LIWAYWAY 1
Tahimik na pinagmamasdan ni Roxieleen Russo ang naglalakihang puno ng mangga sa gilid ng kalsada habang tinatahak nila ang daan patungo sa bayan ng San Sebastian. Matapos ang ilang linggong pananatili sa Tagaytay, naisipan niyang dumiretso sa Pangasinan para bisitahin ang kanyang ina.
Kahit na mas pinili ni Alma ang bagong pamilya nito noon, hindi kailanman nagtanim ng galit si Roxie. Pinalaki siya ng kanyang ama na may malinis na puso, kaya naman heto siya ngayon—ang sikat na CEO at designer—bumabalik sa lugar na nagpaalala sa kanya ng sakit ng nakaraan.
“Ma’am Roxie, malapit na tayo,” malumanay na sabi ni Akiko, ang kanyang sekretarya. “Sigurado po ba kayong doon kayo tutuloy? Pwede naman po tayong mag-hotel muna.”
Humarap si Roxie sa kanyang assistant at tipid na ngumiti. “Ayos lang, Akiko. Gusto ko lang makita si Mama. Isang gabi lang naman ito.”
Pagpasok ng sasakyan sa malawak na tarangkahan ng mga Albarando, agad silang sinalubong ng kanyang ina. Mabilis na bumaba si Roxie at sinalubong ang yakap ni Alma.
“Anak! Salamat at naisipan mong dumaan,” garalgal ang tinig ni Alma habang nakayakap nang mahigpit. “Akala ko ay nakalimutan mo na kami.”
“Hindi ko po kayo makakalimutan, Ma,” sagot ni Roxie.
Pero ang mainit na pagsalubong na iyon ay agad naputol nang lumabas sa pinto ang kanyang step-father na si Weston, kasunod si Paula. Si Weston ay ang dating alkalde ng bayan, at si Paula naman ang anak nito kay Alma—ang kapatid ni Roxie sa ina.
“Siyempre, bibisita ang sikat na designer,” may himig ng uyam na sabi ni Weston. “Kailangan nating ipakita sa buong San Sebastian na narito ang anak mong milyonarya, hindi ba, Alma?”
Hindi na lang sumagot si Roxie at piniling magmano sa matanda bilang paggalang. Subalit ang masamang tingin ni Paula ang hindi niya matakasang pansin. Mula ulo hanggang paa ay tila sinusuri siya nito, puno ng inggit ang mga mata.
“Wow. Akala ko ba sa Paris ka na nakatira, Ate?” mataray na saad ni Paula habang nakahalukipkip. “Bakit napadpad ka sa maliit na bayan namin? Para ipagmalaki na naman ’yang mga alahas mo?”
“Napadito ako para kay Mama, Paula. Hindi para makipag-away sa ’yo,” mahinahong sagot ni Roxie.
“Ganyan naman palagi ang linyahan mo. Ang bait-bait mo,” kutyang tawa ni Paula. “Pero kahit gaano ka pa kayaman o kasikat, huwag mong iisiping mas higit ka sa akin dito sa probinsya. Dahil dito, ako ang bida. Ako ang anak ng dating Mayor.”
Napabuntong-hininga na lang si Roxie. Alam niyang kahit anong gawin niyang pagpapakumbaba, hinding-hindi siya matatanggap ni Paula. Para sa kapatid niya, isa lang siyang anino na laging gustong lumamang, kahit ang tanging hangad lang naman ni Roxie ay ang maramdaman na may pamilya pa siyang mauuwian.
Hindi alam ni Roxie na ang muling pagtapak niya sa San Sebastian ang magiging simula ng isang laban na hindi niya inaasahan—isang laban para sa puso ng lalaking nakatakda niyang makilala.
Sa malawak na dining table ng mga Albarando, tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig. Nakaupo si Roxie sa tapat ni Paula, habang si Alma naman ay abalang pinagsisilbihan ang anak na kararating lang.
"Anak, tikman mo itong igado. Pinagluto kita dahil alam kong paborito mo ito," malambing na sabi ni Alma habang nilalagyan ng ulam ang plato ni Roxie.
"Thanks, Ma. It looks delicious," nakangiting sagot ni Roxie.
"Of course, masarap 'yan. Pero Ma, baka hindi sanay ang panlasa ni Ate sa pagkaing probinsya," sabat ni Paula sabay irap. "Baka mas gusto niya 'yung mga fine dining sa Makati na kasing-mahal ng isang buwan nating kuryente."
Bahagyang natigilan si Roxie sa pagsubo. She sighed and looked at her sister. "Paula, food is food. Whether it's from a five-star restaurant or homemade by Mom, I appreciate it the same way."
"Really? O baka naman napipilitan ka lang kasi you want to play the 'good daughter' role again?" muling hirit ni Paula. "And look at your outfit, Ate. Lunch lang sa bahay pero kailangang naka-silk? You’re making everyone here feel awkward. You don't belong here anymore."
Huminto sa pagkain si Weston at tumingin kay Roxie. "Hayaan mo na, Paula. Baka nakalimutan lang ng Ate mo na wala siya sa opisina niya."
Ramdam ni Roxie ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Kahit anong gawin niyang relax, laging may paraan ang pamilyang ito na ipamukha sa kanya na isa siyang estranghero.
"I'm sorry if my clothes bother you, Paula. I just came from a meeting before going here," mahinahong paliwanag ni Roxie. "And honestly, I didn't come here to show off. I just really wanted to spend time with you guys." hindi man lang tumaas ang boses nito, pero itong si Paula ay halos kanina pa mataas yung boses sa pakikipag-usap.
"Spend time? O para ipamukha sa amin na ikaw na ang successful?" tumayo si Paula at padabog na ibinaba ang tinidor. "Every time you're here, feeling ko lahat ng atensyon ni Mama, sa 'yo lang. Bakit hindi ka na lang bumalik sa Manila? You have everything there. Bakit kailangan mo pang maki-gulo sa tahimik naming buhay dito sa San Sebastian?"
"Paula! Sumosobra ka na sa Ate mo!" saway ni Alma na bakas ang lungkot sa mga mata.
"No, Ma. She's right," Roxie said, her voice slightly trembling but still firm. "Maybe coming here today was a mistake. I thought we could have a normal lunch, but I guess some things never change." Dagdag nitong sabi, kitang kita ang sobrang pagkadismaya sa kaniyang mukha.
Uminom ng tubig si Roxie at pilit na nilunok ang namumuong bara sa kanyang lalamunan. She looked at Paula with so much pain in her eyes.
"You know what's funny, Paula? You have a father who loves you and a home where you feel you belong. I have the money and the career, but I'd trade it all for a family that actually wants me around." Hindi nakasagot si Paula, bagkus ay lalong sumama ang tingin nito bago padabog na umalis sa hapag-kainan. Naiwang nakayuko si Roxie, pilit na pinipigilan ang luha.
"I'm sorry, Ma. I think I should just rest for a bit," bulong ni Roxie bago tumayo at lumabas ng bahay para kumuha ng sariwang hangin.
Sa likod ng mansyon, huminto si Roxie sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga. Malayo sa loob ng bahay na tila ba doon nakatutok ang araw dahil sa init ng ulo ni Paula. Huminga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili kahit na namumuro na si Paula ay mas pinili niyang maging tahimik para hindi na lumaki kung anong galit nito sa kanya.
Narinig niya ang marahang yabag ng mga paa sa damuhan. Hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.
"Anak..." tawag ni Alma. Lumapit ito at hinawakan ang balikat ni Roxie.
"Ma, I'm okay. Sanay naman na ako kay Paula," pilit na ngiti ni Roxie, bagaman halata sa boses niya ang bahagyang panginginig.
"Pasensya ka na sa kapatid mo, Roxie. Galit na galit lang talaga siya dahil... alam mo na, palagi siyang nakukumpara sa 'yo ng mga tao rito sa bayan. Na bakit daw ang ganda-ganda at ang yaman ng Ate niya, habang siya ay nananatili lang dito," paliwanag ni Alma na bakas ang pagsisisi sa mukha. "Patawarin mo ako, anak. Hindi ko naitama ang pag-uugali niya."
Humarap si Roxie sa ina, her eyes softening.
"Ma, you don't have to apologize for her. I just don't get it. I worked so hard to build my life, and I thought my family would be proud of me. Pero bakit parang kasalanan ko pa na naging successful ako?" Hindi mapigilang tanong niya sa ina, akala niya'y magiging proud pa si Paula dahil meron siyang ate na kaya nitong maipagmalaki sa iba. Hindi basta-basta na tao.
Yumuko si Alma, hindi makatingin nang diretso sa anak.
"Nagkamali ako sa pagpapalaki sa kanya, Roxie. Masyado siyang naging spoiled kay Weston. At ako naman... aminado ako, naging mahina ako. Nawalan ako ng boses para protektahan ka." basag ang boses nitong sagot. Na-guilt siya dahil kahit may nagawa itong pagkakamali ay naging mabuti pa rin si Roxie sa kanya, lalo na sa bago niyang pamilya.
"It hurts, Ma. Because I didn't come here as a CEO. I came here as your daughter," mahinang sabi ni Roxie. "I just wanted to feel at home."
Hinawakan ni Alma ang magkabilang kamay ni Roxie at pinisil ito. "Anak, kahit anong sabihin ni Paula, proud na proud ako sa 'yo. Hayaan mo, kakausapin ko siya ulit. Huwag ka sanang magtatanim ng sama ng loob sa amin."
"I could never hate you, Ma. But honestly? I think I need some space. Siguro, I'll just go for a walk or find a place to stay nearby for a few days," tugon ni Roxie.
"Dito ka na muna, anak. Huwag mo nang pansinin ang kapatid mo," pakiusap ni Alma, ngunit hindi na mapipigilan ang desisyon ni Roxie.
"No, Ma. It’s better this way. Para hindi na rin lalong ma-stress si Paula," Roxie gave her mother a small, reassuring smile.
"I'll be fine mama. I just need to breathe."
---
.
.
.
ITUTULOY.