ni Jefone na may gusto sa kan'ya ang babae ngunit hindi n'ya ito magawang kausapin o lapitan man lang dahil ang tingin n'ya sa dalaga ay weirdo.
Jefone Uy, 18 years old. Quite cold and snob but handsome, yes! it was his personality. Hindi s'ya pumapansin o kumakausap man lang dahil mas sanay itong mapag-isa at magsasalita lang ito kapag may itatanong ang kanilang guro.
Studying was his favorite hobby, every school year ay may natatanggap itong award. S'ya ang top 1 sa klase nila and everyone knew who he was.
Ngunit nagbago ang lahat nang mag transfer si Alvion Zyle Robles sa kanilang school.
Alvion Zyle Robles, 18 years old. His rival. Palagi niyang inaagaw ang lahat kay Jefone. Ang kan'yang pagiging top 1 sa klase at ang kaniyang first love. Pati na rin si Tamara Angeleigh Samañiego.
*** TAMARA ANGELEIGH'S POV ***
"Tamara Angeleigh Samañiego! " napabalikwas ako ng upo sa lakas ng pagkakasigaw ng aming teacher sa homeroom na si Ms. Reyes. Inilibot ko ang aking paningin sa buong klase dahil lahat sila ay nakatingin sa akin at nagpipigil na matawa ng malakas.
"Get out to my class. Now!" sabi nito habang nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin habang nakaturo sa labas ng pintuan. Wala akong nagawa kung hindi ang yumokong tumayo at dahan-dahan na naglakad paalis. Habang ang mga classmates ko naman ay hindi na napigilan ang kanilang pagtawa. Sumulyap muna ako kayJefone na nakaupo sa may tabi ng bintana habang nagsusulat sa kaniyang notebook bago umalis ng tuluyan ngunit hindi n'ya ako pinansin.
Pano ba naman kase, nahuli akong natutulog sa klase ni Ms. Reyes. Bakit ako natutulog? kase puyat ako magbasa ng comics ko at hindi ko na na mamalayang madaling araw na pala akong natapos magbasa. And it's not my fault, kasalanan yon ng binabasa ko. Bakit kasi ang ganda ng comics na binabasa 'yon
It's kinda embarrassing. So stupid Tamara
Hindi ko naman first time na mapalabas ng room, so I was already used in this kind of situation. Naglakad nalang ako papuntang canteen kahit wala pang recess, while thinking about how handsome Jefone was when he's writing as the light of the sun reflected on his face, make him more handsome.
"Excuse me?" a tall guy suddenly appeared in front of me while carrying his bag. His cold voice immediately stopped me from walking and my eyes suddenly met his chest, slowly tilted my head to look at him since he was tall
he is handso-
no tamara! be loyal, tamara! Saad ng isip ko
"What?" I asked him and cleared my throat like I was the cold person.
"Zyle! you are here. " napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang mahinahong boses ni Ms. Reyes. It was really weird to see her talking politely to her student pero ang totoo ay isa s'yang nakakatakot at striktong teacher.
Ang tinawag nyang Zyle ay nag bow sa kanya.
"Good morning maam, papunta na po ako sa room na sinabi ng principal sa akin." magalang naman na saad ni Zyle.
Tumango naman si ms. Reyes sakanya
"Yes, let's go. I'll introduce you to your classmates." nakangiti nitong saad sa lalake. wow ha akala mo mabait.
"And you Ms. Samañiego come with us." sabay tingin nya sa akin. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila.
When we went in the classroom, I heard some of my classmates screaming and talking habang ang paningin ay nasa may katabi kong lalake. Nagpunta si Ms.Reyes sa harapan at sinabing may bago kaming classmate.
"Mr. Robles come here in front. " agad naman itong pumunta sa harapan and he cleared his throat.
"Hello, I am Alvion Zyle Robles. Please treat me well." bati nya sa amin using his deep voice at saka nag bow.
Tinignan ko si Jefone na naka tingin kay Zyle habang kagat-kagat ang kan'yang labi. Mukha pa itong hindi komportable at iniiwas n'ya ang paningin kay Zyle while pretending to write in his notes, at inignora nalang si Ms. Reyes na nagsasalita sa harapan. It made me curious ngayon ko lang nakitang umakto ng ganito si Jefone. Tinignan ko naman si Zyle na naka tingin din kay Jefone while smirking.
"You can sit anywhere you want Mr. Robles." Ms. Reyes said habang itinituro ng kanyang daliri ang mga desk na bakante. tumango naman si Zyle habang inililibot ang paningin sa mga upuang bakante pero napapikit nalang ako ng aking mga mata noong nagtama ang aming mga mata.
Zyle pointed his finger to me, "Does she have a seatmate?"
Itinaas ko ang aking kilay sa pagkalito, habang ang mga classmates namin ay naka tingin na sa akin maliban kay Jefone na nakayuko pa rin habang may kung anong sinusulat sa notebook nya. But his face was telling me that he was shocked to see Zyle's sudden reaction towards me.
"I want to sit beside her." Zyle continued.
gulat akong napatringin sakanya, "What? " I asked him.
"Gusto kitang maka tabi." pag uulit nito sa sinabi.
"Ms. Reyes" Jefone suddenly raised his hand, gaining everyone's attention."I think it would be better if you choose the seat for him." Jefone said, while fixing his eyes coldy at Zyle
Ngunit agad na iniling ni Zyle ang kan'yang ulo, nagsasabing ayaw nya sa sinabi ni Jefone
"No. I want to sit with her." mas madiin n'yang sabi. At nag deretsyo na sa tabi kong upuan at umupo.
We sat next to each other in silence causing the whole situation to become awkward.
Like diba? Bigla nalang s'yang aakto ng ganon? Tapos sasabihin nyang gusto n'ya akong maging katabi at ngayon tignan mo hindi man lang alam mag start ng conversation at kausapin ako, naka focused lang s'ya sa binabasa n'yang libro na parang hindi ako nag eexist. ughhhh kainis. Hello?! at least talk to me naman o sabihin mo nalang kung bakit ka nag transfer dito sa eskwelahang ito o anything so we could get close or befriend, pero tignan mo naman wala s'yang pakialam sa akin parang si Jefone lang.
Pero ano bang pakialam ko sa lalaking ito bahala sya sa buhay nya. Kung hindi nya ako papansinin at kakausapin hindi ko rin sya kakausapin at papansinin.
I pouted my lips, "Akala ko naman kagaya kita, pero mas cold ka pa kay Jefone." I mumbled to him, habang pinaglalaruan ang sarili kong ballpen at hindi nakikinig sa itinuturo ni Ms. Artates.
kanina pa umalis si Ms. Reyes. At ngayon ay statistics and probability na namin.
Inilapit ko pa ang upuan ko kay Zyle at itinapat sa kan'yang kamay ang aking kamay para makipag handshake. He suddenly stopped reading his book ng makita nya ang ginawa ko. hello?! Im trying to be nice to him.
"I am a pretty student here, Tamara Angeleigh." sabi ko sa mababang boses habang may ngiti sa aking labi and I ended chuckling at my own words pero na putol din ito ng tignan nya ako ng masama at tuluyang inignora ang kamay kong nakikipag handshake at itinuon n'ya ulit ang mga mata sa binabasang libro at nakinig na kay Ms.Artates
I let out a sighed "Do you want to be my friend? " tanong ko ulit sa kanya, and did not realize that I said it quietly loud causing him to heard it. Sinamaan n'ya ako ng tingin at nagpakaba naman sa akin kaya bigla akong dumugmok sa desk ko para mag pagganp na tulog but he gently held my hand at nakipag handshake sa akin.
Binigyan ko sya ng malawak na ngiti at itinuro si Jefone na naka poker face "Kita mo ba yon? " tanong ko sa kanya at tumango naman sya
"He is my boyfriend." saad ko habang natatawa sa nasabi ko, kaya naman bigla iyong napansin ni Jefone at tumingin sa akin I mean sa amin ni Zyle. My expression changed ng makitang mukha s'yang mangangain ng buhay na tao kaya naman ibinalik ko ang tingin kay Zyle na ngayon ay nagpipigil na ng tawa.
Bigla ko naman s'yang pinalo sa braso at sinamaan ng tingin.
"Are you sure that he is your boyfriend?" tanong nito na may halong nakakalokong ngiti "Parang hindi ka nga n'ya kilala e" Dugtong pa nito. bwisit to ha, pangit ka bonding e.
kaya pinalo ko na naman ang braso nya ng mas malakas causing him to groaned in pain. Serves him right!
"He is my boyfriend!" I said it loudly at dali-daling itinikom ang sarili kong bibig dahil lahat ng mata ay nasa atensyon na namin.
I forgot that I was actually in the middle of class.
"Anong nangyare? " tanong ni Ms. Artates at ibinaba ang libro at nasa amin na ang buo n'yang atensyon.
"Angeleigh hit me" sagot ni Zyle. Agad ko naman s'yang sinagot "No. he bullied me." at bigla nya namang pinisil ang pisngi ko causing me to groaned.
"When did I? " segunda naman ni Zyle at doon nag umpisa ang aming pag aaway and pinching each other, ignoring everyone who was looking at us.
"You are lying! "
"No! it's true! "
"Zyle, you are going t-" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumigaw ng malakas si Ms. Artates.
"STAND UP! " Ms. Artates said angrily para matigil kami ni Zyle sa pag sasagutan at sinunod nalang ang gusto nyang gawin namin pero hindi yon nagpa hinto sa amin sa pag papaluan ng isat isa.
"Write the answer on the board." she showed us different questions making me gasped.
Huminga ng malalim si Zyle pero agad din s'yang pumunta sa harapan at walang kahirap hirap na sinasagutan ang tanong, kaya nagpunta na rin ako sa harapan.
Habang sinasagutan n'ya ng maayos ang tanong na para sakanya ako naman ay pilit ginagaya ang sagot n'ya kahit magka iba ang tanong ng sa akin.
"It's my first time to get punished." saad nito pabulong sa akin habang ako naman ay dinilaan lang s'ya.
"Im done." he said, while sticking his tongue to me bago sya bumalik sa kan'yang upuan at iniwan ako sa harapan.
Kabado akong nagsulat ng kung ano anong sagot, pero bigla akong napalingon sa gawi ni Jefone while pouting my lips.
Unexpectedly, bigla n'yang ipinakita ang kan'yang libro na may naka sulat sa akin.
"Where at you looking at? " tanong ni Ms. Artates ngunit hindi ko na s'ya pinansin at humarap agad sa board at isinulat ang ipinakitang sagot ni Jefone. Nang natapos akong sumagot ay bumalik ako sa aking upuan at humarap kay Jefone at naka ngiting nag thumbs up sa kan'ya dahil confident akong tama ang ibinigay n'yang sagot sa akin.
"Im glad that both of you got the correct answers, but please respect my class." Ms. Artates said while glaring at me and zyle.
--
HAWAK ko ang ginawa kong Lunch box para kay Jefone habang papasok sa classroom. Nagising talaga ako ng maaga para dito pero kinakabahan ako baka kasi hindi n'ya na naman tatanggapin ang ginawa kong pagkain para sa kan'ya. Im staring at him habang nag babasa ng libro at quite amazed ng makita ko ang desk n'yang puno ng libro at chocolates bigay ng mga nagkakagusto sa kan'ya.
I cleared my throat habang papalapit sa kan'ya.
"Jefone, Para sayo." sabi ko habang inilalapit ko sa kanya ang hawak kong lunch box. Tinignan n'ya naman ang hawak ko kaya mas ngumiti ako at mas inilapit pa sa kan'ya ang lunch box na ginawa ko para sa kan'ya.
"Sorry, pero tapos na akong kumain at busog na ako" he rejected it politely. Pero nakaka panghinayang. Nag effort pa naman ako para magawa to para sa kan'ya.
Niyakap ko nalang ang lunch box ng ginawa ko para sa kan'ya at ngumiti, "thank you nga pala sa pagtulong sa akin kahapon." tumango lang ito ng hindi naka tingin sa akin ignoring me who was still hoping to take gift.
Bumalik nalang ako sa upuan ko at ipinatong ang lunch box sa desk ko.
"Para sa akin ba to? " nagulat nalang ako sa biglang pagsulpot ng kabuteng si Zyle sa harapan ko at dali daling umupo sa tabi ko at inakbayan ako. He took the lunch box and opened it without my permission.
"You can have it." saad ko sa kan'ya habang may ngiti sa aking mga labi. Nilingon ko ang gawi ni Jefone at nahuli ko s'yang naka tingin sa gawi namin pero agad nya ring iniiwas ang tingin at itinuon sa binabasa nitong libro.
"Let's share this." Zyle said while smiling and waited me to respond. Gulat pa akong tumingin sa kan'ya dahil ito palang ang unang may nag aya sa akin na kumain na magkasama.
"Sur-" naputol ang sagot ko ng biglang sumulpot sa harapan namin si Jefone at kinuha sa kamay ni Zyle ang lunch box na ginawa ko at iniwan kaming gulat na nakatingin kay Jefone na naka upo na sa kan'yang upuan.
I smiled
Ito ang unang pagkakataon na tinanggap n'ya rin ang binigay kong lunch box para sa kan'ya.
aAfter a few hours nag ring na rin ang bell pahiwatig na uwian na. hayy buti naman
I fixed my eyes at Jefone na ngayon ay buhat na ang kan'yang bag at nagsimula ng lumabas.
"See you tomorrow kabute! " I said to Zyle sabay bunggo sa kan'yang braso bago umalis at iwan s'yang mag isa sa classroom at agad na hinabol si Jefone para makasabay na umuwi since we went to our house by using the same way.
Gusto ko lagi na kasabay sya tuwing uwian pero natatakot ako na baka ireject n'ya na naman ako na lagi n'yang ginagawa sa akin. Kaya naman lagi ko itong ginagawa sa tuwing uwian. Lagi ko siyang hinihintay sa harap ng school building sa tuwing nag aaral sila ng kaibigan n'ya sa library at minsan nakakatulugan ko na ang paghihintay sa kan'ya.
Nakakapagod sa totoo lang pero okay lang. Okay ako at masaya pagdating kay Jefone.
"Should I walk with him? " saad ko sa sarili ko habang tumatakbo ng mabilis para habulan s'ya.
Mula sa kan'yang likuran ay sinuntok ko ang kan'yang bag dahilan para lumingon s'ya sa akin. Hinahanda ko na ang sarili ko dahil alam kong sisigawan ako ni Jefone dahil sa ginawa ko sa kan'ya but gladly, tinignan n'ya lang ako at tumalikod na ulit para ipagpatuloy ang kan'yang paglalakad sa hallway, kaya naman pinantayan ko sya sa paglalakad at mas dumikit pa sa kan'yang tabi.
"Jefone." tawag ko sa kan'ya and he responded by humming na parang hindi gustong marinig ang sasabihin ko.
"Wala akong importanteng sasabihin sayo, gusto lang kitang makausap" saad ko na may ngiti sa labi habang naka tingin sa kan'ya.
But he ignored me. I sighed. Kaya naman inunahan ko s'yang maglakad sa kan'yang unahan, causing him to stopped from walking.
"Jefone." tawag ko ulit. *Silence
"You've been in my mind a lot today. And it's only 12:30 pm." I flirted him again. At sa wakas lumingon na rin s'ya sa akin bago lumingon sa kan'yang relong pambisig.
"It's 4:00 Pm, Angeleigh" Sagot n'ya gamit ang kan'yang baritonong boses. hayy, Pati boses n'ya ang gwapo sa pandinig ko.
Nararamdaman kong unti-unting nag iinit ang pisngi ko pagkatapos nya akong itama kung anong oras na but I let a laughed to avoid the situation from getting awkward "Oww sorry. maybe I slept a lot today."
Biglang nanlaki ang aking mata ng mapagtantong tinawag ni Jefone ang pangalan ko.
"Tinawag mo ba ako sa pangalan ko? " tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko habang tumitili dahil sa kilig at saya. Pero tinignan n'ya lang ako na parang ako na ang pinaka wirdong nakita nya
"Tara kain tayong Lomi." I continued at umaasang pumayag s'yang kumain kami ng Lomi kila aling karmen.
"Mag-aaral pa ako mamaya." malamig na sagot nya
"hmm, edi mamayang gabi? " pag-aaya ko pa rin sa kan'ya
"Mag-aaral pa rin ako." sagot nya
"Then, how about tomorrow?" saad ko pa rin. Hindi ako susuko.
Bumuntong hininga muna s'ya bago tumingin sa akin.
"Kahit tanungin mo pa ako ng paulit ulit, ang sagot ko ay hindi magbabago." saad n'ya sa akin habang naka kunot na ang noo. Ang gwapo n'ya pa rin kahit naka kunot sya. gesszzh
"Pwede ka namang pumunta mag isa mo." he continued. Binangga n'ya ang balikat ko at naglakad na ng mabilis dahilan para maiwan ako sa hallway.
--
"Ang sarap talaga ng lomi ni aling Karmen. THE BEST! " kahit na hindi pumayag si Jefone na kumain kasama ko ay nagpunta pa rin akong mag isa at para makalimutan na rin ang lungkot sa nangyari kanina. Mag iisip nalang ako ng mga positive things kaysa isipin ang mga masasakit na sinabi ni Jefone.
Kumain akong mag isa kagaya ng nakagawian, and found some of my schoolmates who were looking at me and laughed at me dahil mag isa lang ako. I replied to them by sticking my tongue out to them, at ipinag patuloy ang pagkain ng lomi.
--
Naglalakad na ako magisa pauwi habang nakasalpak ang aking earphone sa tenga. Ineenjoy ko ang paglalakad ng may bigla may humablot sa aking purse bag at tumakbo ng mabilis dahilan para matumba ako sa kalsada. Napahinto ako nang ilang segundo bago naalalang kailangan kong habulin ang magnanakaw.
Mabilis akong tumayo at tumakbo para mahabol sa kumuha ng purse ko, binato ko s'ya ng bato at natamaan naman s'ya kaya natumba ito. So I took the chance to catch him by grabbing his jacket tightly, at para hindi s'ya makatakbo habang hinahanap ko kung na saan ang purse ko but unexpectedly he punched me on my stomach and pushed me before he was starting to run again causing me to fell hard on the ground. Dumaing ako dahil sa sakit. Nasugatan ako sa kamay at tuhod ko.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at para na rin tawagan si Jefone.
"Jefone, please sagutin mo ang tawag ko."
Tinawagan ko s'ya ng maraming beses pero hindi n'ya sinasagot ang tawag ko. Kaya naman naisipan kong itext na lang s'ya.
"Jefone, na saan ka? " I texted
"Jefone, sagutin mo ang tawag ko."
"Jefone, I need you."
"Puntahan mo ako, please."
Pinilit kong tumayo sa pagkakatumba kahit na hirap ako dahil sa pagkakabugbog sa tiyan ko at ang malaking sukat sa aking tuhod. Maingat akong naglakad dahil ramdam ko pa rin ang sakit, may ilang mga taong napapalingon sa akin dahil sa paglalakad ko pero kahit isa sa kanila ay hindi nila ako tinulungan.
Nang makauwi ako sa bahay ay nagderetso na ako sa kwarto ko kahit naririnig ko si mommy na tinatawag ang pangalan ko ay nagpanggap akong hindi sya naririnig. Pagkasara ko ng pinto ay humiga na ako sa kama at doon na nagsilaglagan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.
Hanggang sa nakatugan ko na ang pagiyak.
Wala talagang pakialam sa akin si Jefone.